MGA SIMULAING KAALAMAN SA KASANAYANG PAGBASA

Naging instinct na ng tao ang gawaing pagbasa dahil sa taglay na kakayahang paningin. Mata at paningin ang bintana sa gawaing ito tungo sa prosesong pangkaisipan na siyang gumagamit sa mga nakaimbak na kaalaman at mga karanasan. Sa mga batang may murang edad na nilalantad sa panonood ng TV, paggamit ng computer at nag-umpisa nang mag-aral, at iba pang mga gawain, kahit hindi masyadong natutong kumilala ng mga simbolong pangwika, mangyari sa kanila ang tinatawag na iconic reading, na naging susi sa pag-unawa ng mga simbolong makikita. Gaya na lamang sa paggamit ng toilet na na may simbolong kumakatawan sa kasariang babae at kasariang lalaki. Maaring magtataka lamang ang sinumang magmamasid ng apat na taong gulang na bata na nakapadaling magpindot-pindot ng keyboard ng computer at nagawang pang maglaro na mag-isa. Ganundin ang paggamit ng anumang makabagonggadget. Ang mga pangyayaring iyon ay may kinalaman sa iconic reading hanggang matutunan ang pagbasa ng mga simbolong pangwika bilang isang prosesong pangkaisipan. Sa pagbasa ng mga purong teksto na walang mga larawan, maiba rin ang antas ng kasanayang kailangan kung pag-usapan ang pagkakatuto ng isang bata. Kaya mahalagang linangin at mabatid ang kalikasan ng pagbasa upang mapakibagayan ang anumang kakayahang angkin ng isang tao—isang estudyante. At dahil layunin ng akademikong larangan ang paglinang ng kakayahan pagbasa, dapat papapahalagahan at linangin ito dahil ang pagbasa ay susi upang matamo ang mga pamantayang pang-akademiko sapagkat tinataya ang karunungan ng mga estudyante batay sa mga makrong kasanayan. At mula dito maaasahang sila’y epektibo sa kani-kanilang mga gawain at tungkulin.

Nilalayong maging isang kritikal na mambabasa ang mga estudyante dahil kailangang nitong makapaghahanda ng isang papel pananaliksik. Sa bahaging ito, mahalagang mababatid ang kilalang mga manunulat na dayuhan at Pilipino sa pagpapakahulugan at pagtatalakay ng pagbasa at ano ang kalikasan nito bilang isang makrong kasanayang pangwika.

KAHULUGAN NG PAGBASA

1. Ayon kay Frank Smith, 1973 ang pagbasa ay prosesong komunikasyon sa paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng isang midyum patungo sa tagatanggap.

2. Ayon naman kay Goodman, 1976 (ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saang ang mambabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Ang gawaing ito ay ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan

3. Sa elaborasyon ni Coady(1967, 1971, 1976) sa kahulugan ni Goodman, tinatampok niya ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay sa kakayahang bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at kasanayan sa pagbuo sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto ”.

4. Binibigyang diin nina Urquhart at Weir (1998) ang midyum sa pagbasa. Ayon sa kanila ang pagbasa ay isang proseso, proseso ito ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong bawat simbolong pangwika. Ang naging midyum nito ay mga simbolong nakalimbag.

Kapwa nababanggit ang mga katawagang interpretasyon o pagpapakahulugan na ang ibig sabihin ay ang pagbasa ay isang prosesong pangkaisipan dahil ginagamit ng mambabasa ang pag-uunawa, at hindi naman nababanggit ang tungkol sa pagbasa ng teksto na nakasulat sa ibang wika bukod sa pagbasa gamit ang unang wika, kaya masasabi dito na ang pagbasa ay dumaan sa prosesong pagsasaling bago mangyayari ang papapakahulugan kung ang teksto ay nailalahad sa ibang wika.

At, mula sa mga kahulugang inilalahad sa itaas, ito’y tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay ang gawaing pagkilala sa mga simbolong pangwika, pagsasalin nito at pagkuha sa mga mensaheng napapaloob ng pahayag na ang pangunahing layunin ay upang maunawaan ang buong teksto. Ito ay nagsasaad ng isang komplikadong gawaing pangkaisipan sapagkat sanga-sangang mga kasanayan ang mga kinakailangan nito gaya na lamang sa kasanayang pangwika at semantekang kaalaman. Komplikadong gawain ito dahil sangkot dito ang maraming bagay sa panig ng mambabasa mula sa pisikal patungong sikolohikal at iba pang mga aspeto. Bilang isang komplikadong gawain, ito ay isang mahalagang kakayahang pang-akademiko na dapat maunawaan linangin ng mga estudyante, at sa paglilinang nito, dapat munang maunawan ng sinuman ang kanyang sariling kakayahan sa pagbasa.

Sa aklat ni Garcia et. al (2008:3-4) tinatalakay ang halaga ng pagbasa tungo sa isang tao mula sa kaisipan ni Lord Chesterfield, “ Ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna”. Walang alinlangang ito’y totoo saanmang disiplina ang pag-uusapan. Lagi nang nakakalamang ang mga tao kapag nagsasalita kung may batayan ang kanyang sinasabi sapagkat ang mga ito’y nailimbag na at tinatanggap na ng higit na nakararami.

Madaling makapag-isip ang tao kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at para sa mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang.

PAGBASA: PROSESONG PAG-ISIP

“Reading is reasoning” ay naging teorya ni Edward L. Thorndike sa kanyang pag-aaral na nalathala sa taong 1973. Sa pahayag na ito, malinaw na ipinapahayag na ang pagbasa ay sumusukat sa pag-iisip at pag-unawa ng mambabasa gamit ang kanyang iba pang mga kakayahan. At, hango naman sa panulat nina Arrogante, et al (2007:38-39) at Pangkalinawan, et.al (2004:172) ang pagbasa ay pagkuha ng ideya sa nakalimbag na simbolo, at ito ay isang prosesong pag-iisip na may apat na may apat na hakbang ayon kay William Gray, (ang dayuhang ama ng pagbasa) ang pagbasa ay isang prosesong paglilinang ng kaisipan na daan sa mga hakbang. Ang mga hakbang ay ang persepsyon, komprehensiyon, reaksyon at integrasyon o sentesis.

Bilang prosesong pag-iisip, aangat na aangat ang pag-iisip sa pagkakataong ang sinuman ay nagbabasa mula sa pagkilala sa mga simbolong nakalimbag gamit ang sensoring paningin. Dito mangyari ang persepsyon, patungo sa pagbuo ng/ng mga bagong konsepto gamit ang kanyang kakayahang pangwika, at ito naman ang komprehensyon, at mula sa yugtong ito, kagyat na mangyri ang reaksyon at aplikasyon sa paraang lalalim at lalalim pa ang pag-iisip ng mambabasa tungo sa pagsusuri at pagpapasya sa mga kontekstong napapaloob sa tulong ng dating kaalaman at at makapag-ugnay-ugnay sa mga kaisipang natatanggap tungo sa kanyang mga dating kaalaman at mga sariling karanasan na siyang yugtong integrasyon o asimilasyon.

May limang(5) dimensiyon ang pag-unawa sa binasa bilang mga kasanayang upang ganap na maunawaan ang binasa: (1) pag-unawang literal, (2) pagbibigay –interpretasyon, (3) mapanuri o kritikal na pagbasa, (4) pag-unawang-integratibo, at (3) malikhaing pag-unawa. Sa mga dimensiyong ito ay magaganap sa pangalawa hanggang sa pang-apat na hakbang sa proseso ng pagbasa. Ang antas na ito ay kinapapalooban ng mga maykrong kasanayan na nahahati dalawan: pagpansin ng mga simbolong nakalimbag at pag-unawa sa mensahe ng teksto. At, ang bawat isa nito ay mga tiyak din na mga maykrong kasanayan gaya ng paggamit sa mga natandang impormasyon, pagkuha sa malalim na kahulugan at iba pa.

