1. Aspektong Kasangkapan
    • Gamitin ang malaking titik sa bawat simula ng pangungusap at sa mga pangngalang pantangi.
    • Tiyakin na may kaisahan ang aspekto ng pandiwa ng bawat pangungusap sa talataan at sa buong bahagi ng sulatin.
    • Sundin ang mga tiyak ng palugit na ginagamit sa isang sulatin: may tradisyunal o makabagong sukat. Sa makabagong palugitan, maya tig-isang pulgada ang bawat gilid, at walang indensyon kapag nag-uumpisa ng bagong talaga. Samantala, sa tradisyunal naman, may 1 pulgada sa kanan at 1/2 na pulgada sa kaliwa, may indensyon na 1/2 sa bawat bagong talata.
    • Isang mahalagang sangkap bilang presentasyon ang pagkamalinis na walang pagbubura kapag ito ay sulat-kamay.
    • Kung computerised naman, kailangang gumamit ng mga rekomendadong font style. Ang bawat pamantasan o paaralan ay may kanya-kanyang kultura kung anong font style ang gagamitin.
  2. Aspektong Pangnilalaman
    • Kaisahan
      • Ang kaisahan ay palaging binabanggit kung pag-usapan ang mabisang pagpapahayag. Ito ay nangangahulugan na iwasan ang paglalahad ng pangungusap na hindi kaugnay sa paksa o kaisipan ng sulatin.
      • Gawing malinaw ang pangungusap, ito ay magagawa sa pagkilala sa pangunahing sugnay at sugnay na pantulong na hihiwalin sa pamamagitan ng kuwit at pang-ugnay.
      • Huwag paghihiwalayin ang panuring sa salitang tinuturingan.
    • Kakipilan
      • Ang kakipilan ay pagsasaayos ng mga ideya sa lohikal na paraan. Matamo ito sa paggamit ng mga pananda gaya ng tambilang upang makilala ang bawat kaisipan.
      • Mangyari ding magagawa ito sa pamamagitan ng paghahanay ng mga mga ideya gaya na lamang sanhi at bunga, paghahambing at pagsasalungat, at pag-iisa-isa nga mga kaisipan.
      • Gayunpaman, sa bawat paglalahad ng bagong kaugnay na ibang aspektong ideya kailangang ng bagong talataan upang hindi maging masalimuot ang daloy nga mga impormasyon. Kaya ang pagtatalata ay nagpapakilala sa pagsasaayog ng mga ideya sa buong panulat o sulatin.
    • Diin
      • Ang diin ay ang pagpapahiwatig sa mahalagang ideya sa pamamagitan ng pag-uulit ng kaisipan gamit ang ibang salita, pagdagdag ng deskripsiyon na parirala upang mabuo ang punong kaisipan. Kalimitan ay ang diin ay mababasa sa unang bahagi at sa panapos na talata.
      • Makilala din ito sa pokus ng pandiwa: pandiwang nasa tamang banghay at may tamang panlapi na naayon sa pokus ng pandiwa. Ang pokus ng pandiwa ay pattern ukol sa mga panlaping gagamitin na nagpapakilala ng pokus ng pandiwa sa loob ng pandiwa.
  3. Aspektong Pangkaalaman
    • Kawastuang ng mga salita/ Angkop na pagpili ng mga salita
      • Palatandaan sa akademikong Filipino ang paggamit ng mga salitang pormal, ito rin ay tinatawag na mga salitang pambansa.
      • May mga salitang magkahawig ang konsepto, ngunit kailangan ding piliin ang napakalapit tulad halimbawa sa mga salitang mahaba, matayog at matangkad; kung tao ang inilalarawan, matangkad ang kailangang gamitin.
      • May mga reporma din sa paggamit ng mga salita bilang pagpapayaman ng wika tulad halimbawa ng salitang ‘coral reef’ na maaring tumbasan ng ‘pasil’ na mula sa wikang Cebuano. Maaring may mga English din sa salita na walang katumbas sa Filipino, ang mangyari dito ay puwede itong manatili at gamitin na walang pagbabago at ikulong sa panipi.
      • May reporma din pag-uulit ng salita, gaya na lamang sa salita na ‘nakakatuwa’–palagi itong ginamit karamihan sa pag-uusap, ngunit kung sundin ang modelo sa pag-uulit, ang tamang salita ay ‘nakatutuwa’ hindi ‘nakakatuwa.’
      • May reporma din sa pagbaybay ng mga salitang hango sa Espanyol, tulad na lamang ng salitang ‘kontemporanyo’ at ‘kontemporaneo, ang dalawa ay puwedeng gamitin. Ngunit ang salitang ‘gwapo’ kailangang isulat na ‘guwapo’ dahil mula ito sa Espanyol at baybayin ayon sa tunog nito. Wala itong klaster. Kung ikaw ay malilito, gamiting ang sariling katawagan na maalindog, maganda, makisig. Puwede namang sabihin na ‘magandang lalaki’ , si Marcus ay maganda’.
    • Kawastuan ng pagbabantas
      • Napakahalaga ang paggamit ng kuwit (,) upang paghiwalayin ang mga sugnay na makapag-iisa sa loob ng pangungusap mula sugnay na di makapag-iisa. Kuwit din ang gagamitin sa pag-isa-isa nga mga elemento o konsepto.
      • Mga Panipi (‘ ‘) din ang gagamitin kung may kopyang ideya mula sa isang source. Mga panipi din ang gamitin kung nagpapakilala ng diyalogo.
      • Gamitin ang panaklonng ( ) kung kailangang bigyan ng kahulugan ang isang salita
      • Gamitin din ang tuldok-kuwit (;) sa paghihiwalay mga ideya mula sa iba
      • Ang tuldok ay palaging ginagamit sa bawat dulo ng pangungusap.
    • Kawastuan ng pangungusap
      • Sa Filipino, ang pangungusap ay maaring karaniwang ayos at maaring baliktad na ayos. Sa kawastuan ng pangungusap kailangang masuri kung ang panaguri ba ay naglalarawan sa paksa, kahit nasa aling ayos ito.
      • Mahalaga din ang wastong paggamit ng pang-ugnay at mga pananda para may kawastuan ang pangungusap
      • Mahalaga ding masuri ang pandiwa kung nasa tamang banghay ba sang-ayon sa paksa.
      • Mahalaga din masuri kung ang pangungusap ay makatotohanan o impormatibo bukod sa ito ay mapanghimok o nakaeenganyo.

