<script async src="https://pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js?client=ca-pub-1424534500961415"
     crossorigin="anonymous"></script>
Teknik.

May kinalaman kung paano ito maunawan ng mga tagatanggap (tagapanood o mambabasa). Maisasagawa ito gamit ng boses, tinig, at wastong pagbigkas at mga pahiwatig sa mukha. Kabilang din dito ang kilos at galaw upang maihahatid ang mensahe. Kabilang din dito kung paano simulan ang pahayag, at anong mga estratehiya ang gagamitin tulad ng paggamit ng mga larawan o representasyon makatawag pansin ng mga manonood o mambabasa.

Paksang Diwa

Ito ang iniikutan ng nilalaman, ang pangunahing kaisipan, Ito ang pokus ng mga pagpapakahulugan, paglalarawan at pagbibigay ng mga detalye at mga halimbawa. Sa pagpapahayag, kailangan itong bigyang diin sa unahan at sa hulihan.

Organisasyon ng mga Kaisipan.

Kailangan ng lohikal na pag-iisip kung alin ang mauuna, panggitna at ang mahuhuli. Ang pagpapahayag na may maayos na organisasyon ay kagigiliwan ng mga manonood at mambabasa. Sa paglinang ng mga pagpapahayag, kailangan ang kasanayan sa paggamit ng pag-iisa-isa, paghahamabing, at ang kaalaman ng mga pag-ugnay na gagamitin.

Imbento.

Ito ay patungkol sa pagkamalikhain ng tagapagpahayag kung ano ang pangkalahatang anyo ang pahayag. Bukod sa paggamit ng mga kaalamang panggramatika, ito ang aspekto na parang bibigyang kulay ang pahayag para maging mapanghimok at makaenganyo. Ang angkop na pili ng mga salita, ang mga paggamit ng mga matalinghagang parirala o pangungusap ay kabilang sa salik na ito.

Gabay Sa Mabisang Pagpapahayag

Sa pabigkas o pasulat na pagpapahayag, ang naging tuon dito ay ang nilalaman o mensaheng aabot sa tagapanood o mambabasa, kaya, upang ang isang pahayag ay madaling maunawaan, malinaw sa pag-uunawa at kawili-wili sa panlasa kailangan may mga katangian itong tinatawag na kaisahan, kaugnayan at diin. Ang mga katangiang ito ay mahalagang kaalaman sa pagtamo ng gawaing pasulat at pagsalita.

Kaisahan. Tatak nito ang kaisahan ng ideya at mga suportang detalye na iisa lamang ang ang paksa at ang mga detalye ay may kaisahan sa layunin, tono, pantayong pananaw. At, dahil sa pamantayang kaisahan, ang bawat paksa at detalye ay may limitasyon at saklaw.

Kaugnayanan. Dito makikita ang kakipilan ng mga impormasyon, kung iilang uri ng impormasyon at mga detalye kailangang ang lahat ay may kaugnayan sa bawat isa. Ang kaisipang hindi kaugnay ay hindi dapat banggitin. At, upang maipakilala ang mga mga kaugnayan ng kaisipan, sa pagpalawak ng detalye puwede itong mailalahad sa pamamagitan ng pag-isa-isa, paghahambing at pagsasalungat, paglalahad ng kadahilanan at mga epekto, at pagbabanggit ng mga suliranin at lunas upang lilinaw ang mga impormasyon.

Diin. Sa estruktura ng bawat pahayag. ang diin ay mapapansin sa pagbabangit sa mahalagang kaisipan na magbibigay gabay sa pagkilala ng layunin. Sa pagpapahayag, kailangang sundin ang mga pamantayan sa pagbuo ng pangungusap na may kinalaman sa paggamit ng pokus ng pandiwa dahil ito ay isang paraan upang ang diin nga pagpapahayag ay maging konsistent. Isa ring palatandaan kung ang pahayag ay may wastong diin ay ang pangkilala sa pamaksang pangungusap na maaring ito ay mababanggit sa unahan o sa hulihan.

