RETORIKA: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Sa araling Retorika o Masining na Pagpapahayag ay mararanasan ang pag-aaral tungkol sa masining na pagsulat at masining na pagsasalita kaugnay sa apat na paraan ng pagpapahayag na makilala sa mga katawagan na [1] pagsasalaysay o naratibo, [2] pagalalarawan o deskriptibo, [3] paglalahad o ekspositoro, [4] pagmamatuwid o argumento. Sabay sa mga kaalamang masining na pagpapahayag na nababanggit ay mabigyang pokus din dito ang mga estilo ng wika (langguage style).

Layunin ng Retorika o Masining na pagpapahayag ang mga sumusunod:

  1. makilala ang retorika o masining na pagpapahayag bilang isang mahalagang prinsipiyo sa paggamit ng wika,
  2. mapahalagahan ang mga simulaing panretorika sa pagsasalita at pagsulat,
  3. makapaglikha sariling panulat sa iba’t ibang paksa,
  4. maisasagawa ang mapanuring pagbasa buhat sa iba’t ibang piling sulatin, at;
  5. masasanay ang sarili sa pagsulat ng iba’t ibang komposisyon na lilinang sa kakayang pagpapalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pagmamatuwid.

Ang Timeline Ng Retorika

510 BC, sa Athens : natitinag and mga mamamayan sa akda ni Homer na Elliad sa taglay nitong kahusayan sa pagsasalita ng mga tauhang kinabibilangan nika Nestor, Oddyseus, at Achilles. Kaya si Homer ay kinilalang Ama ng Oratoryo. Sa panahong ito, ang oratoryo ay naitakdang isang pangangailangan na serbisyong pampubliko ng mga demokratikong institusyon at mga mamamayan. Sa panahon ding ito, may nakilala nang mga sophist: isang pangkat ng mga guro na nagsisikap ituturo ang mga pamamaraan sa mahuhusay at magagaling na pagtatalumpati. Ang pagtuturo ay para sa mga mamamayan.

480 BC-411 BC, sa Athens: nakilala si Protagoras (taga Abdera Greece) na kauna-unahang sophist at rhetorician, kinilalang mapang-isip at guro, siya ay nagtuturo kung paano maging epektibo ang isang mahinang argumento.

426 BC-338 BC, Si Isocrates na disipolo nina Socrates at Plato nakilala bilang isang sophist at mananalumpati. Sa panahong ito, natatag ang paaralang Retorika sa Chios. Ang paaralan ay nagtututo sa lahat ng mga kabataang nagsasalita ng Griyego tungkol sa sining at pagsulat ng sanaysay at pananalumpati.

Si Isocrates ay naging kompetensiya sa lahat na mga guro sa Athens. Pinapaksa niya sa pagtuturo ang tungkol sa mga isyung pampolitika, na may tinig na pagiging matiwasay at moralidad. Tatak sa kanyang pagpapahayag ang paggamit ng antithesis at paglalahad ng mga komplikadong pangungusap.

IKA-5 Siglo, Si Corax ng Seracuse ng Italya, itinatag niya ang retorika bilang agham. Ayon sa kanya, ang retorika ay isang artificer o persuation. Nasusulat niya ang mga alituntunin tungkol sa sining ng retorika.

Sa Mga Huling Panahong Klasikal sa Roma, sa pasimuno nina Quintillian at Cicero, nagpapalaganap sa mga kaisipan nina Plato at Aristole, pinagsanib ang mga kaisipang panghihikayat at katotohan sa retorika. At, sa bagong elemento ng retoritika, ito ay kinilalang titulong pang-akademiko.