Ang bokabularyo o talasalitaan, kahusayan, pag-unawa at palabigkasan at palatunugan ay mga elemento ng pagbasa sa antas ng pagkakatuto ng mga bata ayon kay Steck-Vaughn (Alejo et al, 2008: 33). Kaya mula sa mga elementong nababanggit, higit na mapalawak ang kasanayang pagbasa ng mga estudyante kung mabigyang kabulugan ang mga iyon, at gaano ito tinataglay ng bawat isang mambabasa.

KAPARAANAN SA PAGBASA

Iba-iba ang kakayahan ng pagbasa, kaya kailangan ng kaparaanan

upang matamo ang pagbasa angkop sa layunin ng pagbasa. Sa

pagtapos ng kurikulum, inaasahang ang mga estudyante ay mahubog

sa mga kaisipang dapat matutunan upang maiaplay sa tunay na buhay tungo sa isang mabuting mamamayan. Walang puwang sa buhay ang pagiging

“walang alam” hanggat may gabay sa pag-aaral. Naririto ang iba’t

ibang kaparaanan sa pagbasa na siyang magagamit sa mga

estudyante sa pag-aaral sa iba’t ibang asignatura at upang

makamit ang hinahangad na matataas na marka nang sa ganun

kahimut-an sa mga taong nagsusubaybay sa kanya.

Naririto ang mga kaparaanan o teknik na angkop sa pagbasa ng mga tekstong pang-agham na hango sa iminumungkahi ni Wiriyachitra(1982) sa panulat ni Dr. Buendicho (2007:4-5):

1.) ISKIMING. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o materyal ayon sa pangangailangan.

Sa kaparaanang ito ay mangyayari ang mga sumusunod:

A. Ang pagtatangka kung ang nilalaman ng aklat o mpormasyon ng isang materyal ay

nagtataglay ng mga impormasyong hinahanap (previewing.)

B. Pag-alam sa layunin at saklaw ng babasahin kung sang-ayon ba sa kawilihan o

interest (overviewing.).

C. Pag-alam sa panlahat na kaisipan ng isang aklat o materyal sa pamamagitan ng mga

iilang impormasyon ng aklat na mababasa sa likod na pabalat batay sa isang tiyak na

materyal naman mababasa ito sa bahaging kongklusyon o pangwakas na

bahagi (survey) .

2.) ISKANING. Sa kaparaanang ito kailangan ang mabilis na galaw ng mata. Matamo ito sa pamamagitan ng pagsipat sa bawat pahina ayon sa hinahanap na mga tiyak na impormasyon tulad ng pangalan ng tao, petsa, katawagan at iba pa. Kailangan alam ng mambabasa ang mga susing kaisipan at basahin lamang ang mga tiyak na talata o bahagi.

3.) KOMPREHENSIBO. Ito ay pagbasang matrabaho, mapamigang pag-iisip at nakakapagod dahil maraming hiwalay na gawain ang pwedeng mangyari tulad na lamang ng pagsusuri, pagpupuna, pagpapahalaga, pagbibigay reaksyon o anupamang mga pagtataya sa binabasa. Kailangang isa-isahing basahin ang mga detalye hanggang maintindihan itong mabuti. Sa kaparaanang ito ay masisiguro na lubos na maunawaan ang mga aralin ( Arrogante, et al, 2007: 52-54).

4.) KRITIKAL. Tuon nito ang ebidensiya at kawastuan ng mga kaisipan o konsepto na maisasanib sa sarili , sa buong pagkatao upang magamit ito sa karunungan, asal, gawi at maisasabuhay nang may pananagutan at naglalayuning makalikha at makatuklas ng mga panibagong konsepto na kakaibang anyo na maisasanib sa kapaligirang sosyal at kultural.

5.) MULING-BASA. May mga babasahing nagtataglay ng maraming kaisipan, kaya nga ang pagbabasang muli ay mangyari, dahil may mga babasahin o teksto na sa unang pagbasa ay hindi agad maintindihan, kapag pauli-ulit ang pagbasa ay lilitaw na ang mga natatagong kaisipan. Kailangang paulit-ulit upang matuklasan ang hindi pa natanto. Isa itong mahalagang kaparaanan sa pagsasagawa ng pananaliksik at sa mga klasikal namateryales. Sa pagbasa ng mga teknikal na teksto at pampanitikan ay kailangan ang muling basa.

6.) BASANG-TALA. Isang magandang gawain ng sinumang nagbabasa ay magtala sa mga konseptong nabubuo, magtala sa mga bokabularyo, at magtala sa mga makabuluhang kaisipan at magtala sa mga kaisipan at detalye. Maaring itatala lamang ang mga kaisipan sa hiwalay na papel o kaya’y sa pahina mismo. Sa ganitong uri, naging sabay ang pagbasa at ang pagtatala. Masusukat ang kakayahan ng mambabasa kung paano niya inuunawa at inuugnay ang mga bagong kaisipan o konsepto dahil sa kanyang pagtatala ay kayang niyang maipahayag sa kanyang sariling pananalita o simpleng paraan.

LIMANG TEORYA NG PAGBASA: SANAYIN ANG IYONG SARILI

Ang mga teorya sa pagbasa ay nagpapaliwanag kung paano matamo ang pag-unawa sa binasa. Nagpapaliwanag kung anong taglay na kakayahan ang mambabasa, anong mayroon sa tekstong binabasa tungo sa pagbasa at higit sa lahat tinitingnan ang pagbasa bilang proseso. Ang mga kaisipang pinanghawakan kaisipan ng bawat teorya ito ay nagsisilbing gabay upang mapamahalaan ang sarili sa gawaing pagbasa, lalong-lalo ang sinumang estudyanteng kolehiyo.

Ang mga teoryang inilalahad sa bahaging ito ay mula sa mga pag-aaral na dayuhan at halaw sa mga panulat nina Badayos,(199), ( Arrogante et al (2007:11-17) at Buendicho, 2007:64-68) matutunghayan ang mga mahalagang impormasyon hinggil sa mga teorya ng pagbasa:

1. TEORYANG ISKEMA

Sa panulat ni John Locke(1690) na An Essay Concerning Human Understanding (Incarta Premium 2009) , ipinapalagay na sa pagsilang, ang isipan ng tao ay tabula raza o blank states. Nangangahulugang blanko ang isipan, at ang blankong isipan ay unti-unting mapupunan ng mga impormasyon dahil sa mga karanasan ng tao. Ang bawat natutunan ng tao ay maging iskema sa isipan. Sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong makukuha sa pagbasa ay naidagdag sa dati nang iskema. Ang iskema na ito ay ang mga nakaimbak na kaalaman. Maaring makapanghuhula ang mambabasa sa tulong ng kanyang taglay na dating kaalaman. Magawang basahin ang teksto upang mapatunayan ng mambabasa ang kanyang mga hinuha at hula. Nagsisilbing “inputs” ang teksto. Hindi ang teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa kundi ang konsepto o kaisipang nabubuo sa isipan ng mambabasa. Inilalarawan ang prosesong ito bilang teoryang sikolohikal sapagkat ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa mambabasa kung paano mabuo ang pagpapakahulugan.

