Your cart is currently empty!
Ang Wikang Filipino sa Akademikong Larangan

Filipino Bilang Wikang Pambansa
Nakatala sa Saligang Batas (Art. XIV, Seksyon 6, 1987 Konstitusyon) na ang pambansang wika sa Pilipinas ay tatawaging Filipino, at itinadhana rin sa Seksyon 3 sa parehong artikulo na ang Kongreso sa Pilipinas tungkol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang kakilanlan batay sa mga umiiral na katutubong wika . Ito ang batas na magpatupad sa patuloy na paglinang ng Wikang Pambansang Filipino at nagsasaad na ang bawat Pilipino ay may sariling kakilanlang wikang ginagamit. At, bilang Filipino na Wikang Pambansa bahagi ito sa lahat ng antas ng kurikulum sa layuning matamo ang paglinang ng nasyonalismo at pagpapalaganap ng natatanging kultura.
Depinisyon ng Wikang Filipino
Isinasaad na Filipino ang pasalita at pasulat na katutubong wika sa Metro Manila na pambansang punong rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa archipelago, ang ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika, sa sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalos na pagpapahayag (Resolusyon Blg.1-92 ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mayo 13, 1992). Samantala, sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang ahensyang magpapayaman sa wikang pambansa, hango sa Resolusyon blg. 96-1, Agosto, 1996, nagpapakahulugan rin naming “ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.”
Sa mga kaisipang inilalahad, malinaw na ang wikang Filipino ay produkto sa iba’t ibang wikang umiiral sa buong bansa at natatanging magpakikilala sa kultura ng mga Pilipino.
Ang 1987 Alpabetong Filipino
Ang 1987 Alpabetong Filipino ang katawagan ang kasalukuyang alpabeto na may walong(8) karagdagang letra. Ito ang alpabetong nalilinang na mula sa pa sa tinatawag na Alibata (sa panahon bago ang pananakop), Abakadang Tagalog (sa panahon Manuel L. Quezon na binuo ni Lope K. Santos), at Bagong Alpabetong Pilipino (na itinatagtag ng SWP).
Ang 1987 Alpabetong Filipino ay sang-ayon sa itinanadhana ng Konstitusyon 1986 na may kinalaman sa paglinang ng wikang pambansa at muling nireporma ang alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa ortograpiyang Filipino. Ang reporma ay isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filpino (na noo’y Surian ng Wikang Pambansa) sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor at mga samahang pangwika. Idinaos ang mga sunod-sunod na simposyum at nabuo ng bagong ortograpiya, hanggang napagpasyahan na ang Albetong Filipino ay buuin lamang sa dalawampu’t walong (28) letra na mga sumusunod: A, B,C, D, E, F, G, H,,, I, J, K, L, M, N, NG, Ñ, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, at Z. Ang alpabetong ito ay maaring tawagin sa dalawang paraan— pa-Abakada o pa-Ingles na may walong(8) karagdag ang letra na /c, f, j, ñ, q, v, x, z/. Ang tagumpay ng linangan ay ipinalabas tatlong taon ang nakalipas at napagkasunduan bigkasin na lamang gaya ng sa Ingles upang matiyak ang kawastuan nito. Iniharap ang gawain ito sa iba’t ibang kapulungan at kongresong pangwika. At, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng Edukasyon at Kultura at Isports, inilunsad ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. (Ibid, Gabay sa Ortograpiyang Filipino 2009: 3-4).
Tagalog, Batayan sa Paglinang ng Wikang Pambansa
Ang suliraning pangwika sa Pilipinas ay nararanasann na noon pang panahon ng Kastila. Isang malaking suliranin noong ang hindi pagkakaintindihan dahil sa iba’t ibang wikang sinasalita ng bawat pulo. Ang mga Kastila ay nag-aaral ng wikang katutubo upang matugunan nila ang kanilang layunin. Ngunit sa pagdaan ng panahon, dahil ang Ka-Maynilaan ang naging sentro ng bansa, maraming mga Pilipino ang natuto ng Tagalog. Ang Tagalog ay naging lingua franca sa buong bansa at natutunan ng mga sinuman sa simulang makipagsalamuha sa sentro ng bansa.
Alinsunod ng batas Tydings-Mc Duffie o Batas sa Kasarinlan na pinagtibay ni Franklin D. Roosevelt noong Marso 24, 1934 nagkakaroong ng pamahalahaang komonwelt ang Pilipinas, at si Manuel Luis Quezon, ang pangulo ng bansa at si Sergio Osmena bilang pangalawang pangulo—-ang pamahalaang napasailalim ng kapangyarihang Amerikano kailangang magkakaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas upang tuluyan itong makalaya sa kasunduang mabigyang kalayaan ang Pilipinas kung ganap na itong makapagtayo ng sariling pamamahala. Kaya sinikap ni Quezon ang matagumpayan na makilala ang wikang panlahat. Sa Saligang Batas 1935 naitadhana na“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang ukol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”. Ito ang kauna-unahang batas tungkol sa wika. Mula dito ay nalikha ang surian ng wikang Pambansa upang mamahala sa pag-aaral ng wikang umiiral sa Pilipinas at pagpili ng wikang panlahat.
Noong ika-13 ng Nobyembre 1936 opisyal na nalikha ang Surian ng Wikang Pambansa na pinamumunuan ni Jaime C. de Veyra. Pinag-aralan ang pangunahing wika ang umiiral sa Pilipinas. Ang naging tungkulin ng surian ay magsasagawa ng komporatibong pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas at matukoy ang wikang pinakamagaling na maging batayan ng bilang wikang pambansa, ayon sa limang(5) opisyal na kaatasan ng Surian ng Wikang Pambansa(SWP):
1. magsasagawa ng pag-aaral sa mga pangunahing wikang sinasalita ng kabuuan
populasyon ng Pilipinas (na noon ay kalahating milyon lamang)
2. magsasagawa ng komporatibong pag-aaral sa mga pangunahing diyalekto
3. magsusuri at magtiyak sa aspektong ponetika at ortograpiya ng mga pangunahing wika
sa bansa
4. magsasagawa ng komparatibong pag-aaral sa lahat na mga panlapi sa wikang umiiral sa
bansa
5. makapiling wikang batayan sa wikang Pambasa na naaayon sa:
a) wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekaniks at literatura; at,
b) wikang tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyan sa pinakamaraming Pilipino.
Sa pag-aaral at mga natuklasan, na ang Tagalog ang nagtataglay ng wikang hinahanap ng surian, ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134, 1937 ng Pamahalaang Komonwelt ay nagpapatibay na Tagalog ang batayan ng wikang Pambansa. May mga matitinding kadahilanan kung bakit Tagalog ang batayan ng wikang pambasa gaya ng mga sumusunod:
1. Sinasalita ito ng karamihan
2. Madaling matutunan dahil wika ito sa sentro ng Pilipinas
3. Tagalog ang ginagamit sa sentro ng Pilipinas
4. Ang wikang Tagalog ay bahagi sa Kasaysayan sa pamamagitan ng mga panulat
sa himagsikan
5. May mga aklat panggramatika at diskyonaryo patungkol sa wikang Tagalog
6. Mayaman sa talasalitaan ang Tagalog
Sa pag-aaral noon ng SWP, lumilitaw na may walong(8) pangunahing wikain o diyalekto sa bansa na ang ma sumusunod: Tagalog, Cebuano, Ilocano, Bicolano, Waray, Pampanggo, Pangasinense, Hiligaynon, ngunit sa kasalukuyan, ang pangunahing wikain o diyalekto sa Pilipinas ay kinabibilangan din ng Tausog, Maranaw at Maguindanaw. Itong 11 wikain sa Pilipinas na ito ay ang batayan sa paglinang ng wikang Pambansa at panghihiram sa mga salitang banyaga na siyang isinasaad ng Seksyon 7, Artikulo XIV ng 1987 Saligang Batas, “ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa rehiyon ay magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Ang Timeline ng Wikang Pambansa
(Tuon sa Mga Batas at Probisyon)
Produkto ng lipunang Filipino ang wikang pambansa…(Abad & Ruedas, 2001). Talagang tama ang pahayag na ito dahil ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay hindi nakukuha sa maikling panahon may mga legal itong mga kalakaran upang maging ganap na wikang pambansa.