IILANG KAISIPAN TUNGKOL SA MGA BAHAGI NG PANANALITA

Ang wikang Filipino ay mula sa Malayo-Polynesian o Austronesian, ngunit sa pagdaan ng panahon ang wika ng mga Pilipino ay nahahaluan ng maraming katawagan mula sa Espanyol, napayabong din mula sa mga katawagan sa English. Nagkahalo-halo din ang mga diyaklekto ng mga Pilipino na naging anyo sa kasalukuyang pagsasalita ng mga Pilipino sabay sa pagyabong at pagsulong edukasyon at teknolohiya.

Madalas maisalin ng mga tagapagsalitang Pilipino ang mga salitang English sa sariling pagbigkas, tulad halimbawa ng ‘chart’ na bigkasin ng ‘tsart’ kaysa ‘talahanayan’. Hindi ito maiiwasan dahil sa patakarang bilingguwalismo. Ang kaganapang ito ay matutunghayan sa social media at sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng mga wika at wikain sa Pilipinas ay naganap panahong pananakop ng mga Espanyol. Nabigyan-diin ang pagkilala ng pambansang wika nang ang bansa ay nagsimulang magsasarili.

Sa pag-aaral ng wikang Filipino, isang pangkalahatang kaalaman ang tungkol sa bahagi ng pananalita. Batay sa pagbuo ng pangungusap, ang bahagi ng pananalita ay nauuri sa dalawa: ang pangnilalaman at ang pangkayarian.

Ang pangnilalaman ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uari, pang-uri at pandamdam.

Samantala, ang pangkayarian naman ay ang salita o kataga na ginagamit bilang pang-ugnay ng mga salita upang makabuo ng parirala, sugnay, pangungusap, at pagpapalawak ng pangungusap.

Sa palabuuan, ang wikang Filipino ay may likas na kakanyahan, at may likas na alituntunin na tumutuon sa pagkatugma ng simuno at pangdiwa sa loob ng pangungusap ayon sa bilang ng simuno, ayon sa pokus ng pandiwa, ayon sa panandang gagamitin.