Ikalimang Siglo, Sa Italya, nakilala ang retorika sa pamamgitan ng praktikal na aplikasyon sa buhay: [1] pagsulat ng liham, [2]pagtatalakay ng mga ebanghelyo, at [3] pagkatha ng tula. Sabay sa mga gawaing nababanggit, kilala din ang mga pangngalang Flavious Magnus Aurelius Cassiodurus at St. Isidore of Seville

Ika-14 Hanggang Ika-17 Siglo, Panahong Renasimyento, ang pag-aaral ng retorika ay batay sa mga klasikal na panulat nina Aristotle, Cicero at Quintillian. May pagtitipon ng mga disertasyon, at ang retorika ay naging asignaturang trivium, ibig sabihin, ang retorika ay katimbang ng asignaturang gramatika at lohika. Itinuturo ito sa mga pamantasan at unibersidad.

Makabagong Panahon, Global, ang retorika ay nakapokus sa praktika na malakas sa gawaing pananalumpati na ginagamit sa politika. Tinatangkilik ang mga panulat na: Lectures On Rhetoric by Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric by Goerge Campbhell, at Elements of Rhetoric by Richard Whately,.

Ika 20 Siglo, nagsusumigla ang pormal na pag-aaral ng retorika dulot sa pag-aaral ng wika sa aspektong semantika. Nangunguna ang bansang English sa pag-aaral nito. Ang mga edukador at mnga pilosoposo ang mga nakilalang pangngalan sa retorika lalo na ang mga nag-aaral hinggil sa pampanitikan at kritiko.

Mga Layunin ng Retorika Kabilang sa mga Sumusunod at Mahigit Pa

_maakit ang kawilihan/interes ng kausap at makinig sa tagapagsalita

-masanay sa pagsasalitang may kalakasan ay may gilas, mapamiling kaangkupan ng mga salita at panlasa, at may kalinawan sa pagbigkas

-maipaliwanag at mapaintindi ang mga sinasabi o sinusulat

-maikintal sa isip at madama ng kausap ang diwa ng mensahe

-matutunan ng mga tagapanood ang mga mensaheng nailalahad

MGA KANON SA PROSESONG PANRETORIKA

Ang kanon ng retorika ay konsepto ni Aristotle na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  1. Imbensiyon, ito ay tumutukoy sa pagkilala ng kaisipan o mga kaisipan, pagpili ng estilo ng pananalita at pagbuo ng pamagat o paksain
  2. Pagsasaayos, ito ang bahagi sa paghahanay ng mga kaisipan, pagkilala sa mga detalye bawat punong kaisipan. Makilala ang ayos ng mga kaisipan kung gagawa ng balangkas o concept map
  3. Estilo, sa bahagi na ito magagamit ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika, pagpili ng mga salita, pagbuo ng mga makumbinseng mga pangungusap, paglalahad ng mga matimbang na katwiran at paggamit nga mga mapanghimok na daloy na kaisipan na may katotohanan.
  4. Memorya, mahalaga ang memorya upang magkakaroon ng gilas sa pagpapahayag ng kaisipan. Ito ay mental na gawain.
  5. Paghahatid, ito ay paglalahad tungo sa mga tagapanood. Magagamit nito ang lakas ng boses, mga gesture, eye contact at iba pa. Makilala din ito bilang paraan ng pagpapahayag na pagsasalaysay, paglalarawan, pagmamatuwid, at paglalahad.

ANG UGNAYANG GRAMATIKA AT RETORIKA

Ang anumang pagsasalita at pagsusulat ay saklaw ng retorika at gramatika. Ang sining ng pagpapahayag ay hindi matatamo kapag walang kawastuang panggramatika. Ang pagiging maenganyo, ang pagiging mapanghimok at ang pagiging makatatotohanan ng pagpapahayag ay hindi epektibo kung walang kaayusang panggramatika. Tulad na lamang sa pagbati ng ‘magandang umaga!’ Hindi ito maging epektibo kung maipahayag na “maganda umaga!” Sa pasalita naman, hindi sapat ang malakas at kaaya-ayang boses na boses na magsabi “maganda umaga” kailangan talagang sapat ang tunog na “magandang umanga” para matamo ang mabisang pagpapahayag. Iyan ang tanging kaugnayan ng retorika at gramatika na dapat isaalang-alang upang mabisa ang isang mensahe.