Binatis sa iba’t ibang hanguan na Gabay sa Ortograpiya 2009, Garcia, et al(2008), Maglaya, et al(2003), Bernales et al(2002), at Bernales et al(2000) ay nabuo ang Timeline ng Wikang Pambansa na tumatampok sa mga mahalagang batas at probisyon.



Ang mga Kautusang Tungkol sa Wika at Ang Akademikong Filipino
Ang Artikulo XIV Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon
Ang pagtamo ng kredit sa asignaturang Filipino 1 ay may kinalaman sa saligang batas. Kailanman hindi ito mawawala bilang asignatura dahil nakataya rito ang pagpapalaganap ng ating kultura. Ang pagpapayabong at pagpapayaman ng wikang Filipino ay nakababatay sa bawat wikang panrehiyon. Sa pag-aaral ng wikang pambansa ay makilala rin ang iba’t ibang wikang kinagisnan. Sabay sa pag-aaral na ito ay aangat ang kamalayan ng bawat Pilipino sa pagpapahalaga ng bawat wika na siyang tunay at makapaglalarawan sa damdamin at kaisipan ng mga Pilipino tungo sa anumang pakikipagtalastasan o komunikasyon.
Malinaw na inihahayag sa Artikulo XIV Seksyon 6, ng 1987 Konstitusyon na:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay payabungin at pagyamanin sa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika”.
Kaya karapatan at responsabilidad ng bawat Pilipino—ng bawat estudyante ang mag-angkin ng kaalaman tungkol sa wikang Filipino upang magkakaroon siyang kaalaman sa akademikong Filipino at uusbong ang diwang pagkamakabayan at maging intelektwal sa sariling wika.
Ang Resolusyon 96-1 ng KWF, 1996.
Unang dapat mabatid ng mga estudyanteng kumukuha ng asignaturang Filipino 1 ang matukoy kung ano ang kahulugan ng Filipino. Ang pinakamadaling kahulugan nito ay Ang Filipino ay ang pambansang wika sa Pilipinas na nabubuo hango sa iba’t ibang wika at wikain sa Pilipinas. At para maging tiyak, ang Komisyon sa Wikang Filipino noong Agosto 1996, ay nagbibigay ng kahulugan ng Filipino bilang wika at ito ay nagsasasaad na:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit
sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
Akademikong Filipino
Filipino ang pasalita at pasulat na katutubong wika sa Metro Manila na pambansang punong rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa archipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filpino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram ng mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika, sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag (Resolusyon Blg.1-92 ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mayo 13, 1992).
Higit sa lahat, ang akademikong Filipino ay nangangahulugang kaalaman para sa bawat Pilipino tungkol sa mga umiiral na pagbabago ng Wikang Pambansang Filipino at paano ito ginagamit sa intelektwalisasyon. Ito ay ang pag-aaral ng wikang Filipino at paggamit nito sa mabisang paraan sa iba’t ibang tipo ng komunikasyon ayon sa pangangailangan sa paaralan. Akademikong Filipino ang wikang Filipino na ginagamit sa iskolarling pagpapahayag. May mataas na antas na paggamit ng wika na naayon sa mga pamantayang pinag-aralan. Ito ay ang paggamit sa mga natutunan sa pag-aaral sang-ayon sa Education Commission(EDCOM) 1990 na ang kurikulum ng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon ay naglalayong luminang sa kakayahang komunikatibo sa lahat ng mga mag-aaral at estudyante tungo sa pagiging mabisang mananalastas ayon sa kahinigian ng bawat programa—multi-disiplinary, integrity, multi-media at may tuon sa bawat mag-aaral at estudyante(Catacataca & Espiritu 2005).
Ang Filipino sa MTB/MLE sa K to 12 Kurikulum
Ang unang wika (L1) ay tulay sa pagkakatuto ng iba’t ibang wika tulad ng pambasang wika at iba pang wika na may malaking kahalagahan sa edukasyon ng kabataang Pilipino. Ito ang tinatampok ni Canega(2012) at nagpapaliwanag na ang anumang interaktibong gawain sa silid aralan ay palaging binibigyang halaga ang unang wika ng bawat estudyante. Sa bawat pagkakataon ang estudyante ay bigyang kalayaan upang maipahayag niya ang kasagutan at natutunan sa tulonng ng kanyang unang wika (L1). Ang MTB/MLE ay nangangahulugang iba’t ibang wika ang magagamit sa pagtuturo at talakayan na nakabatay sa lugar na kinabibilangan—sa ganitong sistema, lalong mapausbong ang
Pambansang Wikang Filipino dahil sa paggamit ng L1.
Barayti Ng Wika

Ani kay Lope K. Santos (Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2009), “naniniwala akong hindi sa utak ng paham tumutubo at umuulad ang mga salita….kundi sa bibig ng madla.” Ang pahayag na ito ay naglalarawan sa barayti ng wika. Ang anumang sitwasyong panlipunan ay marahil isang mahalagang salik kung bakit tumutubo at umuunad ang mga salita sa bibig ng madla. Ito ay may kinalaman sa pakikisalamuha at pakikipagkomunikasyon sa bawat pangangailangan ng tao. At, batayan sa pagkilala sa barayti ng wika ang sino-sino ang nagsasalita, pagkakaiba-iba ng bokabularyo, tono o intonasyon ng pagsasalita, at ang lugar. May iba’t ibang elemento ang pagkilala sa barayti ng wika.
1. Diyalekto at Idyolek
Ang wika ay katumbas ng salitang pinulungan (sa wikang Cebuano )at maari ding tatawaging sinultihan. Ang diyalekto at idyolek ay matatawag na sariling pagsasalita o kinagisnang pagsasalita.
Sa UP Diksyonaryo (2010) na pinatnugutan ni Virgilio Almario, ang wika ay tumutukoy sa mga sumusunod:
· Lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may
iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.
· Sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisang paraan at pakahulugan
· Senyas at simbolo na isinaalang-alang sa paraang abstrakto na kasalungat ng binibigkas na salita
· Anumang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa parehong pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan,
· Pabigkas na paggamit ng naturang sistema o lawas ng mga salita.
Makilala ang wika sa kabuuang pagsasalita ng isang pangkat ng tao. Gaya na lamang sa ating bansa ng Pilipinas na sa kalaunan ay nabubuo ang pambansang wika na Filipino (batay sa Tagalog). Maaring ito ay may hangganan bilang isang bansa, may hangganan bilang isang pulo, o maaring hangganan bilang isang rehiyon. Makilala ang pag-iba-iba ng wika dahil sa mga elemento nito gaya ng kalikasan tunog, sistema ng pagsulat, mga alituntuning gramatika, at pagpapakahulugan nito. Ang bawat wika ay may kani-kanilang tunog na bumubuo ng bawat salita. Ang wika at pagsasalita ay magkakasing-kahulugan, ito ang tinutukoy sa panlimang kahulugan ng wika ayon sa UP Diksyonaryo. Dahil sa bawat pagsasalita ay makilala ang kabuuang kalikasan ng isang wika. Ang pagkaiba-iba ng pagsasalita sa pangkat-pangkat ng mga tao ay nagpapakilala sa iba’t ibang diyalekto. Ang pagpapangkat-pangkat na ito ay batay sa hangganan ng lugar o heograpiya.
Ang diyalekto ay nalilinang dahil limitadong pakikipagkomunikasyon sa iba’t bahagi ng komunidad (Comrie, 2009), dagdag pa, ang diyalekto ay makilala bilang kakaiba sa istandard na wika. Ayon sa UP Diksyonaryo(2010), ang diyalekto ay isang anyo ng wikang ginagamit sa isang partikular na pook o rehiyon, isa sa pangkat ng mga wikang kabilang sa isang espesipikong pamilya, at uri ng wikang may sariling bokabularyo, bigkas, gramatika at idyoma na kaiba sa pamantayang wika. Tinatawag itong dialect sa English.