2. TEORYANG BOTTOM-UP

Ang teoryang ito ay bunga sa tradisyonal na pananaw ng mga Behaviorist na nakapokus sa paglinang ng komprehensyon ng pagbasa. Ang “bottom” ay nangangahulugang ang mismong teksto o materyal, at ang “up” naman ay nangangahulugang mambabasa. Pinaghawakan sa teoryang ito na ang pag-unawa sa binasa ay nag-umpisa sa pagkilala sa mga serye ng mga simbolong nakalimbag. Mula sa mga letra na nabubuo ang mga salita, sa mga pinagsama-samang mga salita ay nabubuo ang mga parirala, at mula sa mga pinagdugtong-dugtong na mga parirala ay nabubuo ang mga pahayag sa pagitan ng mga pangungusap. Sa kalagayang iyon, ang pag-unawa sa mensahe ay mahalagang pangyayari, at ito’y matatawag na tugon o response mula sa mga serye ng mga simbolo (graphical inputs) na siyang nagsisilbing panawag-pansin o stimulus . Ang pag-unawa ay matamo payugto-yugto o limitado bago paman makukuha ang buong konsepto o mensahe. Ang modelo sa ibaba ay nagpapakilala na ang ideyang Walang Kaunting naiipon na nakukulang, at walang maraming naiipon na sumusubra” ay nalalaman ng mamababasa dahil sa teksto. At mula sa mensahe na iyon ay gumagana ang pag-iisip ng mambabasa bilang pag-unawa nito. Ayon kay Leonard Bloomfield (1961) na isang lingguwista na istrukturalista, ang unang task sa pagbasa ay ang pagkilala ng mga code at alphabetic principle. Sang-ayon sa kaisipan ni Bloomfield, ang teoryang ito ay nagsasabi na ang sinumang mambabasa ay kailangang may kakayahang unawain ang mga simbolong pangwika gaya ng mga letra, kahulugan ng bawat salita o kaisipan at anupamang mga krokis na makikita at mga talababa upang pagsama-samahin ito hanggang maunawaan mensaheng taglay nito. Kung walang mga simbolong pangwika hindi rin mangyari ang pag-unawa sa mga mensahe. Sa kasong pagkakatuto, ang mga estudyante nasa kolehiyo ay may ganap na kakayahan sa pagkilala ng mga serye ng simbolong wikang Filipino at English kaya walang puwang naman dito ang hindi pagkakaunawa sa binasa.

3. TEORYANG TOP-DOWN

Sa impluwensiya ng Gestalt Psychology na naniniwala na ang pagbasa ay isang holistic na proseso, ang teoryang ito ay nananalig na ang pagbasa ay nakasalalay sa kakayahan ng mambabasa. Ang mambabasa ay may dating kaalaman at kakayahang pangwika. Aktibong kalahok ang mambabasa dahil siya ay may dating kaalaman na magagamit upang iugnay sa mga bagong impormasyon upang atamo ang pag-unawa sa binasa. Samantala, sa kakayahang pangwika na sumasaklaw sa iba’t ibang antas gaya ng sa graphical symbols, phonemic, alphabetic and sound-spelling principle at sa mismong bokabularyo, sintaktik, semanteka, at sa kabuuang diskurso ay siyang makatulong upang matitiyak ang pagpapakahulugan ng teksto ayon sa ibig ipahiwatig ng awtor.

Ang Teoryang Top-Down matatawag ring Teoryang Kognitibo na naniniwalang ang pagbasa ay nagmula sa isip ng mambabasa (up) patungo sa teksto. Sa mga pinanghawakang kaisipan, ang toerya na ito ay tinatawag ding Inside-Out o Conceptuality Driven. Bilang proseso, ito ay sang-ayon sa pananaw ni Coady (?) sa pagpaplawak niya sa kahulugan ng pagbasa mula kay Goodman (1976) na ang sa pagbasa ay kailangan ang kakayahang pangkaisipan. Sa pangkalahatan, bilang aktibong kalahok/ partisipant, ang mambabasa , siya ay may maituturing nag-angkin ng kakayahang pangkaisipan, dating kaalaman, at kakayahang pangwika na naging kasangkapan upang matamo ang pag-unawa sa binasa.

Sa modelo, ang mambabasa ay nakapag-ugnay-ugnay ng kanyang maraming nalalaman tungo sa kanyang binabasang teksto. Sa pag-uugnay-ugnay niya ay nagaganap sa pamamagitan ng mga tanong at hinuna niya.

4. TEORYANG INTERAKTIBO

Ito ay proseso na nagagamit ang lahat na dating kaalaman dahil sa pagbasa ng teksto . Ilan sa mga proponent ng teoryang ito ay sina Rumelhart, D (1985), Barr, Sadow and Blachiwicz(1990) at Ruddell and Speaker (1985)na pinaniniwalaang ang pagbasa kapwa prosesong bottom-up at top-down. Sa mga hiwa-hiwalay na pananaliksik ang kalagayang ito ay naipapaliwanag na ang mambabasa ay makabuo ng kaisipan mula sa mga piling impormasyon buhat sa kabuuang kahulugan,kaya ang teksto ay nagsisilbing input. Ganundin ang pagbabasa ay nagsisilbing input sa pagkakataon nakipag-interaksyon sa teksto. Sa madaling salita dalawa ang maaring daanan ng input—ang mga impormasyon mula sa teksto at ang pangalawa ay ang pag-unawa sa binasa. Ito ay prosesong kung saan pinagsama-sama ang mga tekstwal na impormasyon na maibibigay ng mga mababasa sa teksto. Ang mga tekstwal na impormasyon ay nagsisilbing ekstensyon patungo sa utak ng mambabasa, at dahil dito nagkaroon ng aktibasyon ang utak ng mambabasa o parang diyalogo sa pagitan ng teksto at mambabasa sa direksyong pabalik-balik.

Sa prosesong ito, may dalawang direksyon ang komprehensiyon ng pagbasa: ibaba-pataas, at itaas-pababa (Badayos, 1999:205). Sa dalawang direksyon mangyari ang interaktibong proseso. Interaktibong proseso dahil ang mambabasa ay hindi lamang nakabatay sa kung anong mayroon ang teksto ngunit ginagamit din niya ang kanyang dating kaalaman at karanasan pati na ang kakayahang pangwika para matamo ang komprehensiyon ng pagbasa. Mahalagang elemento dito ang wika (ginagamit sa pagsulat) at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito (sa panig ng mambabasa), dito naganap ang interaksyon ng mambabasa at manunulat o awtor. Sa pananaw na ito, naging maluwag ang pag-unawa tungo sa aspetong pagtuturo ng pagbasa (lalo na sa guro) na ang bawat mambabasa ay may taglay kakayahan, isang hakbang upang produktibo at makabuluhan ang pagbasa, at sa ganitong sitwasyon maunawaan din ng estudyante ang sariling kakayahan sa pagbasa. Mamalayan niya ang angking mga kaalaman at ang kakayahan, pati na ang wala sa kanya.

Sa lawaran sa ibaba, ang pagbasa ay parang interaksyon ng dalawang panig, ang manunulat ay parang kaharap ng mga mambabasa na may patuloy na tanong-sagot bilang interaksyon.

5. TEORYANG METAKOGNISYON

Sa teoryang ito, pinaghahawakan na ang mga katawagang pagkatuto at kognitibo ay may iisang kahulugan. Itinuturing na isang kognitibo ang pagkakatuto dahil ang pagkakatuto ay may kinalaman sa paggamit ng pag-iisip.

Ang kognisyon naman ay ang kapasidad ng tao na matuto. Sa ganitong punto, ang kamalayan sa sariling kapasidad sa pag-iisip upang matuto ay mahalaga rin upang magabayan at mapamahalaan ang sarili tungo sa mga gawaing pagkatuto gaya na lamang sa gawaing pagbasa.

Ang intelehensiya ay nangangahulugang pangkalahatang kapasidad ng pag-iisip (Spearman, 1904) at naging salik ito kung paano malinang ng tao kanyang karunungan. Ang pagbasa ay isa sa mga paraan upang malinang ang karunungan. Kung pag-usapan paano matutuo sa pagbasa, ang anumang taglay na kakayahang ng isang tao na makatutulong sa kanya ay mga elemento sa metakognitibong pagabasa tulad ng mga sumusunod ayon kay Steck–Vaughn(sa Alejo et al, 2008): pag-unawa, kahusayan, bokabularyo o talasalitaan, palabigkasan o palatunugan, at pwede naman nating ipapabilang ang ating mga kakayahang kahawig sa mga nababanggit gaya ng: pag-interpret at pagsusuri ng mga ideya, at pag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binabasa.