Ang pagsasalita ng wikang Filipino ay kilala rin sa pagkamalambing na intonasyon kaya pati ang English na “good morning” ay maaring mapasaFilipino na intonasyon. Kung ang tagapanood ay mga Pilipino, ito ay maaring epektibo, ngunit kung ang ang pag-uusapan ay pormal na pagsasalita at sa akademiko larangan, kailangang hindi ang intonasyon ay tama. Kailangang sundin ang lagda sa intonasyong English upang matamo ang mabisang pagpapahayag.

Sa wikang Filipino, ang mabisang pagpapahayag ay makilala sa kawastuan, at nakasunod sa mga pamantayan o sistema ng pagbuo ng mga panungusap, na ang pangungusap ay binubuo ng mga piling mga salita upang kaakit-akit. Usapin na dito ang tungkol sa gramatika at retorika. Ito ay gawaing pangkaisipan sa paggamit ng wika na kung saan sabay iisipin ang mga lagda ng gramatika at ang lagda sa pagsunod ng retorika.

Mga Ginagampanan ng Retorika sa Pang-araw-araw ng buhay

Mahalaga ang retorika upang lalong yumayabong ang alinmang sangay ng lipunan tulad ng sa politika, sa relihiyon, sa panunuri, at sa akademya. Sa kabuuan maisa-isa ang ginagampanan ng retorika sa pang-araw araw na buhay tulad ng mga sumusunod:

  1. Nagpapatingkas ng Mga Paraan
  2. Nagkakakuha ng Atensiyon
  3. Nagngangalan
  4. Nagbibigay Kapangyarihan
  5. Nagpapalawak ng Panananaw

MGA SANGKAP NG MABISANG PAGPAPAHAYAG

Ang mabisang paghahayayag ay mabubuo sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Wika. Ang mga kaisipan, saloobin at damdamin ay maipapahayag sa pamamagitan ng wika–makabuluhang tunog na may kahulugan. Wika ang naging susi upang maihahatid ang mensahe. Sa pasalitang wika, ito ay kumakatawan ng mga tunog ng bawat bigkas na lalong mapanghimok, mapang-enganyo dahil sa tinig, uri ng boses, at kumpas ng tagapagsalita. Sa wikang pasulat naman, wika ay nagkakaroon ng simbolo sa pamamagitan ng mga salita, baybay ng mga salita, pagbuo ng mga parirala, paggamit ng mga pananda, mga tuldik, paggamit ng malaking titik, at pagdisenyo ng mga anyo gaya ng patalata o pasaknong.
  2. Nilalaman. Ang nilalaman ay ang mga ideya na bumubuo ng pagpapahayag mula sa pagpili ng pamagat, paksa, layunin, tema, detalye, mensahe. Makabuluhan ang pagpapahayag kung ito ay kapulutan ng mahalagang mensahe, nagtatalakay ng tunay na buhay, may katotohanan, at ito ay nag-aaliw.
  3. Kaparaanan. Ito ay ang paraan ng pagpapahayag kung ito ay paglalarawan, paglalahad, pagmamatuwid, at pagsasalaysay.
  4. Pantayong Pananaw. Ito ay ang pagbibigay tuon kung sino ang nagbibigay pahayag, para kanimo ang mensahe nito, at ano ang pinag-usapan.
  5. Kabuuang Produkto Na Mababasa o Mapakinggan. Mahalagang sangkap ang mga materyal na pisikal na daluyan ng mensahe, at paano ito maibahagi ng iba. Ang paglathala ay isang mahalagang output ng pagpapahayag ng kaisipan.