Ang pagsasalita ay makilala rin sa bawat taong nagsasalita ayon sa pansariling katangian nito gaya ng kalidad ng boses at tinig, ang paraan sa pagbigkas at iba pa ay tumutukoy sa idylolek (idiolect). Ito ay makilala sa bawat tagapagsalita sa kanyang pansariling bokabularyo , at “ito ay paraan ng paggamit ng wika sa isang indibidwal” (Ibid, 2010).
Ang diyalekto at idyolek ay mga permanenteng barayti ng wika.

2. Ang Barayti ng Wika sa Komunidad
Ang bawat isa sa komunidad ay may kanya-kanyang antas sa paggamit ng wika dulot sa pinag-aralan, estado ng buhay, papel na ginagampananan, at iba pa. Ipinahayag ni Garcia, et al(2008) na walang ganda ang mundo kung walang pagkakaiba-iba…Tiyak kabilang na dito ang kagandahang dulot sa barayti ng wika.
At, ayon kay Alonzo, 1993 (sa Pangkalinawan et al, 2004) ang kakayahan ng wika na bumuo ng mga salita, kakaibang patern, paraan ng pagsasama-sama ng mga grupo ng mga salita …ay dahilan kung bakit may barayti ng wika. Ayon kay Fantini, 1974 (sa Pangkalinawan et al, 2004), ang barayti ng wika ay bunga ng ilang mahalagang salik panlipunan tulad ng lugar, paksa, uri ng komunikasyon, gawi ng interaskyon at participant —kalahok sa komunikasyon.
Sa mga kaisipan sa itaas, ang kabuuan nito ay nagsasabi na likas na pangyayari ang pagkakaroon ng barayti at likas na kagandahan ang pag-iba-iba ng ating wikang ginagamit.
Ang barayti ng wika ay maikategoriyang permanente at pansamantala. Ang permanenteng barayti ay may kinalaman sa tagapagsalita; at, ang pansamantala naman ay may kinalaman sa oras o sitwasyon ng pagpapahayag. At ayon paman kay Pangkalinawan et al (2004) ang permanenteng barayti ay binubuo ng diyalekto at idyolek. At, ang sosyolek, jargon, rehistro, islang at argot ay mga pansamantala. Ang mga ito ay magaganap lamang sa mga sitwasyong kinakailangan.
1.Diyalekto— barayti na makilala sa aspektong pagsasalita o speech. Dito makilala ang mga sinaunang katawagan. Nagtataglay ito ng mga salitang pidgin at creole at mga salitang kultural. Sa kasong Cebuano, magkaiba ang Cebuano sa syudad, sa Bantayan, at iba pang lugar na lalawigan. Higit na makilala ang diyalekto ayon sa lugar (Zafra at Constantino, 2001 sa Garcia et al 2008). Sa pagkakaiba ayon sa lugar, halimbawa nito ang tiyan ay naging tijan sa Southern Leyte.
2. Idyolek—ito ang wikang makilala batay sa pansariling katangian ng tagapagsalita. Isang uring barayti na natatangi dahil nasa paraan ito ng paggamit ng isang tao gaya na lamang sa paglikha ng pangungusap, sa diin at tono, sa pagpapakahulugan ng bawat salita at pagbigkas.
3. Sosyolek — ito ang barayti ng wika na kailanganin upang makisalamuha sa iba na may kinalaman sa pamumuhay, relihiyon, sa pag-aaral at iba pang pangkat sa loob ng komunidad. Ibig sabihin nito sa pagkakataong makibagay ang tao sa anumang pakikipag-interaksyon mangyari ang paggamit ng wika na kabilang sa sosyolek. Ayon pa rin kay Garcia et al (2008), ito ang mabigat na dahilan kung bakit ang mga taong may iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat. Ayon kay Alcaraz, et al(2005) makilala ang diyalekto kaysa sosyolek, dahil ang diyalekto ay wika ayon sa gamit samantalang ang sosyolek ay barayting batay sa gumagamit.
4.Jargon—ito ang espesyal na bokabularyo na ginagamit sa pangangalakal at pangkat propesyonal upang mauunawaan sa iba pang pangkat. Maaring ang jargon na ginagamit lamang sa pangangalakal ay sa kalaunan ay mangagamit na rin sa teknolohiya. Sa ganitong kaso ang jargon ay magiging rehistro na rin. Halimbawa nito ang salitang monitor na ginagamit sa larangan ng pamamahala na sa kalauna’y, ginagamit din sa katawagang teknolohiya—sa computer. Sa pelikulang India (Mahajaran, 2001), isang opisyal ng pulis na tumutugis sa mga terorista na ang pagpapakahulugan ng “ about turn” ay sit down, kaya nang sumigaw siya sa hukbo na “about turn” at ang lahat ay nagsipag-upo kaya ang naiwan na nagpa-ikot-ikot ang terorista, at agad siya nahuhuli. Ganundin sa special education sa ‘training for a blind” ginagamit ang 9:00 o’clock bilang may kahulugan na kaliwa, at 3:00 o’clock para sa kahulugang kanan, 12:00 o’clock na may kahulugang harapan at 6:00 o’clock.
5. Rehistro o register—ito ay isang uring barayti na may makilala rin sa sitwasyong sosyal ayon sa layunin, paksa, setting, at participant. Kapag ang setting ay nasa hospital at mga kalahok ay doktor at pasyente tungkol sa virus—tiyak ito ay nangangahulugan na nakakahawang sakit o airborne disease.
6. Islang at Argot—ang islang at argot ay kapuwa pabalbal o nonstandard na wika ngunit ang argot ay ginagamit sa isang sekretong pangkat gaya ng mga kriminal. Sa kasong Islang naman, matutukoy din ang pag-iimbento ng mga salita ng mga bakla ay maituturing na kabilang nito, at ang mga imbentong ito ay maaring ring matutunan din sa karamihan. Ganundin ang ginagamit sa texting at sa social media ay maaring nagagamit din sa pasalitang wika-halimbawa na lamang nito ang salitang “selfie” .
. Ang Pansamantalang Barayti
Bukod sa mga barayti ng wika na nababanggit sa sinundang pahina, tinutukoy ni Pangkalinawan et al (2004) na kabilang sa pansamantalang barayti ang register o rehistro, mode at estilo. Ang rehistro ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng kanyang pagpapahayag, ang mode ay tumutukoy sa midyum na ginagamit—pasalita o pasulat, at ang estilo ay ang barayting may kaugnayan sa bilang, katangian ng nagsasalita at ng relasyon nito sa kanila.