Buhat sa mga nababanggit, masasabing ang teoryang metakognisyon nakatuon sa intelehensiya ng tao na magagamit niya sa pagbasa.

Sa teoryang ito ay ipinapahayag na ang nakasalalay sa kapasidad ng pag-iisip ang pag-unawa ng pagbasa. Maaring ang mahirap na teksto ay madaling unawain sa isang taong may matalas ang pag-iisip at mahirap naman sa isang tao kung siya ay may mahinang kapasidad ng pag-iisip.

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA

Ang antas ng kakayahan sa pag-unawa ng binasa ng isang mambabasa

ay isang tanda sa kanyang kasanayan. Mahalaga itong matamo bilang estudyante sa kolehiyo upang madaling magawa ang anumang mga gawaing may kinalaman sa pagbasa. Ang pag-unawang literal, ang pagpapakahulugan sa nilalaman ng teksto, ang mapanuring pagbasa, ang aplikasyon, at ang pagpahalaga, bilang mga panukatan sa pagbasa ay mangyari dahil paiba-ibang gawaing klasrum na ginagabayan ng guro. Sa mga gawaing pang-akadamiko, may mga tiyak na kasanayan pagbasa na kailangang malilinang nang sa ganun ay tataas ang antas ng karunungan at mapagaan lamang ang mga tungkulin sa paaralan. Ang mga sumusunod ay ang mga kasanayang dapat malilinang:

  1. Pagkilala ng mga ideya at detalye

Ang pagkilala sa pamaksang pangungusap na siyang naglalahad ng punong kaisipan, at pagtukoy sa mga suportang kaisipan ay daan upang ma-uri-uri ang mga ideya at ang mga detalye. Bawat ideya ay may detalye, kung matukoy ito sa mga mambabasa nangangahulugang nakikita niya ang kabuuan ng tekstong binasa. Ang punong ideya ng teksto ay taglay sa pamaksang pangungungusap na kadalasang matatapuan bilang unang pangungusap sa isang tala

ta o kaya ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa huling bahagi ng teksto na ginagamit bilang implikasyon. Sa kasanayang ito ay kailangang makilala ang katawagang pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang kung ano ang mahalaga na siyang tumutuon sa tema at ang makukuha na aral. Makukuha ito sa mambabasa kung siya ay may pagtatanong sa kung ano ang mahalaga sa isunulat ng may-akda at ang sariling pangangatuwiran kung paano pinagsama-sama ang mga ideya para mailalahad ang pangunahing ideya. Sa ganitong paraan, ang paksa ay makilala rin ng mambabasa, ang paksa ay ang tema o mensahe. Makilala ito sa pamamagitan sa pagtanong sa sarili:” tungkol saan ba ang teksto?” “Ano-anong impormasyon ba ang tinatalakay ng manunulat, at ilang mga impormasyon ba ang mayroon.

2. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

Sa pangkalahatan ang teksto ay naglalayuning magpaliwanag, mag-ulat ng mga panyayari, maglalarawan ng bagay, kaisipan at iba pa, at mangangatuwiran at mangungumbinse sa pamamagitan ng mga patunay. Kung batay naman sa mga manunulat, ang layunin ng teksto ay tiyak gaya ng magbigay ng impormasyon, magturo, mangaral,sumusukat sa kakayang pag-iisip, magpapatunay, kumikilatis ng mga bagay, mag-aliw, magpatawa, magpayo at iba pa. Kung paano tiyakin ang layunin ng teksto kailangan matiyak muna kung ano ang paksa. Ang layunin ng teksto ay makilala rin sa mga pananalitang ginagamit ayon sa mga bagay na pinapahalagahan ng isang manunulat dahil piling-pili niya ang mga salita.

3. Pagtiyak sa Tono, Damdamin at Pantayong Pananaw

Ang bawat pagsulat ay may mga estratehiya. Upang makilala ang tatak ng isang manunulat kaya siya ay pumili rin ng mga salita upang maiba siya sa iba pang mga manunulat. Kung ano man ang sentimento ng manunulat ay makilala ito sa kanyang mga pananalitang ginagamit. Ang pananalitang ginagamit ay maaring nagpapakila sa isang uring bagay, isang uring paniniwala, isang uring pilosopiya o anupaman. Dala sa mga pananalitang ginagamit ng manunulat ay ang kanyang sariling pagtingin sa mga bagay sa kapaligiran. Iyon ay sumisimbolo sa kanyang nadarama. Ang nadarama o saloobin ng manunulat sa pamamagitan ng mga pananalitang ginagamit ay tinatawag na tono.

Samantala, ang anumang madarama ng mambabasa dahil sa mga pananalitang ginagamit ng manunulat ay ang tinatawag na damdamin. Ang pantayong pananaw naman ay nangangahulugang pananaw o paningin ayon sa kung sino ang nagsasalita. Isa rin itong elemento ng teksto upang maipaabot ng malinaw ang mga kaisipang inilalahad. Ang pantayong pananaw ay makilala sa mga panghalip na ginagamit ng manunulat. Ang pananaw ay makilala sa mga katawagang “unang panauhan(ako, tayo, kami)”, “ikalawang panauhan(ikaw, ka)”, at ”ikatlong panauhan(siya, sila)” at iba pang mga anyong panghalip na panao.

4. Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan

Ang mga pahayag ay mauuri bilang opinyon o katotohanan. Ang opinyon ay napabilang sa personal na tungkulin ng wika. Maari iton sang-ayunan o salungatin ng mga mambabasa. Subalit ang katotohanan ay ang mga pahayag na bunga sa masusing pag-iimbistiga, mga umiiral na kaganapan at makaagham na pag-aaral. Ito rin makilala sa mga teoryang pinag-aralan, mga balitang laman ng pahayagan at mailalahad sa telebisyon, o ma-online at bawat pahayag ay may mga pangalang nakataya bilang proponent o may karapatang-ari. Ang mga pahayag na nasa ganitong uri ay hindi mapasusubalian dahil may baliditi at kredibiliti, at bilang kapalit ito’y tinatanggap na. Ang pananaliksik at teknikal na pagsulat ay mga tekstong hindi dapat lakipan ng opinyon. Ang mga sanaysay at iba pang mga personal at malikhaing pagsulat ay mga panulat na kadalasang kinapapalooban ng mga pansariling opinyon.

5. Pagtukoy sa Hulwarang Organisasyon ng Teksto

Ang pagtukoy sa hulwarang organisayon ng teksto ay pag-alam kung paano nabuo ang isang panulat. Panulat na matatawag na ekspositori o paglalahad. Ang panulat na ito ay ang panulat na makikita natin sa mga sulating pananaliksik.

Bilang kabatiran, ito ay mahalagang kaalaman na nagpapamalas ito sa isang hakbang patungo sa kritikal na mambabasa dahil kung matutukoy ang mga iyon dahil ito rin ay makapaghatid ng mambabasa sa madaliang pag-unawa ng teksto. Magawa ng mambabasa ang paghihinuha at paghuhula ng mga konteksto.

Naririto ang anyo ng hulwarang organisayon ng tekstong ekspositori.

PAGKILALA SA HULWARANG ORGANISAYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI

Mahalagang kaalaman ang pag-alam sa kalikasan ng mga babasahin at dapat na maunawaan na sa paglinang ng isang sulatin ay may iba’t ibang teknik upang ito’y mapapalawak at matamo ang layunin nito. ISa bahaging ito ay mapag-aralan ang uri at katangian ng isang tekstong ekspositori sa pamamagitan sa kilala sa mga hulwaran nito sa pamamagitan ng mga halimbawang inilalahad. Ang terminolohiyang teksto ay kumakatawan sa alinmang babasahin. Ito ay kumakatawan sa mga konseptong inilalahad ng manunulat, wikang ginagamit, at ang estilo ng manunulat sa paglinang ng teksto.