KAKAYAHAN SA MABISANG PAGPAPAHAYAG

Upang matamo at malinang ang mga kasanayang ng mabisang pagpapahayag, kailangang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mabisang pagpapahayag dahil kapag may sapat na ng kaalaman, ito rin ay daan upang pansinin ang sariling kakayahan kung sa anong aspekto ang dapat paunlarin. Isa itong hakbang upang magkaroon ng pagbabago ng kaugalian at linangin ang sarili tungo sa akmang kasanayan. Alamin ang sarili kaalaman at antas ng kakayahan, puwede magkakaroon ng pamantayan mula sa 1 – 5 na ang 5 ay ang pinakamataas. Alamin ang sarili ayon sa mga sumusunod na aspekto:

  1. Kakayahang Lingguwistika. Ito ay ang tungkol sa kaalamang pambalarila at leksikal. Saklaw nito ang pagkilala sa mga alituntunin sa wastong gamit ng salita, wastong pag-ugnay ugnay ng mga wastong salita at wastong kayarian ng pangungusap. Kakayahan itong makilala ang mali at malabong pangungusap tungo sa wasto at mabisang pangungusap. Ang kaalaman sa talasalitaan ay napapabilang din dito na naglalarawan sa aspetong leksikal.
  2. Kakayahang Estratenikal. Kakayahang makapili at gagamit ng teknik sa pagpapahayag upang matamo ang kabisaan nito. Kakayahan ito kung paano simulan, palawakin at tapusin ang pahayag. Ang pagbibigay kahalagahan sa mga audience batayan sa pagpili ng estratehiya upang matamo ang mabisang pagpahayag.
  3. Kakayahang Sosyo-Lingguwistika. Ito ang kamalayan kung paano maging katanggap-tanggap ang bawat pahayag na sasabihin o isusulat. Ito ay kaalaman tungkol sa mga pamantayan ng tagapagsalita. Kaya makilala sa dimensyong ito ang mga nakasanayang salita na mamumutawi sa bibig ng mga tagapagsalita, at mga kadalasang mga salita na nagbibigay tanda kung sino at anong lipunang kinabibilangan ng isang tao. Ang dimensiyong sosyo-lingguwistika ay maipakilala sa ating mga sariling kultura sa pagsasalita at pakikitungo sa kapwa.
  4. Kakayahang Diskurso. Ito ay tumutukoy sa kaalamang maipapahayag ang mga kaisipan o konsepto batay sa nakikita, nababasa, napapakinggan at napapanood. Mga konseptong nalalahad, naglalarawan, nagsasalaysay at nangangatuwiran na buahat sa paghahamabing. Ito ay kakayahang maipaliwanag at maitalakay ang mga kaisipan upang maging malinaw sa persepsiyon ng nakikinig o mambabasa.

ANG MGA KASANGKAPANG PANRETORIKA

1. Ang Idyomang Pilipino

Ang mga Pilipino ay may kakayahang magpapahayag ng kaisipan na may patagong kahulugan. Isa itong kaparaanan ng mga Pilipino bilang pakikitungo sa kapwa upang maiwasan ang makasakit ng damdamin, upang makapagbigay ng aral, at higit sa lahat ito ay isang uring pagpapakita sa kaalaman ng isang tao kung paano niya nakikita ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Sa bahaging ito ay ilalahad ang mga idyoma na kadalasang ginagamit ng mga Pilipino sa pakikipagtalastasan na marahil nagdadala ng kagandahan sa wikang ginagamit—isang tatak ng wikang Filipino at isang karunungang Pilipino.