MGA HALIMBAWANG REHISTRO NA GINAGAMIT SA IBA’T IBANG LARANGAN
Katawagan Kahulugan Ayon sa Iba’t Ibang Larangan
1. Heneral -Pinakamataas na ranggo (Militari)/Pangkalahatan (Wika o Lengguwahe)
2. Tsanel -Estasyon ng telebisyon (Teknolohiya)/Daanan ng mensahe (Komunikasyon)
3. Isyu -Usaping panlipunan (Politika)/Paglabas ng pahayagan o magasin (Pamamahayag)
4. Operasyon -Misyong isakatuparan (Militari)/Paglunas ng sakit sa pamamagitan ng paghiwa ng
alinmang bahaging apektado (Medisina)
5. Komposisyon – Piyesa ng awitin (Musika)/ Pinagsama-samang mga elemento(Agham)
6. Tatakbo -Kumandidato sa eleksiyon(Politika)/ Mailap na kilos ng tao, hayop at sasakyan (Wika)
7. Istrayk – Pagwewelga (Paggawa)/ Nasapol -sa larong bowling (Pampalaksan)
8.Monitor – Pagmamasid sa anumang kaganapan (Pamamahala)/ Bahagi ng computer (Teknolohiya)
9. Papel – Kagamitan sa pagsulat (Wika)/ Tesis, ulat sa pananaliksik, o report (Akademiko)/
Katauhang ginagampanan (Pag-arte)
10. Virus – Mapanirang program (Computer, I.T.)/ Sakit na dala sa hangin (Medisina)
Metalingguwistikang Pag-aaral ng Wika
A. KONSEPTONG PANGWIKA
Kailangang maunawaang maigi ang mga konsepto upang maugnay-ugnay ito sa pag-uunawa sa layunin magagamit itong mahusay at maging tatak ng bawat estudyante ang akademikong Filipino nang sa ganoon sa bawat paggamit ng wika –pasalita o pasulat magtataglay ito ng pagmamalasakit at mauuwi sa kawastuan. Sa panahong ito na pinapairal na ang K to 12 na Kurikulum kailangang lalong paiibayuhin ang pag-aaral ng wika upang matugunan ang pangangailangan. Kung titingnan ang mga kaisipang wika, makilala ang diyalekto at idyolek bilang mga kongkretong bagay. Ang ang diyalekto at idyolek ay bahagi sa isang wika. Ang diyalekto ay bahagi ng wika, ang idyolek ay bahagi rin ng diyalekto. Kung batay naman sa paggamit, ang anumang mga gawain natin– personal o transaksyonal, ay nangangailangan ng wika. Ang wika ay malaking bagay sa buhay ng tao tungo sa pakikisalamuha sa iba upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan mula sa personal hanggang sa mga komplikadong kailangan. Ayon pa kay Lumbera (2005), parang hininga na ang wika sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan na ito. Ito ay nangangahulugang hindi maiwalay ang wika sa ating pagkatao. Ang wika ay kumakatawan sa isa sa pinakamalakas na buklod na nag-iisa sa tao pinalaganap ng pagkakakaisa ang pambansang mithiin, layunin at damdamin (Guamen et al, 1986). At sa panig ng mga estudyante, nararapat na maunawaan at mapapahalagahan kung ano ang wika sa buhay ng tao, at ano ang ginagampanan ng wika sa pampersonal na komunikasyon, sa akademikong kalakaran at sa pambansang kasulungan. Sa kahulugan ng wika ayon kay Gleason (sa Santiago 1974), ang wika ay masistemang balangkas ng tunog, isinaayos sa paraang artbitraryo at ginagamit sa komunikasyon sa mga taong may iisang kultura, inilalarawan dito ang kahalagahan ng wika sa komunikasyon, at paano naging hagdanan ng kultura ang wika at higit sa lahat ang ipinapahiwatig dito ang iba’t ibang wikang umiiral sa buong daigdig.
KATANGIAN NG WIKA
Batay sa panulat nina Gleason, Emmert at Donagby sa Santiago (1974:24) ay matutukoy ang mga pangunahing katangian ng wika tulad ng mga sumusunod:
1. Ang Wika ay Masistemang Balangkas. May apat na antas ang pag-aaral ng wika—una, ang ponolohiya; pangalawa ang morpolohiya; at ang pangatlo ang sintaksis, hanggang sa diskurso na may kinalaman sa pagbuo at pagpapakahulugan ng pahayag sa pakikipagkomunikasyon, pasulat at pasalita. Pinag-aaralan sa ponolohiya ang mga tunog. Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema. Mula sa mga ponema ay nabubuo ang mga maliliit na yunit ng salita. Ang mga salita ay nabubuo sa pamaamagitan ng mga pagsama-sama ng mga morpema. Ang pag-aaral na iyon ay tinatawag na morpolohiya. At, sa pagbuo naman ng mga pangungusap, may mga tuntunin kung paano pagsama–samahin ang mga salita, ang pag-aaral na ito ay tinatawag na sintaksis. Sa sintaksis ay magaganap ang pag-aaral ng mga lipon ng mga salita sa loob ng pangungusap. Samantala, kung pinag-aralan naman ang mga pangungusap upang makabuo ng mabisang pagpaphayag, ito na ang pinakamataas na antas sa pag-aaral ng wika, ito ay tinatawag na diskurso. Tuon sa antas na diskurso ang pagpapahayag na pasalita o pasulat at kung paano magpapalitan ng mensahe sa mabisang paraan. Sa ang apat(4) na aspektong ito bilang antas ng pag-aaral ng wika ay makilala ang masistemang balangkas nito dahil ang bawat antas nito ay nagpapakilala sa kakanyahan ng wika.
2. Ang Wika ay Sinasalitang Tunog na Isinasaayos. Nagmumula sa makabuluhang tunog ang bawat titik at nabubuo ang wika dahil sa pinagsama-samang titik na nanggagaling sa tunog. Hindi ito karaniwang tunog na malilikha ng hayop, pagkabangga-bangga ng mga bagay-bagay ngunit tunog ito buhat sa mekanismo ng pagsasalita: mula sa hanging hinihinga galing sa baga, pagkatal ng mga babagtingang pantinig at pagsaltik ng dila at pagkokontrol ng hangin na maaring ipapalabas sa bibig o sa ilong, maging sa pagtaas at pagbaba ng boses, paghinga at paglakas ng bigkas ng bawat salita at ang bawat pagtigil sa pagsasalita. Lahat na ito ay naglalarawan sa kaisipang isinasalitang tunog. Tao lamang ang ang makapagsalita. Lumabas sa pag-aaral ng mga lingguwista ang mga kalikasan ng mga salita gaya ng pagpapantig, pagkilala ng mga klaster, pagkilala ng mga pares minimal, at ganoon din sa antas ng palaugnayan— ang simuno at panag-uri sa pangungusap, ang paggamit ng mga panuring at iba pang mga alituntuning panggramatika. Ang mga ito ay ang mga pagsasaayos ng wika.
Ang pagpipili ay ang kung papaano tinatanggap ang mga salita o bokabularyo na matatawag nating pormal o di-pormal at kailan makabuo ng mabisang pahayag na naayos sa wastong gamit ng mga salita.
4. Ang Wika ay Arbitraryo . Arbitraryo ang wika kaya dumidepende ang gamit ng mga salita sa emosyong ipinapahiwatig ng nagsasalita. Ang kaisipang ito ay nagpapahiwatig na ang bawat katawagan o termino sa isang wika ay hindi sinsadyang ganoon at ganyan, ito lamang ay nalilikha sa mga taong gumagamit nito, Kung paano lumitaw ang mga katawagan sinasalita bilang representasyon ng mga ideya at mga emosyon ay hindi masyadong maipaliwanag, Walang nakatitiyak kung bakit ang daga (rat) ay hindi tinatawag na elepante, at ang elepante ay hindi naman daga.
5.Ang Wika ay Ginagamit . Makakalimutan lamang at tuluyang mawawala ang wika kung hindi gagamitin. Makilala at natutunan ang wika dahil sa paggamit nito sa pangangailangan sa komunikasyon—pasalita at pasulat na nailalahad ni Gordon Wells, M. A. K, Halliday at Dell Hymes ang iba’t ibang gamit at tungkulin ng wika sa komunikasyon. Ang mga salitang umiiral sa kasalukuyan ay natutunan dahil ito ginagamit. May mga pagbabago-bago sa pagbigkas ng salita at hanggang tuluyang tinatanggap na dahil ito sa kusang paggamit nito. Ang mga salitang likha ay kusang natutunan dahil pangangailangan sa pagpapahayag ng kaisipan. Napag-aralan at na-intelektwalays ang wika dahil gangamit. Ang wikang bernakular ay uusbong ngayon dahil naisa-kurikulum na at mga may panuntunan sa pagtuturo na MTB/MLE, ito ay naglalarawan sa paggamit ng wika. Sa kabilang banda, kapag walang wika walang magagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin, at upang may magagamit sa lahat na pagkakataon, nanghiram ang wika, at ito ay isang natural na pangyayari lamang sa alinmang wikang buhay o patuloy na bahagi ng sangkatauhan.