Hulwarang Organisasyon ng Tekstong Eksporistori : MGA URI AT KATANGIAN

Ang ekspositori ay ang isang uring panulat na karaniwang ginagamit hindi lamang sa mga propesyonal na pagsulat.. At gawaing pagbasa, ang bawat organisasyon ng teksto ay nakatutulong sa pag-unawa. Sa pagbabasa ng ekspositori teksto dapat maunawaan na ito ay naglalayuning magpapabatid o magpapaliwanag tungkol sa isang paksa: kaisipan, kalagayan o pangyayari, isyu at iba pa, gamit ang mga pananalitang naaangkop nito. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng iba’t ibang paraang pagpapahayag: paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran. Maingat itong gawain at kailangan ng paghahanda o pagpaplano upang inilalahad ang mga malalawak na kaisipan at matamo ang kalinawan sa layuning magpapaliwanag.

May iba’t ibang uri ang ekspositori na palagiang maibibigay ng mga guro sa kanilang mga estudyante bilang pagsukat sa mga kaalamang natutunan.

Ang pagbibigay panuto at direksyon, pagbuo ng buod o lagom, pagsulat ng ulat ay mga panulat sa anyong ekspositori. Ang sulating pananaliksik ay kabilang din sa ekspositori. At dahil kabilang ang mga gawain iyon ng mga estudyante, isang mahalagang kasanayan ang matutong sumulat ng ekspositori upang makasulat ng isang kaaya-ayang awtput sa pag-aaral.

Anyo ng Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay panulat na naglalayuning magpapabatid at mapapaliwanag tungkol sa alinmang paksa, nauuri ito sa transaksyunal na layuning pagsulat, na ang ibig sabihin ay pinapahalagan ang pagbibigay impormasyon. Ito ay masaklaw na panulat na sumusukat sa kakayahan ng manunulat. Ang pagsulat ng anumang ekspositori bilang gawain ng mga estudyante ay isang uring paglinang sa kakayahan dahil may mga tiyak itong mga katangiang dapat sundin at matamo. May “Pitong (7) anyo ang tekstong ekspositori ayon kay Montgromery at Moreau(2003) sa Alejo et.al (2008:107) na napapakilala kung anong angkop na mga paksa ang masusulat sa mga tinutukoy na anyong ekspositori. Ito rin ay nagpapabatid kung anong mayrong hulwaran ang bawat anyo.

1. PAGLALARAWAN/ PAGBIBIGAY DEPINISYON. Mga paksa may kinalaman sa mga tinipong katibayan. Paggamit ng pang-uri at pang-abay. Maaring ilarawan ang epekto ng anumang bagay gaya ng epekto ng COVID19 Virus sa mga may sakit na diabitis. Paglalarawan kung paano manghugas ng kamay para iwas virus.

Sa anumang paksang tatalakayin palaging mauuna ang pagbibigay depinisyon. Ang pagbibigay depinisyon ay pinakauna upang matuturing ang isang salita o kaisipan upang mabigyang kaalaman o impormasyon ang mambabasa. Ito ay pagbibigay-kahulugan sa salita, kaisipan o paksa na mula sa diksyonaryo at ayon sa mga pantas na maaring matatagpuan sa ensayklopedia, aklat, tesis at iba pa. May dalawang uring depinisyon: maanyong depinisyon (intensive) at pasanaysay (extensive) na depinisyon. Ang maanyong depinisyon ay tumutukoy sa isang makatwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman na masasangguni sa diksyonaryo at ensayklopidya, at ito ay may tatlong bahagi:(a) katawagan, (b) klase o uri , at (c ) mga tampok o kinaiibang katangian. At, samantala, ang depinisyong pasanaysay naman ay isang uring depinisyon na nagbibigay ng karagdagag pagpapaliwanag sa mga salita. Ito ay kawili-wili, makapangyarihan at makapagpasigla kaya higit itong basahin ng mga bumabasa. Walang limit ang haba nito basta’t nakapagpaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan (Montera & Perez, 2011: 81-82). Ginagamit dito ang mga mapipintong mga salita at kaisipan na batay sa paninindigan at paniniwala ng awtor na maaring sumasaklaw sa kahalagahan at gamit ng isang bagay o anumang eksistensyal. At, naririto ang halimbawa ng maanyong depinisyon na inilalahad ayon sa tatlong bahagi:

Salita/terminolohiya

Intelehensiya

  • Ang angkalahatang kakayahang pangkaisipan na ginamit sa pag-alam, paglutas ng mga suliranin, matuto at umunawa ng mga bagong bagay.
  • May tatlong hirarkiya ang intelehensiya ayon kay Sternberg (1985): analitikal, malikhain at praktikal.

Kultura

  • Kabuuang gawi at pag-iisip na natutunan, nalilikha at naibabahagi ng mga taong nakikipagsalamuha sa pangkat.
  • Kabilang ng kultura ang paniniwala, batas, wika, sining, teknolohiya at pampulitika at ekonomikong kalagayan, at iba pa, at dahil ito malaking ikinaiiba ng mga tao kaysa mga hayop.

Sa pagbibigay depinisyong pasanaysay malimit ginagamit ang konotasyon at denotasyon pagpapakahulugan upang lalong mapatingkad ang salita o kaisipang nais maipaliwanag o maipapabatid. Ang denotasyong kahulugan ay ang mga kaisipan matatagpuan sa diksyonaryo, at ang konotasyon naman ay ang paggamit ng mga salitang nagsasaad ng malalim na kahulugan: pa-idyoma, masining na paglalarawan, pasalungat, at paggamit ng mga magagandang katawagan o eupemismo. Ngayon, pansinin ang nasa kasunod na pahina kung paano nabubuo ang pasanaysay na depinisyon kung may mga salita bang ginagamit bilang pang denotasyon at konotasyon:

Ang Intelehensiya ng Tao

Ang katalinuhan ng mga pilosopo at mga paham na tinitingala sa mundo ng kamangmangan ay sumisimbolo ng intelehensiya ng tao. Isang bagay na ikinaiiba ng tao kaysa mga hayop. Isang sangkap at tatak kung bakit nababanghay nababakas ang iba’t ibang uri ng kalayaan. At dahil sa intelehensiya at kalayaan nagawang sakupin ng tao ang mga bagay-bagay sa daigdaig hanggang umabot sa kalawakan. Ngunit paano na lamang kung ang nasabing kalayaan ay siyang magsugyot sa intelehinsya ng tao upang ipahamak ang sangkatauhan. Paano kaya ito kung mangyari ang mga di inaasahang bagay.

Kultura

Ang kultura ay pantao . Makilala ang tao dahil sa kanyang kulturang kinabibilangan at napapangkat ang mga tao batay sa mga nakagawiang pamumuhay, paniniwala, batas, wika, at iba pa na may kinalaman sa pagiging sosyal.

Ang wika ay bahagi ng kultura at siyang nagsisilbing iwag sa patutunguhan ng isang bansa, gaya ng Pilipinas na isang bansang malaya.

Ang pagpapatupad ng mothertongue based-education sa sistema ng edukasyon ay isang kaganapang kultural.

2.PAGTATALA/ / PAG-ISA-ISA – Pag-iisa-isa ng mga halimbawa ng may kaugnayan o pagtitiyak ng isang bagay mula sa isa pang bagay. Gaya ng isa-isahin ang mga kailangan kung paano makabiyahe mula sa iyong lugar tungo sa ibang lungsod sa panahong pandemic.