Mga Halimbawa

1. Agaw-buhay( naghihingalo)

2. Amoy-lupa (matanda na)

3. Anak-araw (mapuputi)

4. Anak-pawis ( dukha )

5. Balitang –kutsero (balitang hindi totoo)

6. Balintataw (isipan)

7. Basa ang papel (hindi na maganda ang reputasyon)

8. Basang upos (mahirap pagsabihan

9. Bigatin (maykaya, ma-impluwensiya

10. Bilugin ang ulo (lukuhin )

11. Biro ang tadhana ( mapait na kapalaran )

12. Bolang Kristal ( paghuhula ng kapalaran)

13. Boses-ipis (mahina ang boses)

14. Boses-palaka (sintunado/wala sa intonasyon kung umawit)

15. Buntot-aso (sunod-sunuran)

16. Bukang-liwayway (pagsikat ng araw )

17. Bukas ang palad (mapagbigay,mapagkawanggawa)

18. Bukas na aklat (walang sekreto, lantad)

19. Pagbuhat ng sariling bangko (pagpuri sa sarili)

20. Buhay ang loob (matapang )

21. Buhay-alaman (buhay na walang katiyakan )

22. Bulang-gugo (mapagbigay sa mga kasama)

23. Butas ang bulsa (walang pera )

24. Buwaya (sakim )

25. Buwaya sa katihan (usyusero )

26. Di-maabot tanaw (napakalayo )

27. Di-makabasag-pinggan ( mahinhin, mahinahon)

28. Di-mahapayang-gatang (mataray, napakatapang )

29. Di-mahulugan ng karayom (napakaraming tao)

30. Nagbubuhat ng sariling bangko (nagmayabang)

31. Panakip-butas (panghalili)

32. Paningalang-pugad (panliligaw)

33. Patay-gutom (mahirap na mahirap)

34. Patay-malisya (nagkunwaring di nakapansin)

35. Nagpuputok ang botse (nagagalit, naiinis )

36. Nagsaulian ng kandila (nagkatampuhan )

37. Nagtataingang kawali (nagbingi-bingian )

38. Nakahiga sa salapi (mayaman)

39. Ningas kugon ( biglang sigla ngunit nawala)

40. Pagbangon ng puri (pakasalan)

41. Pako ( kailangan pang utusan)

42. Panakip-butas (panghalili)

43. Paningalang-pugad (panliligaw)

35. Haligi ng tahanan (ama )

36. Haling ang kaluluwa (napakasama ang ginagawa )

37. Haligi ng tahanan (ama )

38. Hampaslupa (napakahirap, palaboy )

39. Higad na higad (maramot na maramot )

40. Hinahabol ng gunting (mahahaba ang buhok )

41. Hampaslupa (napakahirap, palaboy )

42. Higad na higad (maramot na maramot )

43. Hinahabol ng gunting (mahahaba ang buhok )

44. Hinahabol ng sabon (maruming damit )

45. Hinahabol ng plantsa ( kunot-kunot na damit )

46. Hindi masusunog ( maruming-marumi )

47. Hinihipang pantog (biglang paglaki o pagtaba

48. Hingal-aso (pagod na pagod)

49. Ibilang sa wala (kalimutan )

50. Itaga sa bato (pakatandaan )

51. Ibuko (ibisto o isiwalat )

52. Ilaw ng tahanan (ina )

53. Ilista sa tubig (utang na di mabayaran )

54. Iguhit sa noo (tandaan o huwag limutin)

55. Kabatakan (kaibigan, katulungan )

56. Kabungguang- balikat (malapit na kaibigan )

57. Kakaning-itik (panloloko, inaapi )

58. Kalapating mababa ang lipad (babaing bayaran )

59. Kape’t gatas ( itim at puti)

60. Kapit-tuko (mahigpit na kapit )

61. Kaututang dila (katapatang lihim )

62. Kulang-kula (may sira ang ulo )

63. Kumukulo ang dugo (galit na galit )

64. Ligaw-tingin (hindi masabi ang nadarama)

65. Lumaki ang ulo ( yumayabang )

66. Mabilis ang kamay (magnanakaw )

67. Mabulaklak ang dila (pagpupuri nang labis )

68. Makati ang dila (madaldal )

69. Magaan ang bibig (palabati/magaling sa pagbati)

70. May hangin ang ulo (mayabang )

71. Malabnaw ang utak (mahinang umintindi )

72. Mataas ang lipad ( palalo )