6. Ang Wika ay Nakabatay sa Kultura. Bahagi sa kultura ang wika, ang anumang mga salitang mabubuo at nalalapatan ng kahulugan ay dahil sa kulturang mayroon ang isang pangkat at makilala ito sa pagbabago ng henerasyon. Nang ang sandaigdigan ay napupuno na ng iba’t ibang naimbentong bagay, umpisa ring nadagdagan ang unibersal na bokabularyo. Sumasalamin sa ating mga diyalekto ang kultura ng ating komunidad. Ang katawagang “duyan”, “kalabaw” “hadji”, “palay” “palayok’, bilao, at sa mga katawagang Bisaya na lusong, alho, lubok, nigo, pagdaro, pagsanggi, inun-unan, pina-isan, biko, bagyo, linog at iba pa pa. Ang mga ito ay tanda lamang sa ating kultura na iba kaysa ibang bansa. Sa bawat aspekto ng ating mga pamumuhay at uri ng kabihasnan ay may mga salitang tumutugma nito.
7. Ang Wika ay Nagbabago . Buhay at aktibo ang wika na katulad ng tao ay mabilis itong nagbabago. Mabilis na makalilikha ng mga bagong salita kaalinsabay sa pagbabago ng estruktura nito. May mga katawagang makakalimutan at may mga katawagang tinatanggap. Ang paano magbuo ng pangungusap ngayon ay maaring magkaiba kaysa mga nauunang mga Pilipino. Ito lamang ay resulta sa pagbabago ng panahon. Sa ngayon maraming manunulat sa medya na ginagamit ang magkahalong katawagan na Filipino at English.Iyon lamang ay patunay na ang wika ay nagbabago. Isang ebidensiya sa pagbabagong ito ang pagkakaroon ng wikang pidgin at creole—at ang pag-usbong ng iba’t ibang diyalekto.
8. Ang Wika ay Kapangyarihan. Naging makabuluhan at nalilinang ang sistema ng batas at politika dahil sa wika. Lalong napapamalas at naipapamana ang mga kaalaman dahil sa wika. Ito ang nagsasaad sa kapangyarihan ng wika. Umiiral ang kapayapaan sa buong daigdig dahil sa wika. Nalulutas ang mga suliranin at naipalaganap ang mga gawaing pangkapayapaan dahil sa wika. At sinasabing, walang ibang wikang magdala ng mga Pilipino tungo sa mataas na kalidad ng edukasyon kundi ang paggamit ng pangunahing wika bilang pantuto. Kung paano napapahalagahan ang wikang panrehiyon ngayon sa kurikulum ng K+12 ay naglalarawan sa kapangyarihan ng wika. Ang Cebuano ay makapangyarihang makapag-unawa ng mga taga-Cebu at iba pang panig sa ka-Bisayaan na kumilala ng Cebuano bilang diyalektong heograpikal.
ANG TUNGKULIN NG WIKA

Ang kaisipang inihahayag ni M.A. K Halliday ay kahawig sa mga kaisipan nina Dell Hymes(1974) at Gordon Wells (1981) tungkol sa tungkulin ng wika. Sa pag-uuri-uri ni Hymes, ang tungkulin ng wika ay makipag-usap, magtatanong, magpapasalamat, magmumungkahi, makikipagtalo, magsalaysay, samantala, ayon naman kay at Gordon Wells (1981) ang tungkulin ng wika ay pagkontrol sa gawi ng iba (controlling), pagbabahagi ng damdamin (share feelings), pagbibigay o pagkuha ng Informasyon (Informing) pagpapanitili ng pakikipagkapwa, at pakikipag-interaksyon sa kapwa (ritualizing).
Ang Ebolusyon ng Wika: Pidgin Patungong Creole

Maihahalintulad sa isang pamilya ang wika. Ang bawat salita o bokabularyong taglay nito ay maihahalintulad ding kasapi sa pamilya—- na kapag ang anak ay makapag-asawa ay magkakaroon din ng panibagong miyembro. Kaya maituturing na ang bawat anak ay produkto sa magkahalo-halong angkan.
Sa halaw sa pananaw ni Comrie, Bernard (2008) , ang pidgin tumtutukoy sa anumang wikang umusbong mula sa iba’t ibang wika na maituturing na panibagong pangkat ng wika. Ito’y sapilitang natutunan upang may magagamit sa komunikasyon. Maituturing din itong pangunahing wika. At, dahil ito ay umusbong mula sa iba’t ibang wika maituturing itong natatanging at bagong puro na wika, pero ang taglay na bokabularyo nito ay mula rin sa iba’t ibang wika.
Nang ang mga tao ay walang humpay sa pakikisalamuha, ang wika rin ay patuloy na magkahalu-halo at maituturing wala na ring ni isang taal na sa kanyang pagsasalita, kaya mangyaring uusbong ang wikang maisakategoriyang creole. Ito ang wikang produkto sa pagdaan ng panahon.Ebidensiya ito na ang wika ay patuloy na kumikilos sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga taong gumagamit nito—ang wikay ay buhay. Ang kaganapang ito, ay maihahalintulad sa pangyayaring ang pagsasalita ng mga anak ay hindi pareho sa pagsasalita ng mga magulang.
Ang pagkakaroon ng pidgin at creole ay makilala sa bawat henerasyon ng bawat angkan at pamilya. Ito ay isang siklo —paulit-ulit na mangyari na may magiging pidgin sa sandaling panahon at hanggang umusbong sa pagiging creole. Parang tao na may iba’t ibang yugto sa buhay at matataya ito sa mga panulat. Ang mga aklat na naisulat noong mga dekada 50, dekada 70 at hanggang sa kasalukuyan ay tiyak na nagpapakita kung anong uring wika ginamit ng mga tao noon.
Kagaya ngayon kadalasang katawang Ingles ang ginagamit sa pagsulat—na maaring Baybay Filipino o orihinal. Sa K to 12 , pinapahalagahan ang wikang panrehiyon, tiyak makapagbibigay ito ng bagong creole ng bawat diyalekto sa buong kapuluan hanggang sa pag-usbong ng wikang pambansa.
Ang mga creole ay may iba’t ibang uri kaya sa pagkikipagsalamuha ng mga tao sa iba’t ibang lugar nabubuo ang iba’t ibang diyalekto. Sa isang pulo makilala ang mga diyalekto—dahil sa parehong lugar, ang mga tao ay matuto sa bawat isa. Kagaya sa ating bansa, may 11 pangunahing diyalekto na kumakatawan sa pangkat-pangkat ng mga naninirahan sa buong Pilipinas. Bukod pa nito, sa Dekalogo ng Wikang Filipino, umabot ng 187 wikain mayroon ang ating bansa.
Buhat sa hindi mapigilang paglutang ng iba’t ibang diyalekto na may malalawak o makitid na hangganan ay lumutang ang lingua franca. Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit upang makaintindihan ang mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika, sa Pilipinas, naging lingua franca ang Tagalog hanggang nagkakaroon ng wikang Pambansa—ang wikang Filipino.
Antas ng Wika
Masasasangguni sa pagtatalakay ni Bernales et al(2002) at Garcia et al (2008) na sa kabuuan mauuri sa dalawa (2) ang antas ng wika—pormal at impormal. Ang pormal na antas ay ang wikang ginagamit sa pamayanan—sa paaralan, sa batas, at iba pa, na tinatanggap na pangkalahatan maging sa bansa o internasyonal at may mga tiyak na katawagang upang mapalinaw ang bawat kaisipang kinatawan.