ANG PANGUNGUSAP

Ayon kina Matienza & Matienza(2011:42) ang mga salita, ang mga parirala, ang mga pangungusap, at ang talata o talataan ay pinagsama-sama upang makabuo ng kasiya-siyang diskurso. At, batay sa kaisipang iyon, nararapat pag-aralan ang tungkol sa sangkap at kayarian ng pangungusap bilang tulay sa pagbuo ng mabisang pagpapahayag dahil tumutuon ito sa kawastuang pambalarila. Ito ay isang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng mga estudyante, at upang matamo ito kailangan magkakaroon muna ng mga kaalamang pambalarila lalong-lalo na ang mga estudyante mula sa Kabisayaan—mga estudyanteng hindi Tagalog. Sa pagtatalakay nito, magabayan ang mga estudyante upang maiiwasan ang mga kamalian sa pagpapahayag, pabigkas man o pasulat. Ang pag-aaral sa sangkap at kayarian pangngusap ay isang hakbang upang mapabisa ang pagpapahayag. Ang pangungusap ay kinasasangkapan ng mga sumusunod:

1. Salita – ito ay tumutukoy sa anumang terminolohiya o katawagang kumakatawan sa higit na dalawang pantig at nagtataglay ng kahulugan. Ito ay kumakatawan sa bahaging panananalita na pangnilalaman gaya ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, at pangatnig na may kahulugan. Ang salita bilang bahagi o sangkap ay may natatanging papel. Sa ibang pananaw ang pangungusap ay puwedeng magtataglay ng isang salita lamang na may buong diwa.

2. Parirala – pinagsama-samang salita na maaring magagamit bilang bahagi ng pangungusap gaya ng sinumo, panaguri, pamuno sa simuno, panuring at iba pa. May tinatawag na pariralang pangngalan, pariralang panghalip at pariralang pang-ukol, at pariralang pang-uri.

3. Sugnay – ito rin ay pinagsama-samang mga salita ngunit higit pa ito sa parirala ang kayarian nito dahil may bahaging simuno at panaguri. Kung ito ay lalagyan ng bantas na tuldok ito ay matatawag na isang payak na pangungusap. Sa pagbuo ng pangungusap na tambalan, hugnayan, at langkapan,ang pagkilala ng sugnay ay isang mahalagang kaalaman.

4. Mga Katagang Pananda. Ang mga kataga o ingklitik ay mga sambitin na may iisa o dadalawang pantig lamang. Walang taglay na kahulugan ito ngunit ito ay nakapagdagdag ng kaisipan sa mga salitang dinidugtungan nito na ginagamit bilang pang-una sa pangngalan at panghalip, at nag-uugnay sa mga salita.

5. Mga Ingklitik o Katagang Pang-abay. Mga sambitin din itong may iisa o dadalawang pantig lamang na magkakaroon lamang ng kahulugan kapag ikakabit sa mga salita. Ang gamit nito ay nagpapatindi o nagpapalabis sa isinasaad na kilos, kalagayan o katangian. Ginagamit ito sa pagpapalawak ng pangungusap.

6. Mga Bantas o Panandang Guhit– sa pagbuo ng pangungusap ang mga pananda na tuldok, tandang pananong, at tandang pandamdam ay ginagamit bilang mga bantas sa hulihan. . Ganundin ang kuwit (,) tutuldok (:), tuldok-kuwit (;), tutuldok-tuldok (…) gitling(-) at gatlang (— ) upang magkakaroon ng katiyakan ang mga kaisipan. Ang mga ito ay palatandaan sa mga kaisipan taglay ng pangungusap nang sa ganoon ay nakapagdagdag ng kahulugan.