Ang mga pantukoy at pang-ukol ay mga pananda sa pangngaln at panghalip. Ang pang-uri at pang-abay naman ay mga panuring.

Ang pandiwa at pangawing ay ginagamit bilang pampakilos ng panungusap.

Ang salitang pandamdam ay salitang nagpapahiwatig ng mgatinding damdamin na nagtataglay ng sariling kahulugan at makapag-iisa.

PANGNILALAMANPANGKAYARIAN
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-uri
Pang-abay
Pandamdam
Pantukoy
Pang-ukol
pang-angkop
pangatnig
pangawing

Ang mga alituntunin sa na sinusunod sa pag-ugnay-ugnay ng mga salitang pangnilalaman at pangkayarian ay ang kabuuang alituntuning panggramatika o pambalarila na siyang nagpapakilala sa tiyak na katangian at gamit ng wikang Filipino.

Magkatimbang ang halaga ng gramatika at retorika sa paggamit ng wika. Sa Sa wikang Filipino, mahalaga ang pag-aaral ng gramatika at retorika dahil ito ay mga kaalamang kultural na siyang nagpapakilala ng mga Pilipino. Ang mga salita (vocabulary), ang pagsasalita (dialect and ideolect) at mga estilo ng pananalita (figure of speech) ng mga Pilipino ay naglalarawan sa kulturang Pilipino, isang dangal at isang pagkakilanlan.

Naganap ang makaagham na pag-aaral ng wika dito sa Pilipinas sa panahong Espanyol na isinasagawa ng mga prayle, sa panahon ng mga Amerikano ay nagaganap ang mga pagsuusuri ng wika at wikain sa Pilipinas, isang daan upang mapatuloy pa ang pag-aaral at naging pormal, naitakdang bahagi ng kurikulum sa mga espesyalistang pag-aaral.

Si Cecilio Lopez na isang Pilipino ay kabilang sa mga dayuhan na sina Morice Vanoverbergh, Otto Scheerer, Herman Costenoble, Carlos Everett Conant, Frank Blake at Leonard Bloomfield, na naging nagsisikap upang mapundar ang lingguwiskang Filipino.

Natuklasan ni Herman Costenoble na may salitang-ugat na binubuo lamang ng isang pantig, at may pagkakaiba at pagkakahawig sa iba’t ibang wikain.

Nakilala ni Otto Scheerer ang mga wikain sa Hilagang Luzon: Kalinga, Ilongos, Isinai, Isneg, at Bontoc.

Matagumpay si si Carlos Everett Conant sa kanyang sampung pag-aaral na may kinalaman sa mga sumusunod:

(1) pag-aaral ng ponolohiya ng Tirurai,

(2) ang ebolusyon ng ‘pepet na patinig’ sa 30 wika sa Pilipinas,

(3) ang tunog na ‘f’ at ‘v’ sa iilang wika sa Pilipinas,

(4) ang ‘R-G-H-Y-NULl’ at ‘R-L-D’ sa mga wikang Tagalog, Bisaya, Ibanag, Magindanao, Tausog at Bagobo na na napapabilang ng g-langguages, ang Ilokano at Tirurai ay r-languages, l-languages naman ang Panggasinense, Kankanai, Ibaloy, Bontoc at Kalamian. Y-langguages naman ang Kapangpangan, Ivatan at Sambal.

Natuklasan din ni Conant ang ‘ang pagka-monosyllabic ng mga wikang Isinai at Salitang ugat ng Kapampangan.

Nakapagsulat din si Frank R. Blake ng 15 artikulo tungkol sa mg wika sa Pilipinas.

Si Leonard Bloomfield naman ay nagtagumpay sa pagsusuri sa wikang Tagalog na kinilalang pinakamagaling pa pag-aaral sa kanyang estruktulismong pamamaraan na inilathala 1917.

Pinag-aralan din ni John U. Wolff ang morpolohiya at sintaksis ng wikang Cebuano at naglathala ng diksyunaryo sa taong 1972.

Nauri-uri din ni David Zorc ang Visayan Language sa pitong (7) uri sa taong 1977.