73. Matamis ang dila ( magaling magsalita)

74. Nagbibilang ng poste (walang trabaho )

75. Magdildil ng asin (halos walang makain )

76. Mahabang dila (madaldal)

77. Magpapalipad hangin (mayabang )

78. Matayog ang lipd (mapagmalaki)

79. Magsunog-kilay (masipag mag-aral )

80. May gatas pa ang labi (bata pa)

81. Naglalaro ng apoy (nagtataksil sa asawa o bana)

39. Nagpuputok ang botse (nagagalit, naiinis )

40. Nagsaulian ng kandila (nagkatampuhan )

41. Nagtataingang kawali (nagbingi-bingian )

42. Nakahiga sa salapi (mayaman)

43. Ningas kugon ( biglang sigla ngunit nawala)

44. Pagbangon ng puri (pakasalan)

45. Pako ( kailangan pang utusan)

46. Panakip-butas (panghalili)

47. Paningalang-pugad (panliligaw)

48. Patay-gutom (mahirap na mahirap)

49. Patay-malisya (nagkunwaring di nakapansi)

50. Pinitpit na luya (hindi nakapagsalita)

51. Pumuti ang uwak ( hindi mangyayari)

52. Mahabang-dulang (kasalan)

53. Nakahiga sa salapi (mayaman)

54. Maglubid ng buhangin (magsinungaling)

55. Nakahiga sa salapi (mayaman)

56. Masamang damo (masamang tao o lahi)

57. Sambakul na mukha (nakasimangot)

58. Takaw-mata (hanggang tingin lamang)

59. Tulog-mantika (mahirap gisingin)

60. Utak-biya (hindi madaling makaintindi)

61. Walang-dila (hindi makapagpahayag ng nasa isipan )

KAWIKAAN, SALAWIKAIN AT KASABIHAN : MGA SANGKAP PANRETORIKA

Nagtataglay ng kabisaan ang paggamit ng mga kaisipan naglalahad tungkol sa totoong buhay dahil ito ay nagtuturo sa mga hindi pa natutoto. Kung ang anumang pahayag ay nakabatay sa mga nakatatanda ay natural na lamang mapagbalingan ng atensyon dahil naniniwala ang mga Pilipino at ang sandaigdigan na ang mga matatanda ay lubhang maalam dahil sa nararanasan sa buong buhay. Ang kawikaan, salawikain at kasabihan ay maituturing nating mga kalipunan ng ginintuan kaisipan na isang uring kayaman na pinaniniwalaan sa mga sumusunod na henerasyon. Nirerespeto ang anumang mga kaisipan nagsasaad ng totoong buhay, naglalahad ng mga prinsipiyo at pilosopiya sa buhay na may kinalaman sa anumang mga lagda sa buhay gaya ng sa relihiyon, panunungkulan at pakikipagkapwa tao. Sa Austero et al (2000) naririto ang pagkakaiba ng kawikaan, salawikain at kasabihan:

KAWIKAAN-Mga turong pangmoral at panrelihiyo, tumatalakay sa praktikal na buhay araw-araw. Tinatampok dito ang tama at kagandasang kilos at asal

1. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.

2. Maghanap ka at ikaw ay makakatagpo.

3. Kung ano ang hindi mo gusto, huwag gawin ito sa iba.

SALAWIKAIN-Butil ito ng karunungan na may kinalaman sa ugali, kilos, gawi at katangian ng tao. Ito ay mga pahayag na patalinghaga na nagtataglay ng aral, hindi kagaya ng kawikaan na lantad lamang ang kahulugan.

1. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggagalingan ay hindi makarating sa paroroonan.

2. Ang sinumang mataas ang lipad ay siyang ring lagapak kung bumagsak.

3. Laging nasa huli ang pagsisisi.

KASABIHAN-Mga sabi-sabing palasak sa bayan na tinatanggap na lamang sa pagdaan ng panahon, nagsisilbi din itong patnubay sa nararapat ugaliin dahil ito ay hango sa karanasan ng buhay dahil sa mga pagkakataon at tumatalakay ito sa iba’t ibang bagay-bagay sa paligid. Ito ay pawang mga prinsipiyo kung paano mamuhay at umasal ang tao.