Halimbawang Pagsusuri ng Pangungusap

ANG KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

Ang pangungusap ay kumakatawan sa ating mga kaisipan, damdamin, at mga tunguhin. At ang pagbuo nito ay isang mahalagang gawain upang matamo ang mabisang pagpapahayag. Sa tradisyonal na kahulugan, ito ay salita o lipon ng mga salita may buong diwa o kaisipang ipinapahayag. May paksa at may simuno. Ang paksa ay matatawag ding simuno na siyang pinag-usapan; ang panaguri naman ay siyang nagbibigay impormayson tungkol sa simuno paksa. Ngunit batay sa kahulugan ni Alfonso Santiago, ang pangungusap batay sa kung paano ito ipinapahayag ng Pilipinong tagapagsalita, ito ay sambitlang may panapos na himig sa hulihan. Ang himig sa hulihan ay siyang nagsasaad na naipaabot na ng nagpapahayag tungo sa tagatanggap ang mensaheng gustong maihatid.

MGA URI NG PANGUNGUSAP. Sa dalawang kahulugan, ipinakilala nito ang dalawang uring pangungusap batay sa mensahe nitong maihahatid: ang pangungusap ay maaring binubuo lamang ng paksa o simuno, at ang pangungusap na may kompletong sangkap. Batay sa aklat ni Tanawan, et al (2003:36-39) ang dalawang uri ng pangungusap ay pangungusap na ganap at pangungusap na di-ganap. Ang pangungusap na ganap ay may kompletong sangkap, at ang pangungusap na di-ganap ay binubuo lamang ng paksa o panaguri.

Naririto ang iba’t ibang uri ng pangungusap na di-ganap:

1. Eksistensiyal. Ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng pagkamayroon ng higit pa sa isa ng kung anumang tinutukoy o binabadya. Halimbawa:

May amoy pang sabon. May mga accreditor.

May aklat na hiniram May darating na guro

2. Sambitlang panawag. Isinasaad nito ang anumang masambit ng

sinumang tumatawag gaya ng:

Bata! Ate!…

Inday. Inay at Itay!

3. Pagtawag. Ito ay may kinalaman sa pagtawag at pagkuha ng pansin.

Halika! Yohoo!

Lapit na. Sunod ka.

4. Pautos. Nagsasaad ito ng pagkontrol ng kilos sa iba.

Tigil ka. Huwag.

Tila, hinto! Harap sa kanan.

5. Paghanga. Kaisipan nagsasaad ng pagkagiliw.

Kay sarap! Ang ganda!

Walang kapantay! Hindi mapasubalian!

6. Paninding Damdamin. Ito ay mga pahayag na naglalahad ng damdaming

hindi karaniwan.

Sosmaryosep! Aray!

Tulong! Naku!

7. Pamanahon. Nagpapahayag ito sa kalagayan ng panahon.

Madaling araw na. Umuulan.

8. Pagbati. Nagpapahayag ito sa mga nakasanayang pagbati para sa iba bilang tanda ng paggalang.

Kumusta! Tao po.

Magandang araw Maraming salamat.

9. Pananong. Naglalahad ng kaisipan nais linawin o itatanong.

Ano? Magkano ba?

Ilan? Saan?

10. Panagot sa tanong. Ito ay may kinalaman sa anumang maaring maisasagot sa tanong.

Opo! Tama na!

Ayoko. Wala.

11. Panlunan. Sa aspektong ito ay ipinahiwatig ang alinmang kaisipan na nagsasaad ng pook, lugar o kinalalagyan.

Sa UC-Main. Sa DFA.

Sa may Jollibee. Sa PAG-IBIG Ayala

Samantala, ang pangungusap na ganap naman ay may bahaging simuno at panaguri. Ang simuno ng pangungusap ay may panandang pantukoy kapag ito ay pangngalan. Mahalaga ang kaalaman tungkol nito bilang kailanganin sa mabisang pagpapahayag sa pasulat at pabigkas na paraan. Sa kasong pasulat, higit na mapalinaw ang anumang pagpapahayag kung ito ay may tamang estruktura. Mahalaga ang kaalaman tungkol sa mga sangkap ng pangungusap dahil lalong makilala nito ang mga bahagi ng pangungusap. At matukoy ang ayos nito: baliktad o karaniwan. Ang baliktad na ayos ay ang pangungusap na may panandang ‘ay’, at ang karaniwang ayos ay ang pangungusap na walang ay. Ang karaniwang ayos din ng pangungusap ang ginagamit sa oras sa ng ating aktwal na pagpapahayag.