Sa pag-iisa-isa o enumerasyon, karaniwang paglalahad lamang ito ng kaisipan paisa-isa ayon kung sa anumang kaisipang ang nais ipaliwanag. Sa mga estudyanteng nabalaka paano maging mahaba ang pagsulat (dahil maaaring kakapusin sa mga detalye) ito ay isang paraan upang lumalawak pa ang pagtatalakay sa isang paksa o kaisipan, at mapadali ang pag-unawa at pagkilala sa mga detalye dahil ay malayang lamang itatala ng manunulat o malayang banggitin na pahiwa-hiwalay ang mga kaisipan . Sa pag-isa-isa maari namang gawing patalata o pabilang. Ang hulwarang ito ay nararapat gamitin sa pagtatalakay sa mga paksa o kaisipang may kinalaman sa elemento, sangkap, bahagi, uri, komponent o anupang nagsasaad ng kinasasaklawan. May dalawang uri ang organisasyong ito: ang simple at komplikado. At para sa ikakaunawa, pasinin ang halimbawang nasa itaas at suriin kung ano ang pagkakaiba ng organisasyon.

3.PAGSUSUNOD-SUNOD- Pagpapahayag ng kaayusan ng mga hakbang, proseso o pamamaraan.Halimbawa nito ang pagsunod-sunod ng proseso sa anumang dapat gawin ng mga estudyante upang makapagpa-enrol.

Sa pagsulat isang pangkalahatang layunin ang matamo ang kasanayang diskorsal na may kinalaman sa kaisahan, kaugnay at diin. Sa hulwarang pagsusunod-sunod ay matamo ang kaugnayan sa mga kaisipan ng isang teksto. Mapasimpleng unawain ang mga mahahabang detalye kung may klasipikasyon at batayan gaya ng sa panahon, batay sa edad, batay sa pagkamakabuluhan o ano pa. Ibig sabihin, kung ang nais bigyang pansin sa pagsulat ay ang tungkol sa mga ugnayan mapadali ang paglinang ng sulatin gamit ang pagsunod-sunod o order, at dapat itong matutunan lalo na sa mga estudyante upang matamo ang kasiya-siyang marka sa pagsulat na anumang awtput. Ang pagsunod-sunod bilang hulwarang organisasyonng tekstong ekspositori ay may mga uri din na kung tatawagin ay ang mga sumusunod: Sekwensyal. kronolohikal, prosidyoral, at espasyal.

Sekwensyal. Uri ng pagsunod-sunod ng mga bagay, galaw, pangyayari at iba pa na may tiyak na mga ugnayan o keneksyon bawat isa na humahantong ng isang kabuuang pangyayari. Halimbawa nito ang pagkasunod-sunod ng isang insidente, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento at mga pangyayari sa kasaysayan.

Prosidyoral.Pagsunod-sunod na sinasaklaw ang m ga hakbangin, proseso at

pamamaraan, direksyon at panuto.

Espasyal. Pagsunod-sunod na na makapagbigay organisasyon sa kinalalagayan o kinatatayuan ng isang bagay na may kaugnayan sa bawat isa. Ang kasanayang ito ay mahalaga sa pagbibigay impormasyon tungkol sa anumang bagay.

Mga Halimbawa ng PAGSUNOD-SUNOD

Ang Unang Naninirahan sa Islang Pilipinas

Batay sa mga ebidensiyang natatagpuan ng mga antropologo ipinapalagay na ang Islang Pilipinas ay pinaninirahan ng mga Pithicanthrophos o ang tinatawag na Dawn Man sa mga taong 25,000 B.C. Sila ang ma Aeta, Agta, Balaga o Dinagat etc. Sila’y nagmumula sa Asya Minor na dumadaan sa Malay Peninsula at Borneo sa pamamagitan ng mga pulong nagsisilbing tulay. Taglay nila ang kaanyuan hindi humigit ng 5 talampakan ang taas, pango ang at ang ilong ay pango. Silay nabubuhay lamang sa pangangaso at panginisda, may kaunting saplot, at walang sistema sa pamamahala, pagsulat, panitikan, sining at agham.

Sumunod ang pangkat ng mga Indonesian sa panahong Bagong Bato na ipinapalagay na nakarating sa isla sa pamamagitan ng bangka, na may iba’t ibang pangkat: ang una’y sa mga taong 5,000-6,000 ang nakaraan at ang nga pangalawang pangkat naman ay sa mga 3,500 –4,000. Nabubuhay din sila sa pamaraang pangangaso at pangingisda at saka pangangaingin, na siyang tanda sa kanilang paninirahan. Ang mga bahay nila’y nasa kahoy o kaya sa lupa na may matatas ang haligi. Mahalaga na sa kanila ang pananamit at pagkakaroon ng tattoo sa sa kanilang kawatan. (Halaw sa aklat na History 1 nina Damayo at Cabanero, 2012).

Sa Pilipinas naoobserbahan ang katangian ng anyo ng kapaligiran gaya ng kung may ilog nandoon din ang patag. Ang pagkakaroon ng patag malapit sa ilog ay naipapalagay sa prosesong erosion kung saan ang bahagi kabundukan ay mapupudpod dahil sa anyong tubig. Sa talahanayan nasunod-sunod ang mga malalaking ilog at patag ayon sa lugar nito (Halaw sa aklat na History 1 ni Damayo & Cabañero, 2012).

Mga ilog sa Pilipinas na may kinalaman sa erosion

1. Rio Grande de Cagayan

2.Agno Grande

3.Abra River

4.Rio Grande De Pampanga

5 Rio Grande de Mindanao

6. Agusan River

Sa pagsunod-sunod ng mga ilog na ito, ang Rio Grande de Cagayan ay ang ilog na may malaking impak sa erosion at ang Agusan River ang panghuli.

Halimbawang pagsunodsunod:

Ang Paglikha ng Papel

Ang paglikha ng papel ay nakasanayan na sa loob ng 2,000 taon nakalipas. Ito ay kinapapalooban ng dalawang yugtong proseso: ang pagbibiyak ng anumang kagamitang mapagkunan ng fiber at ang paghuhulma ng bahaging fiber at ang pagpaptuyo nito.

Ang mga kagamitang kailanganin para makagawa ng papel ay gaya ng dahon, tangkay, balat ng kahoy, rags at iba pang mga kagamitang mayaman sa fiber o lanot (binigkas na laa-not sa Bisaya).

Magagawa ang papel sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:

1. Dikdikin hanggang lumambot ng sangkap gamit ang anumang mabibigat na bagay upang mahiwalay ang lanot(fiber) at ang likidong sangkap.

2. Ikula ang lanot sa mismong likido hanggang lulutang ang bawat hibla nito.

3. Ipunin ang likidong siyang nakukuha mula sa pagpigiga ng sangkap gamit ang malapad na batya—ito ay tinatawag na half stuff .

4. Gamit ang hulmahan (molding) na maging batayan kung anong anyo ng papel ang gagawin na tinatawag na wove pattern, ay ilagay ang napipinong sangkap. Ang sisidlan o hulmahan na ito ay siyang mag-disenyo sa anumang papel na magagawa

5. Ilagay ang sisidlan o hulmahan sa isang frame na gawa sa kahoy na tinatawag na deckle na siyang huhulma rin sa pinakamaliit na rim.

6. Ilunod o isubsob ang hulmahan (molding) sa half stuff na nasa batya hanggang ito ay mababalot ng isang komposisyong maninipos na film of fiber mula sa magkahalong likido. Yugyugin ito upang maging pantay ang nasabing komposisyon hahantong ito sa pagbabago ng anyo nito at magkaroon ng makinis na anyo at malapit nang matuyo.

7. Ilipat ang malapit na matuyong komposisyon sa nakalatang na makinis na seda at takpan ito ng anumang manipis at makinis na materyal tulad rin ng papel, hanggang makagawa ng patong-patong. Ito ay tinatawag na post.

8. Gamit ang hydraulic press, ang post ay handa nang mailagay sa hydraulic post at pigain ito sa presyur na 100 tons o higit pa para lalong matuyo.

9. Patuyuin ang lahat na mga hiblang nalilikha mula post sa pamamagitan ng pagsasampay nito sa isang espesyal na lugar hanggang maging ganap na papel.