1. Para sa matalino ang isang salita ay sapat na.

2. Ang galit mo ngayon ay ipagpapabukas mo na lang.

3. Pili nang pili nauwi sa bungi

IDYOMANG BISAYA

Gaya ng ibang wika, ang Bisaya ay mayaman din sa mga patalinghagang pagpapahayag, at isa na rito ang idyoma na may katumbas na ‘panultihon’. Narito ang iilang mga panultihon.

MGA PANULTIHONG MAY TUGMA

1. Magkalawud-lawud pangan

pauli ra sa katunggan.

Nangangahulugang kahit saanmang lugar makaabot ang tao, babalik pa rin ito dahil walang lugar na pinakomportable sa kanya kundi ang kanyang sariling bayan lamang.

¨ ang ‘pangan’ ay isang uring isda na natural na nabubuhay sa lugar na “katunggan’.

¨ Ang ‘katunggan’ ay nangangahulugang bakawan

2. “ Ilig ta, ilig ta”, murag katang

Apan magpabilin ra sa pangpang.

Sa kaisipang ito ay tumutukoy sa gawi ng isang tao na maaring napakaigting o porsigido sa anumang bagay at mapanghikayat ngunit sa kabila bigla na lamang mawalan ng kawilihan.

Ang “katang” isang maliit na alimango na mabubuhay sa tubig na matabang na kapag bumaha o mabilis ang agos ng tubig para itong nangungumbinse ng iba na makisunod sa agos ng tubig o ‘ilig” ngunit sa isang iglap ay kakapit ito sa “pangpang”

3. Pagbagting sa resada

Mao pay pagpanglaba

Pagbagting sa mayor

Mao pay pagpangamerol

Pagkahuman sa mesa

Mao pay pagsimba

*”resada” ay oras sa pagdadasal

Ipinapahiwatig dito ang pagiging maagap o alisto sa anumang gawain o kaparaanan at huwag palaging huli.

MGA PANULTIHONG walang TUGMA

1. Mag-usab pay layog. Nangangahulugang hindi na mangyayari pa ang anumang bagay. “Layog” ay Nangangahulugang sambunutan o parang wrestling o napaaway.

2. Layo ra sa tinai. Madalas itong sinasabi kapag nagutan na Nangangahulugang hindi dapat matatakot o hindi piligroso.

3.Layo pa sa tinai sa manok (malayo pa sa bituka ng manok) ito ay may kinalaman sa pagsagot na kung saan hindi nagtatugma.

4. Walay aso nga makumkum ( walang usok na maitatago). Nagsasabi itong walang sekretong hindi mabubunyag.

5. Ang nagputak maoy nangitlog (ang pumutak ang siyang nangingitlog). Nagsasaad itong ang sinumang panay na reklamo ay siya ring may kagagawan.

6. Walay dila nga ikapamulong (walang dila na makapasalita). Ito ay tumutukoy sa taong hindi masasabi ang kanyang katwiran o kadahilanan.

7. Sugdon sa punuan (umpisahan sa ibaba). Ito ay nagsasaad na ang anumang mga bagay ay dapat magsimula sa maaring paghihirap at ang pangalawa namang kahulugan nito ay tumatampok sa kaparaanan kung unang mga panahon na kung ang binata ay nakakagusto sa dalaga ay dapat pakaibiganin niya ang mga magulang nito.

8. Nagmata ra’g buntag (umaga na nang nagising). Tumutukoy ito sa mga taong walang kaalaman sa anumang mga pangyayari na siya’y nalalamangan na.

9. Masikwati jud ta ani (magiging inuming tsokolate tayo) . Nangangahulugan magkakagulo tayo

10. Makulban og kaldero ( Tumiyaob na kaldero). Nangangahulugang nawalan ng mapagkakitaan o pagkabuhayan

11. Nagpahayahay sa baga (Nagpaaliwas ) Nangangahulugang nagrerelaks at walang stress

12. Morag gitilaan og hawo . Ibig sabihin nito, anumang pagkain na nauubos lahat walang natira kahit maliit na piraso

Iilang lamang ito sa mga idyomang Bisaya na nagpapakilala sa pagkamasining na magpapahayag ang mga Bisaya.