Naririto ang ilang pangungusap, kilalanin ang simple o payak na simuno sa pamamagitan ng pagsasalungguhit nito, at uriin kung karaniwan o baliktad ba –isulat sa kahon ang yaong sagot.

1. Naisabatas na ngayon sa iba’t ibang istasyon ng radio ang pagpapatugtog ng mga awiting Pilipino bilang pagpapalaganap ng kultura.

2. Isang banda ang nagpapauso ng online harana, hinahangaan.

3. Isa sa mga restaurant ang naghahanda ng higit sa 20 uri ng pancit ay naging patok sa panlasang ng mga customer.

4. Natupad ang hiling na makalipad ng isang batang may kapansanan sa paningin sa pagpapasakay ng ultralite plane.

5. Noong Pebrero 17, si Psy na nagpasikat ng Gangnam Style ay nagkakaroon ng concert sa SM Mega Mall of Asia kasa si Ai-ai de las Alas.

6. Ikaw ba ay sumali sa 1 Billion Rising noong Pebrero 15, 2013.

7. Ang sorpresa ng isang bana sa Valentines Day sa kanyang asawa ay ang pagpapaalamuti ng kanilang bahay gawa sa papel na hugis puso.

8. Tumulong sa mga biktima ng bagyong Pablo dito sa Pilipinas ang prinsipe ng Malaysia.

9. Dahil sa necrosy napag-alamang neumonia pala ang ikinamatay ni Lolong.

10. Sumulat sa pamahalaan ng Sabah Malaysia ang sultan ng Sulo bilang pakiusap na mananatili doon ang kanyang mga kasamahan at mamuhay ng payapa.

Ang pabigkas na pahayag ay lalong mapabisa kung ang tagapagsalita ay may kaalaman tungkol sa pagbuo ng pangungungusap dahil sa pamamagitan ng kayarian ng pangunusap ay lalong mapalinaw ang mensahe nito. May apat na uri ang kayarian ng pangungusap na ganap, ito ay ang payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa batay sa iba’t ibang kayarian:

KAYARIAN NG PAYAK NA PANGUNGUSAP

A. Payak na simuno at payak na panaguri

Ang sining ng pagtuturo ay may mga pamamaraan.

B. Tambalang simuno at payak na panaguri

Ang sining ng pagtuturo at ang epektibong pagkakatuto

ay

may mga pamamaraan.

C. Payak na simuno at tambalang panaguri

Ang sining ng pagtuturo

ay

may mga pamamaraan at may mga estratehiya.

D. Tambalang simuno at tambalang panaguri

Ang sining ng pagtuturo at epektibong pagkakatuto

ay

may mga pamamaraan at may mga estratehiya.

Paalala: Sa pagkilala ng simuno, kailangang may kaalaman ka sa mga pananda na pantukoy.

KAYARIAN NG TAMBALANG PANGUNGUSAP.

Binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa. Dinudugtong nga mga pangatnig na pamukod at paninsay o panalungat (balikan ang tungkol sa uri ng pangatnig)—ang tiyak na mga uri na ito ay tinatawag na pangatnig na panimbang.

¨ Magtiwala ka sa sarili o paigtingin ang pananalig sa Diyos?

¨ Mayaman ang ating pamahalaan ngunit hindi ito nadarama sa mga mamamayan.

KAYARIAN NG HUGNAYANG PANGUNGUSAP.

Binubuo ng isang(1)sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ang sugnay na di makapag-iisa ay pinangungunahan ng pangatnig na di-magkatimbang na tumutukoy sa mga tiyak na uri na pangatnig na panubali, pananhi at panlinaw.

¨ Mapapansin nating hindi na karaniwan ang temperatura ngayon dahil sa kakaunti na lamang ang ating rain forest kaya sisikapin nating manumbalik ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng marami pang puno, samakatuwid kalingain natin ang ating kalikasan.

KAYARIAN NG LANGKAPANG PANGUNGUSAP.

Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.