Sa aklat ni Arrogante(1983), isinaalang-alang niya ang mga gawi sa pasalitang pormal. Ang pamimitagan, malumay na tinig, pananalitang malinaw, katumpakan ng salita at pag-iwas ng mga marahas na pananalita upang matamo ang pakikipagsalitaang pormal. Ang mga kalagayang ito ay malimit nating matutunghayan sa mga tanggapan at paaralan kung saan ipinapakilala ang mga mabubuting gawi. Samantala, ang impormal ay ang wika o pagsasalita na maaaring ginagamit lamang sa maliliit na pangkat na maaring simple at kadalasang ginagamit araw-araw. Kabilang din ang mga pagsasalitang bulgar at may mga kakaibang pakahulugan na maaring lamang baguhang naiimbento. Ang pormal na wika ay nakilala sa mga tiyak na sumusunod na antas:
A. Antas Pambansa. Ito ang wikang opisyal na ginagamit sa komunikasyon dahil naisabatas na at kumakatawan sa iba’t ibang wikang ginagamit sa buong bansa, kabilang ito sa itinuturo sa paaralan at ginagamit sa pagsulat pang-akademiko. Ginagamit ito sa batas, sa relihiyon, sa pamamahayag at iba pang mga opisyal na transaksyon. Ang salitangg pambansa ay mga salitang lahok sa diksyonaryo. Sa wikang Filipino, ang UP Diksyonaryo ay ang natatanging diksyonaryo ang nagtataglay ng mga salitang tanggap sa pormal na wika. Ito ay isang proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino(KWF). Ang mga lahok nito ay naayon sa alituntunin sa pagbabaybay at panghihiram sa mga likas at hiram na salita na sumasaklaw sa iba’t ibang katawagan. Pansinin ang mga artikulo sa ibaba kung ano-anong mga pananalita ang ginagamit upang matamo ang pambansang antas ng wika:
Maihahalintulad sa isang pamilya ang wika. Ang bawat salita o bokabularyong taglay nito ay maihahalintulad ding kasapi sa pamilya—- na kapag ang anak ay makapag-asawa ay magkakaroon din ng panibagong miyembro. Kaya maituturing na ang bawat anak ay produkto sa magkahalo-halong angkan.
Sa halaw sa pananaw ni Comrie, Bernard (2008) , ang pidgin tumtutukoy sa anumang wikang umusbong mula sa iba’t ibang wika na maituturing na panibagong pangkat ng wika. Ito’y sapilitang natutunan upang may magagamit sa komunikasyon. Maituturing din itong pangunahing wika. At, dahil ito ay umusbong mula sa iba’t ibang wika maituturing itong natatanging at bagong puro na wika, pero ang taglay na bokabularyo nito ay mula rin sa iba’t ibang wika.
Nang ang mga tao ay walang humpay sa pakikisalamuha, ang wika rin ay patuloy na magkahalu-halo at maituturing wala na ring ni isang taal na sa kanyang pagsasalita, kaya mangyaring uusbong ang wikang maisakategoriyang creole. Ito ang wikang produkto sa pagdaan ng panahon.Ebidensiya ito na ang wika ay patuloy na kumikilos sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga taong gumagamit nito—ang wikay ay buhay. Ang kaganapang ito, ay maihahalintulad sa pangyayaring ang pagsasalita ng mga anak ay hindi pareho sa pagsasalita ng mga magulang.
Ang pagkakaroon ng pidgin at creole ay makilala sa bawat henerasyon ng bawat angkan at pamilya. Ito ay isang siklo —paulit-ulit na mangyari na may magiging pidgin sa sandaling panahon at hanggang umusbong sa pagiging creole. Parang tao na may iba’t ibang yugto sa buhay at matataya ito sa mga panulat. Ang mga aklat na naisulat noong mga dekada 50, dekada 70 at hanggang sa kasalukuyan ay tiyak na nagpapakita kung anong uring wika ginamit ng mga tao noon.
Kagaya ngayon kadalasang katawang Ingles ang ginagamit sa pagsulat—na maaring Baybay Filipino o orihinal. Sa K to 12 , pinapahalagahan ang wikang panrehiyon, tiyak makapagbibigay ito ng bagong creole ng bawat diyalekto sa buong kapuluan hanggang sa pag-usbong ng wikang pambansa.
Ang mga creole ay may iba’t ibang uri kaya sa pagkikipagsalamuha ng mga tao sa iba’t ibang lugar nabubuo ang iba’t ibang diyalekto. Sa isang pulo makilala ang mga diyalekto—dahil sa parehong lugar, ang mga tao ay matuto sa bawat isa. Kagaya sa ating bansa, may 11 pangunahing diyalekto na kumakatawan sa pangkat-pangkat ng mga naninirahan sa buong Pilipinas. Bukod pa nito, sa Dekalogo ng Wikang Filipino, umabot ng 187 wikain mayroon ang ating bansa.
Buhat sa hindi mapigilang paglutang ng iba’t ibang diyalekto na may malalawak o makitid na hangganan ay lumutang ang lingua franca. Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit upang makaintindihan ang mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika, sa Pilipinas, naging lingua franca ang Tagalog hanggang nagkakaroon ng wikang Pambansa—ang wikang Filipino.
Antas ng Wika
Masasasangguni sa pagtatalakay ni Bernales et al(2002) at Garcia et al (2008) na sa kabuuan mauuri sa dalawa (2) ang antas ng wika—pormal at impormal. Ang pormal na antas ay ang wikang ginagamit sa pamayanan—sa paaralan, sa batas, at iba pa, na tinatanggap na pangkalahatan maging sa bansa o internasyonal at may mga tiyak na katawagang upang mapalinaw ang bawat kaisipang kinatawan.
Sa aklat ni Arrogante(1983), isinaalang-alang niya ang mga gawi sa pasalitang pormal. Ang pamimitagan, malumay na tinig, pananalitang malinaw, katumpakan ng salita at pag-iwas ng mga marahas na pananalita upang matamo ang pakikipagsalitaang pormal. Ang mga kalagayang ito ay malimit nating matutunghayan sa mga tanggapan at paaralan kung saan ipinapakilala ang mga mabubuting gawi. Samantala, ang impormal ay ang wika o pagsasalita na maaaring ginagamit lamang sa maliliit na pangkat na maaring simple at kadalasang ginagamit araw-araw. Kabilang din ang mga pagsasalitang bulgar at may mga kakaibang pakahulugan na maaring lamang baguhang naiimbento. Ang pormal na wika ay nakilala sa mga tiyak na sumusunod na antas:
A. Antas Pambansa. Ito ang wikang opisyal na ginagamit sa komunikasyon dahil naisabatas na at kumakatawan sa iba’t ibang wikang ginagamit sa buong bansa, kabilang ito sa itinuturo sa paaralan at ginagamit sa pagsulat pang-akademiko. Ginagamit ito sa batas, sa relihiyon, sa pamamahayag at iba pang mga opisyal na transaksyon. Ang salitangg pambansa ay mga salitang lahok sa diksyonaryo. Sa wikang Filipino, ang UP Diksyonaryo ay ang natatanging diksyonaryo ang nagtataglay ng mga salitang tanggap sa pormal na wika. Ito ay isang proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino(KWF). Ang mga lahok nito ay naayon sa alituntunin sa pagbabaybay at panghihiram sa mga likas at hiram na salita na sumasaklaw sa iba’t ibang katawagan. Pansinin ang mga artikulo sa ibaba kung ano-anong mga pananalita ang ginagamit upang matamo ang pambansang antas ng wika:
Ang Pagbabago sa Sistema ng Kurikulum Ang K to12 ay ang kabuuang pagbabago sa sistema ng kurikulum sa lahat na antas ng edukasyon dito sa Pilipinas. Layunin nitong magkakaroong ng produktong nakapagtatapos ng pag-aaral na nakiayon sa pandaigdigang pamantayan sa kasong employment placement at matugunan nito ang mga kinakailangang kasanayan sa lokal na lipunan. Bilang kabuuang pagbabago sa sistema ng kurikulum, dinadagdagan ng isang(1) taon ang elementary at dalawang (2) taon naman sa, sekundarya. Ang isang taon ng elementarya ay ang kompulsori nitong pagkuha ng kindergarten bago maging grade 1, kaya sa halip ng anim (6) na taong iginugugol sa elementary ito na maging anim na taon. Sa edad ng anim(6) na taong gulang mag-umpisa na sa pormal na pag-aaral ang isang bata. At, sa antas sekundarya naman, ang dagdag na dalawang (2) na tinatawag na senior high school na may dalawang direksiyon, ang una, ay ang pagsasanay sa mga pangbokasyunal kaalaman at gawain o tech-voc na gangailangan sa lokal na pamahalaan, o kaya’y sa halip na pagtungo sa tech-voc ang estudyante naman ay tutungo sa –aaral sa tinatawag na College readiness Standard” (CRS). Ang tech-voc ay ang pagsasanay sa mga estudyante sa mga gawaing may kinalaman sa paghahanap buhay at paglinang sa anumang mga teknikal na mga kasanayan tulad ng electronics, computer technician, intrepreneur, at iba pa na makakatulong sa pagsulong ng industriya. Ang CRS naman, ay para sa mga estudyante na walang kawilihan sa tech-voc. Sa panuntunang ito, ang mga estudyante sa 4th year ay bibigyan ng assessment upang magabayan kung alin ang kanilang konsentrasyon sa dagdag na dalawang taong pag-aaral. Ang ninanais na matuguhan sa tech-voc ang mga gawain, propesyong kinakailangan sa lokal na pamahalaan kay sa pag-iimplementa ng tech-voc ay maging kabalikat nito ang lokal DILG. Samantala, ay pag-aaral na nakatuon bilang paghahanda sa mga estudyante mga estudyanteng gustong kumuha ng mga baccalaureate degree. K+12 Curriculum Hand-outs. UC Seminar-Workshop 2012 . Mariner’s Hotel , Pier 1 Cebu City B. Antas Pampanitikan. Ginagamit ito sa pag-aaral ngunit na higit na itong makilala sa mga akdang malikhain. Lahat na wika ay may antas na ito sa ikakasining ng paggamit ng wika, ito’y tinatawag din na antas panretorika. Ito ay paggamit ng mga patalinghagang paraan o may natatagong kahulugan, konotasyon, at simboliko upang humahamon sa pag-iisip, tinuturing itong matatayog at malalalim, makulay at masining na pananalita(Bernales et al, 2002). Sa paunang salita naman ni Monleon(1968) sa aklat na Florante at Laura, tinuturing na akdangguro ang tula na Florante at Laura dahil inobra itong alinsunod sa pamantayang palatitikan at palabaybayan ng Wikang Pambansang Pilipino at sa pagsasapaksang pabaha-bahagi ay naiaanyong pampa-aralan na aklat. Iniulat rin sa aklat ni Monleon na 28 uring tayutay ang ginagamit ni Balagkas sa Florante at Laura. Narito ang Puno ng Salita ng Florante at Laura:
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, Dawag na matinik ay walang pagitan, Halong naghihirap ang kay Febong silang Dumalaw sa loob na lubhang masukal. Malaking kahoy—ang inihahandog pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot; Huni ng pa ng ibon ay nakalulunos Sa lalong matimpi’t nagsasadyang loob. Tanang mga baging na namimilipit Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik; May bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit Sa kanino pa mang sumagi’t malapit. Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy, Pinakamaputing mag-ungos sa dahon; pawang kulay luksa at kaikiayon Sa nakaliliyong masangsang na amoy.
Naririto Naman ang mga Impormal na Antas
C. Antas Lalawiganin. Ito ay ang diyalekto ng isang lugar. Sa Pilipinas, dahil maraming diyalekto kailangang magkakaroon ng iisang wikang mauunawaan sa lahat, dahil kapag ang mga Pilipino ay makipagkomunikasyon gamit ang kani-kanilang diyalekto ay hindi magkakaintindihan dahil malaking pagkakaiba ang bawat diyalekto sa Pilipinas. Tunghayan ang mga sumusunod na mga pahayag mula sa iba’t ibang diyalekto:
1. “Adi da didi” (sa Waray )/ Ari ra diri (Cebuano)
2. Mangaon ta anay (sa Ilonggo) / Mangaon usa ta (Sa Cebuano)
3. Mangaon ta bala ( sa Ilonggo) / Mangaon diay ta (sa Cebunao)
4. Ang kalayo mikalatkat sa balumbong (sa Masbate) / Nasunog ang balay (sa Cebuano)
5. Napait lagi mi (Butuanon) / Nagsilod lagi mi (Sa Cebuano)
6. Guti lah (Waray)/Gamay lang (Cebuano)
7. Nagkalayo ka na? (Waray) / Nagdung-ag naka? (Cebuano)
8. Pagkuhit na sa ( sa Waray)/ Paghukad na( Cebuano)
9. Maupay na aga dida (Waray) / Maayong adlaw diha( Cebuano)
10. Ala eh ang batang here ( Batangueneo) / Hal uy, kining bata gayud (Cebuano)
D. Antas Kolokyal. Sa anumang pagkakataon, ang mga tao ay may kakayahang paikliin ang mga salitang ginagamit sa pagsasalita. Kaya isa na itong tatak ng wika. Ang antas kolokyal ay tumutukoy sa kakaibang anyo ng isang salita. Gaya ng balay (Cebuano)na maging “bay’, kita mo na maging kitam.
1. Pasayloa ko, wa(wala) jud(gayud) ko’y kalibutan ana Nay.
2. Sus, intawaon kinsa ba go’y di (hindi)mahimutang aning panghitaboa.
3. Mangadto ta(kita) bay(abay—tawag sa kaibigan) sa ila ni ‘Nong (Manong) Ting Bon Lang para makita jud(gayud) nato(kanato) ag ilang kahimtang.
1. Wala na akong magawa nito sumubra na ang bagahe ko, kitam(nakita mo)?
2. Meron( mayroon) na bang baliang tatakbo sa eleksyon 2016)?
Antas Balbal. Tinatawag ito na slang . Sa Pilipinas, ang mga salitang nasa antas na ito ay mga salitang naiimbento sa mga taong palaging nasa kalye kaya ito ay itinuturing na pinakambabang antas. Tinatawag itong wikang panlasangan, ngunit sa panahon nating ngayon hindi ito sinasalita lamang sa mga walang pinag-aralan ngunit ito ay naging komon na wikasa sitwasyon hindi pormal. Sa pagdaan ng panahon hindi lamang ang mga salitang kalye ang tinutukoy nito ngunit kabilang din ang gay lingo. May maraming paraan sa pagbuo ang antas na ito:
1. .Panghihiram mula sa mga salitang banyaga na may kakaibang kahulugan.
· Naka-wheels (mayaman) nga ang bisita mo!
· Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang taong iyan , walang jewel( magandang katangian) ‘yan.
· Mag-jingle (iihi) dahil mahaba pa ang biyahe natin. * nakasanayan itong ginagamit sa ka-Maynilaan.
· Huwag kang magreklamo sa buhay mo ngayon, dahil bakit mo namang sinadyang umenter (pumasok sa uri ng buhay o kagusutan).
· Sa pamamasyal namin sa baybayinng dagat marami kaming nakilalang chicks( batang dalaga).
2. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan na hango sa mga salitang katutubo, lalawiganin at iba pa. · Mga tiguwang (Ceb.)( mahina) ang nandidito, isang linggo na hindi pa nagtapos ang pag-aaspalto ng kalsada!
· Dito lahat ay may gawain kaya walang puwang dito ang kagwang (Ceb.)( walang maayos na nagawa).
· Sige pre, labyog (Ceb.) (magsikap) tayo pre dahil pasukan at wala pang pang enrol ang mga anak ko.
· Saan ba kayo nagmana, mga karagan (Ceb.)( walang disiplina), umayos nga kayo!
· Kung ikaw ay may-asawa na at mananatiling isang butakal (Cebuano)(Babaero) gulo lamang ang aabutin mo sa buhay.
· Pabili ng Colgate(toothpaste) o kahit ano diyan basta colgate lang.
· Nandoon na tiyange ang bata (Ceb.)(mauutusan) ko, at ipina-deliver ko na ang mga order mo.
· Nancy iyon ba ang papa(kasintahan) mo noong kasama mong naglalaro ng volleyball sa kapistahan?
· Salamat sa Diyos, nahuli na ang mga nagtutulak ng bato(shabu) sa ating baranggay.
· Mag-ingata kayo sa mga wakwak (mga kasamahang gusto kang ilaglag) sa kompanyang ito, kaya dapat tama ang lahat mong mga pamamaraan at ginagawa.