Sanggunian: Incarta Premium 2009)

Halimbawang pagbibigay impormasyon tungkol sa isang modelo ng bahay (isa itong uring gawain sa isang real estate agent):

Ang model house na ito ay tinatawag na Mirasol na proyekto ng Primary Structures Cebu, City. Ito ay may kabuuang lot area na 300 sq.m. na ang 200 sq.m ang siyang naukupa sa mismong bahay at ang 100 sq.m ay ang kabuuang lawn area.

Ang naiwang 100 sq.m. ay pwedeng gawing garden at magkakaroon ng landscape sa gawing kaliwa at tapat naman pwedeng magkaroon ng ektensiyon na picnic house.

Binubuo ito ng Mirasol ng pitong (7) iba-ibang bahagi at silid: 1. entry hall, 2-living room, 3-dining room, 4. family room, 5– study room, 6-prayer room, at 7– garage. Ang entry hall ay sa bandang silangan. Sa pagpasok nito, sa gawing kanan ay ang living room na malaki pa kaysa entry hall. Paralel ng enty hall at living room ay ang kitchen at dining room. Ang kitchen ay kasunod sa entry hall, at mula sa kitchen sa bandang kanan rin ay ang malawak na dining room.

Ang prayer room ay kasunod ng living room at dining room, ang pintuan ng prayer room ay mula sa living room. Sa mula sa prayer room ay matatanaw ang bakanteng 100sq meter na pwedeng gawing garden na may land scape.

May sekretong pintuan mula sa prayer room palabas at pwede iikot mula sa bakanteng lote patungong garahe. Bukod pa rin sa sekretong pintuan sa prayer room nandoon din ang likod na pintuan tapat dining room area.

Sa gawing kanan naman ng entry hall, ay ang study room na sinundan ng family room.

Sa Modelong Mirasol na ito, kung may gusto kang babaguhin sabihin mo lamang sa field engineer incharge upang matugunan ang gustong mong disenyon ang iyong dream house.

Tandaan na ang subdivision na ito ay 200 km mula sa siyudad ng Talamban.Mula sa main road ng Talamban ay kumanan lamang sa may landmark ng san Jose Bakeshop hindi kalayuan ng entrance gate ng Cebu International School.

4. SANHI/ BUNGA –Pagpapaliwanag kung bakit nangyari ang isang bagay.

May naunang pangyayari at may sumunod na pangyayari. Halimbawa nito ang sanhi at bunga nga mental health issue ng mga na-quarantine.

Ito ay hulwarang nagpapakilala sa mga maaring bagay, aspeto, kalagayan o sitwasyon at iba pa na nagiging kadahilanan sa mga umiiral na epekto. Sa hulwarang ito inilalahad ang mga resulta na batay sa mga pagsusuri upang mapatunayan o ma-justify ang mga sanhi at ang kaugnayan nito sa mga umiiral na pangyayari bilang bunga. Naging tampok dito ang dalawang kaisipan, ang sanhi at ang bunga. Sa mga mambabasa, ang tinuturing na “bunga” ay ang bagay, kalagayan, sitwasyon at iba pa na maaring naghahatid ng positibo o negatibong epekto. Ginagamit ang hulwarang ito sa pagsulat ng isang situational analysis.

Halimbawa

MTB/MLE na Edukasyon

Ang MTB/MLE ay resulta sa napakatagal nang pag-aaral sa social conditions

sa Pilipinas at sa mga karatig bansa ng Southeast Asia tulad ng Japan, Singapore,

Thailand, Malaysia at Indonesia.

Maraming pag-aaral ang nakapagpatunay na ang MTB/MLE ay isang epektibong

paraan upang higit na matamo ang mataas na kalidad ng edukasyon. Sa tuklas na ito

ang paglinang ng bernakular o wikang panrehiyon tulad ng Cebuano, Waray at iba pa

ay isang pundasyon sa epektibo at higit na pagkakatuto ng wika sa mga bansang gaya ng sa ating bansang Pilipinas na ang pangalawang wika ay ang Filipino at Ingles.

Sa isang batang mag-aaral, mapabilis daw ang pagkakatuto sa anumang aralin kapag ginagamit ang wikang panturo ay ang bernakular na wika o wikang nakagisnan.

Batay sa pag-aaral ng mga mapintuhong pangyayari, isang bahagi ng K+12 ang MTB/MLE bilang pagpapatupad sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Hatid sa pagpapatupad na ito ay naging may malaking puwang na sa edukasyon ang paggamit ng mga wikang panrehiyon, at sa kalagayang ito inaasahang mangyayari pa ang iba’t ibang pag-aaral tungkol sa mga maaring ibubunga nito. Masasalamin na lalong yayabong ang iba’t ibang kulturang mayroon ang bawat rehiyon dahil sa pagtangkilik ng wika dahil ang wika ay siyang nagtataglay sa anumang kulturang mayroon. Yayaman ang wikang panrehiyon sa aspetong panitikan at lalong higit na maunawaan ang kakanyahan ng iba’t ibang wikang umiiral sa Pilipinas. Isa itong uring pagpapahalaga sa pagkakilanlan ng mga Pilipino dahil matatalos nito ang angking talino at galing ng bawat isa.

Ginagamit ang wikang bernakular mula Grade 1– hanggang Grade 4. At sa Kabisayaan, nililinang ngayon ang wikang panlahat na kumakatawan ng Cebuano upang magamit sa pagtuturo sa lahat na asignatura. Sa kasong ito, sa ngayon ay naging kinakapos pa ang mga guro sa paghahanap ng mga kagamitang panturo, ngunit dahil maabilidad naman ang mga guro, tiyak na matugunan ito sa unti-unting paraan. Isang layunin sa gawaing ito ay ang maipakilala ang sariling atin, kaya sa paggamit ng wikang Binisaya, makilala ng mga batang Bisaya kung anong mayroon ang pagka-Bisaya—isang magandang bagay upang mabigyang kamalayan ang mga batang Pilipino gaano kahalaga ang pagkatuto sa mga bagay na tungkol lamang sa ating mga lokalidad.

Ang paggamit ng Bisaya, ay isang malaking hakbangin upang mga batang Bisaya ay maging matalos rin sa paggamit ng Ingles, dahil ang Bisaya ay isang pundasyon para matutunan ang Ingles. Dahil batay sa mga isinasagawang pag-aaral, maraming batang marunong mag-Ingles ngunit hindi naman alam ang mga katumbas na katawagan nito sa Bisaya at maraming namang mga batang nagsalita ng Ingles subalit kung makipag-interaksyon sa pakikipaglaro sila ay pinagtabuyan dahil hindi sila marunong magsalita ng Bisaya.

Sa panuntunang ito—-ang pagpapatupad ng MTB/MLE, sari-saring reaksyon at puna ang natamo sa DepEd buhat sa mga indibidwal na hindi nakakabatid sa tunay na kahulugan at kadahilanan nito. Sa bawat salungat na opinyon nito ay nagtataglay pangamba na dahil sa bernakular na wikang gagamitin ay tuluyang bumaba na ang kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino. Ang reaksyon na ito ay nagpapahiwatig lamang kung gaano naging alipin ang kanilang isipan sa mga bansang nagsasalita ng Ingles na para sa kanila ang paggamit lamang ng Ingles ay siyang tanda ng katalinuhan.

Ngunit sa panig ng DepEd at mga kinatawan nito ay isang matibay na paniniwala ang nagbubuklod nito—ang bisa ng MTB/MLE na kahit hindi pa napapatunayan subalit napatunayan na sa mga karatig bansa ng Pilipinas. Sa MTB/MLE nakasalalay ang mataas na kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino dahil pinapairal nito ang identidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang wikang kinikilala. Sa ganitong paraan, lalong mapreserba at kulturang Pilipino.