¨ Sa pamilya mahahanap ang pinakaunang suportang moral, sa paaralan naman matutunan ang iba’t ibang kaalaman, at lalong tayong matutong makikipagkapwa sa tulong ng ating mga nalalaman sa ating relihiyon kaya napakahalagang institusyon ng lipunan ang pamilya, paaralan at simbahan nang sa ganoon ay magtamo ng edukasyon ang sinuman.

Mga Halimbawang Karaniwang Ayos ng Pangungusap

na may Iba’t Ibang Kayarian

May mga pamamaraan ang sining ng pagtuturo.

May mga pamamaraan ang sining ng pagtuturo at epektibong pagkakatuto.

May mga pamamaraan at may mga estratehiya ang sining ng pagtuturo .

May mga pamamaraan at may mga estratehiya ang sining ng pagtuturo at epektibong pagkakatuto.

Uriin ang Bawat Pangungusap Ayon sa Kayarian

1. Umpisa sa panunungkulan ni P’noy ay ipinalabas rin ang bagong larawan sa Peso Bills at ito’y nagpakikila sa mga magagandang tanawin na matatapuan sa ating bansa.

2. Ang mga tanawin bumabandera sa bagong Peso Bills ay ang mga sumusunod: Rice Terraces ng Benguet, Taal Lake sa Laguna, Mayon Volcano sa Albay, Chocolate Hills sa Bohol, Underground River sa Palawan, at Tubbataha Reef National Park sa Zamboanga Peninsula.

3. Ang mga nababanggit na magagandang tanawin ay uring tanawing kataka-taka at bihira lamang ang mayroong nitong kagandahan.

4. Ang Rice Terraces ay nasa likod ng 20 Peso Note, ang Taal Lake ay sa 50 Peso Note, ang Mayon Volcano ay sa 100 Peso Note, ang Underground River ay sa 500 Peso Note, samantala ang Chocolate Hills ng Bohol ay sa 200 Peso Note; at marahil ang Tubbataha Reef Marine Park na tinataguriang World Heritage Site ay ang walang kapantay na magandang tanawin sa ilalim ng dagat ay inilalagay sa 1000 Peso Note.

5. Tiyak na ang kaparaanang ito ay isang uri ng pagbibigay impormasyon lalong-lalo na sa mga Pilipino na kagaya sa ibang bansa, ang ating bansa ay nag-aangkin din ng mga natural na magagandang tanawin kaya dapat itong ipagmalaki dahil tatak ito sa ating kabihasnan at kalikasan.

6. Isa rin itong kampanya upang lumago ang turismo nang sa ganoon makilala ang ating bansa dahilan sa mga karanasan ng mga turistang hindi mga Pilipino ang makaabot sa mga lugar na iyon, at higit sa lahat ito ay nag-aanyaya nating mga Pilipino na bisitahin muna natin ang sariling bansa bago dumayo sa iba.

7. Hindi lamang ang kalakarang turismo ang tinataglay na kahalagahan ang paglalathala sa mga nangungunang magandang tanawin sa ating bansa kundi ipinaalala ito sa bawat isa sa atin na pangangalagaan at i-preserba ang ating mga natural na natawin at ito ay mag-umpisa sa ating pinakamalapit na kapaligiran.

8. Bukod sa mga kalakarang ito, ang iba’t ibang mga lokal na pamahalaan ay nagsusulong na rin sa paglilinang at pagpepreserba sa mga magagandang lugar mayroon sa kanila.

9. Isang halimbawa nito ang tinaguriang Boracay, ang Canigao Island sa Matalom Leyte na dinadayo na sa mga turistang hindi lamang Pilipino dahil samakatuwid malinis ito at kaaya-ayang lugar.

10. Hindi lamang ang Peso Notes ang magdadala sa atin kung ano-ano pa ang mga magagandang tanawin sa ating lugar, baka mayroon pang hindi natin napag-alaman kaya ayon pa kay Aga,” magtingin-tingin lamang sa paligid at maging Pinoy explorer.”

Balikan ang mga paksa tungkol sa bahagi ng pananalita, pananda , pang-ugnay at pangngalan, kilalanin ang bawat bahagi ng pangungusap ayon sa tinutukoy