Wala nang makapagpatigil sa panuntunang MTB/MLE, naumpisahan na ito sa taong panuruan 2011-2012. Sa Bisayas, tuluyan nang tinatangkilik ang Cebuano at ibang baryasyon na Binisaya sa klasrum. Marami nang mga nangyayaring usapin. Ito lamang ay nagpapahiwatig na ang gawaing ito ay tuluyang binibigyang pansin dahil isa itong pagtataguyod sa kulturang Pilipino.

Paunawa: Ang MTB– ito ay isang akronim na nangangahulugang Mother Tongue Based Educaton, MLE—isa rin itong akronim na nangangahulugang Multi-Language Education, at MTB ay tinatawaga ding MLE dahil sa paggamit ng MTB, magsimula ang paggamit ng iba’t ibang wika o MLE

5.PROBLEMA AT SOLUSYON- Ang panulat na ito ay nagpakilala ng sitwasyon na ma-justify na isang problema . At, batay sa problemang nakilala ay may katapat na solusyon.

Ito ay hulwarang organisasyong kumilala o tumutukoy sa mga kalagayang nakakaapekto sa mga tao, lugar at kani-kanino. Ang mga kalagayang ito ay kailangang mapatunayang isang negatibong pangyayari at magdulot ng mga hindi kaaya-ayang sitwasyon. At, nang nailalahad ang mga suliranin, ay sa kabilang panig ay naipapakilala rin ang mga kaparaanan bilang solusyong mailalapat. Sa paglinang ng mga detalye, kailangang matukoy at mapatunayan kung ano-anong sitwasyon o kalagayang nagsasaad ng problema at matitiyak kung sino-sino ang mga apektado hanggang mailalahad ang mga kaparaanang maging solusyon. Ang action plan ay isang halimbawa sa hulwarang ito.

Halimbawa

Ang Pagtatai ng Mga Residente sa Baranggay Bunga

Ang Baranggay Bunga ay nasa isang lugar na nakabase sa malalaking ilog kung saan halos lahat na naninirahan doon ay sa ilog maliligo, maglalaba, mag-igib ng tubig gamit pang-araw-araw, at pati inumin mula sa mga balon sa gilid ng ilog.

Sa panahong maulan at bumaha, palaging paulit-ulit na nararanasan ng karamihan lalong-lalo na sa mga bata ang pagtatai. Kaya nakatawag pansin ito sa isang uring pangkat hanggang isang pangkat ng mga mag-aaral ang napunta sa lugar na iyon at nagsasagawa ng pagsusuri. Sinusuri nila ang tubig sa mismong ilog at pati na ang mga tubig sa balon sa pinagkukunan ng kanilang inumin at ito ay positibo sa Escherichia coli bacteria na nagdudulot ng pagtatai o diarrhea. Ganun din, natuklasan na ang karamihan ng mag residente doon ay magtapon lamang ng kanilang mga dumi sa ilog. At ang mga residenteng nagtatai ay kumukuha ng tubig mula sa balon sa gilid ng ilog. Sa pangyayaring ito, natuklasan ng pangkat ng mga mag-aaral na may kinalaman ang tubig na kanilang iniinom sa kalagayang pagtatai . .

Bilang pagtulong, ang pangkat ng mga estudyante ay sumangguni sa baranggay kapitan, at idinulog at ang opisyal nila ay dumulog sa DILG ang kanilang natuklasan sabay ang project plan na magpapatayo ng water pump malayo sa ilog. Nang pinahintulutan, nagtutulong-tulong ang opisyales ng baranggay sa pagpatayo ng mga water pump upang mapagkunan ng tubig na inumin. Kaya, pagkalipas ng isang buwan, bumaba ang bilang sa mga residenteng nagtatai hanggang nakompleto ang proyekto, at malaki ang kompyansa na ang mga residente na hindi na sila makakaranas ng pagtatai uli dulot sa kontaminadong tubig.

6. PANGHIHIKAYAT- Ito ay panulat na naglalyong matulungan ang iba na makita ang iyong pananaw at sang-ayunan ito. Sa panulat na ito ay maaring maglahad ng mga katibayan, katotohanan at mga ideya. Gamitan ng teorya ng pag-iisip upang maunawaan kung anon a ang nalalaman at naiisip ng iba.

Halimbawa

Doblehin ang Kantidad ng Iyong Sahod

Sa panahong pandemic hindi puwedeng ipagwalang bahala ang ating kabuhayan. Marami sa atin ang nawalan ng trabaho dahil lockdown. Kung ikaw ay isa sa mga nawalan ng pagkakakitaan ay huwag magpahuli! Bawat pagbabago ay oportunidad.Kumita habang nasa bahay ka. Sumali sa team COVID COUNTER ACT WARRIOR.Walang networking, basta alam mo lang ang dropshipping. Tumawag sa telepono 07438390500 at usap tayo. Iwas virus at kumita kapa, iwas pagkabagot ang pamilya mo ay ma-secure pa!

7. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST – Pagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawa o mahigit pang sangkap o bahagi. Kagalingan at kahinaan, sang-ayon at di-sang-ayunan at sinalungat na pananaw.

Nakaugat sa paglalarawan ang hulwarang ito dahil kailangang mapalutang sa mga detalye ang tungkol sa mga katangian o angking tinatangi ng isang bagay, tao,teorya, sistema at iba pa na nais makilala o matutukoy. Sa kaisipang paghahambing at pagkokontrast, ito ay nangangahulugang ang binibigyang detalye ay hindi nakatuon sa isang kaisipan– ngunit dalawa. Sa paglinang ng detalye, sa hulwarang ito, may mga aspetong dapat basehan kung paano magkakaiba at magkakatulad ang dalawang bagay. Sa madaling salita ang paghahambing at pagkokontrast ay tumatalakay sa pagkakaiba at pagkakatulad ng bagay, tao, teorya, sistema at iba pa ayon sa mga aspetong tinitingnan.

Ang Broadsheets at ang Tabloid

Parehong tinatangkilik ng mga mambabasa ang mga lokal na pahayagang katulad ng Cebu Daily News, Sunstar, Banat, Bandera at iba pang uri sa katuwirang ito’y sumasagot sa kanilang kapananan ayon sa kanilang kawilihan sa iba’t ibang balita at mga usapin.

Ang Cebu Daily News at Sunstar ay tinatawag na broadsheets. Naglalaman ito ng sari-saring balitang lokal at internasyonal at mga impormasyong pang-edukasyon at pantahanan at mga sari-saring libangan hinahanay at dinidisenyo batay sa pinakamahalaga tungo sa mga pangkaraniwang paksa na naglalayuning makasapat sa panlasa ng mga mambabasa.

Samantala ang Banat News, at Bandera na gumagamit ng wikang Binisaya (Cebuano) ay tinatawag na tabloid. Gaya ng broadsheets , ang tabloid ay naglalaman din ng mga balitang lokal at internasyonal at ibang mga makabuluhang impormasyon, ngunit mapupunang ang mga nababanggit ay mapupunang hindi masyadong pormal na paglalahad ng mga balita at mga lathalain sa kaparaanang maraming nailalantad na mga larawang nangangailangan ng istriktong patnubay at pati na sa mga pananalita.

Mura lamang ang halaga ng tabloid kaysa broadsheets kaya tinatangkilik sa madla. Ngunit matugunan naman sa broadsheet ang lahat na impormasyon na gustong malalaman. Kapwa pananagutan ng tabloid at broadsheet ang pagiging impormatibo , interaksyonal at personal na paggamit ng wika –ayon sa pinakalayunin ng pamamahayag ngunit mas pormal ang broadsheets kaysa sa tabloid.

Tandaan na ang hulwarang organisayon na ito ay maaring makikita sa isang buong ulat ng pananliksik. Ang paggamit ng iba’t ibang uring hulwarang organisayon sa pagsulat ng teksto ay makapagpalinaw sa anumang konsepto ng isang paksa at mga detalye nito.