3. Pagpapaikli o reduksyon, na maaaring gumagamit ng salitang Filipino o banyaga .
· Nakapangasawa ng Kano(American National) si Kara na kilalang bihasa sa pangunguna ng pagnonobena.
· Tol (kapatid) iwanan ko muna sa iyo ang aking ari-arian hanggang ako’y dito pa sa Saudi Arabia.
· Tayo ay mga promdi(from the province) kaya nasa dugo natin ang sanay sa anumang gawain, katangiang hindi matatawaran ito.
· Ang hindi matutong magsalita ng Filipino ay hindi Pinoy(Pilipino).
·
4. Pagbabaligtad at Pagdaragdag. Ang mga bading ay dinig sa pagbabaligtad ng mga salita na ginagamit sa kumbersasyon. Hindi natin mamalayan na kahit anong salita ay puwedeng babaliktarin , at bukod sa pagbabaligtad, ay puwede pang dagdagan ng iilang letra gaya nitong halimbawa:
Ang atab(bata) mo ay nakarating na ba? Wala na akong aper(pera) naubos na kasi sa gastos ko sa pakals(kainan) kahapon. kaya kailangan nang sisingilin akit(kita) yadni(inday) garutay.
Hay naku bading ak(ka)! Dihins(hindi) mo ba nakikita na baligtad na ang abuls(bulsa) ko. Heto na lamang ang natira —isang pirasong amikats(kamatis) at atlong(talong) hahhaha! Hayaan mo kapag dumami na ang ukis(suki) ko babalutin kita ng togin(ginto). Sige na magdamayan nalang atoy(tayo) noynga(ngayon) para hindi tayo sabay na mayatap (mapatay) sa gutom.
At sabay-sabay silang bumukas sa kanilang sari-sari store… na maraming gulay..
5. Paggamit ng Akronim. Maraming puwedeng imbentuhin na akronim mula sa mga pariralang gaya ng mga sumusunod:
Fyi (for your information) maraming ksp(kulang sa pansin) sa aming lugar, minsan dinudumihan nila ang mga gp(gusaling pampubliko) sa pamamagitan ng pagpipinta. Hp(hindi pansin) ng mga opisyal ng barranggay na ang mga batang ito ay anak ng mga mkb (may kaya sa buhay). Bakit hindi sila nagkaganon, papaano ang mga magulang ay nasa malayo at sila’y iniwan sa kanilang mga kaanak lamang. Kaya hindi natin sila masisisi kung sila ay psl(pasaway sa lipunan). Dapat sana makikita rin ito sa mga paaralan at sa DSWD upang maglaan ng programa angkop sa pangangailangan nila. Ang mga magulang nila’y knk(kayod na kayod)sa ibang bansa at nag-aabuloy ng pera ngunit mauuwi lamang sa mb(masamang bisyo) ng kanilang mga anak. Malaking suliranin ito sa ating mga kabataan.
Bukod sa mga salitang nasa halimbawa, komon ding ginagamit ang US(under de saya), TL (true love), TLC(tender loving care)
6. Paggamit ng Numero
99% —kulang-kulang sa pag-iisip
100-1 —huwag magpakalulong sa walang kuwentang bagay
50-50—nanghihingalo, hati-hating kalagayan
100—tama lamang
123— madaling umalis dahil sa panloloko
2×2—- mapaparusahan
5568—Sabik na sabik na kitang makikita
1–1 — harap- harapan
Nakasanayan ding ginagamit ng mga Pilipino ang mga panumerong may kahulugan sa English
gaya ng 143 na mula English na” I love You” at 4344 na I love you very much.
7. Pagdaragdag. Iba ito kaysa pagbabaligtad at pagdaragdag dahil ito lang talaga ay pagdarag na sa hanggang ngayon ay natutunan pa ang ibang mga salita. Paglilito ito sa mga hindi nakakaintindi dahil maaring ang salita ay magkakaroon ng pamilyar na anyo na hindi naman ang totoong tinuturing nito gaya sa mga halimbawa na:
malay==malaysia( namamalayan niya)
puti == isputing (nagsuot ng puti)
bata==bataot (bata na nauuto)
8. Pagpapalit-wika o Code Switching. Ito ang paghahalo ng wika sa isang pahayag . Gaya ng mga Pilipino, dahil ang mga Pilipino ay marunong din sa English madalas maihahalo ang English sa wikang nakasanayang ginagamit. Maaring maghalu-halo ang Tagalog at English(Taglish), Cebuano at English, at iba pa. Madalas ginagamit ang code switching sa patalastas, sa kuwentuhan. Tunghayan ang halimbawang ito :
Kaibigan 1: Where na you kanina. I thought hindi kana makarating.
Kaibigan 2: Diyos ko, it was so traffic kaya natatagalan . Nag-rerouting kasi today.
Kaibigan 1: And so here is our multimedia project na. Sana makakuha ito ang matataas
na marka para masasabi nating nagtataglay na tayo ng visual literacy.
D. Antas Bawal. Sa mga Pilipino, may mga salitang hindi dapat bigkasin kaya hinahalinhan lamang ito . Sa panulat ni Garcia et al (2010), ito ay may bahid kultural na tumutukoy o tumutuon sa mga salitang katumbas ng mga bahaging sekswal na relasyon o mga masilang diskusyon. Gaya ng paggamit ng mga salitang itlog, binhi, bulaklak at iba pa. Maaring sa aspektong parental guidance, ang telebisyon ay nagkakaroon ng panuntunang hindi ipaparinig ang mga salitang hindi kaaya-aya sa mga bata kaya sa halip hinahalinhan itong TOOOOTTTTT. Sa tahanan naman, may mga magulang ayaw magpaparinig sa mga anak tungkol sa mga bagay-bagay na sobrang bulgar. Ito ay bahagi lamang sa kulturang Pilipino.
KILALANIN ANG TINUTUKOY NA KAISIPAN
1. Lawas ng mga salita at sistema ng paggamit nito na laganap sa isang sambayanan na may isang tradisyong kultural at pook na tinatahanan.
2. Ito ay bagay nagpapakilala sa isang pangkat ng tao.
3. Ang kasingkahulugan ng wika ayon sa UP Diksyonaryo
4. Makilala ito bilang kakaiba sa istandard na wika
5. Isang anyo ng wika na ginagamit sa partikular na pook o rehiyon
6. Wikang kabilang sa isang tiyak na pangkat.
7. Uri ng wika na may sariling bokabularyo, bigkas, gramatika at idyoma
8. Ito ay diyalekto ng mga Tagabili sa South Cotabato
9. Diyalekto ng Leyte na kahawig sa Bohol at Cebu.
10. Ang wikang ginagamit ng Siasi, Sulu
11. Ang lugar na may diyalektong Hiligaynon
12. Wikang nagpakikilala sa pansariling katangian ng tagapagsalita
13. Wikang kailangan sa pakikisalamuha sa iba na may kaugnayan sa pamumuhay.
14. Wikang dahilan kung bakit ang mga tao ay may iisang paniniwala.
15. Barayti ng wika na batay sa gamit
16. Barayti ng wika na batay sa gumagamit
17. Barayting may espesyal na bokabularyo.
18. Barayting higit na makilala sa sitwasyong sosyal.
19. Mga pabalbal na barayti ng wika
20. Pansamantalang barayti na may kaugnayan sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita.
21. Tumutukoy sa midyum na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
22. Barayti na tumutukoy sa relasyon ng tagapagsalita tungo sa iba.
23. Mga barayting magaganap sa mga sitwasyong kinakailangan.
24. Uring barayti na higit na naglalarawan sa tagapagsalita.
25. Mga dahilan kung bakit may barayti ang wika.
26. Wikang umusbong mula sa iba’t ibang wika.
27. Wikang nabubuo sa pagdaan ng panahon
28. Ito ay maituturing na wikang puro at walang kahalo
29. Wikang produkto sa pakikipagsalamuha sa iba’t ibat lugar
30. Ang wikang ginagamit sa mga taong may iba’t ibang wika upang magkaintindihan
31. Wikang produkto sa pag-aaral at pagsasabatas ng isang bansang malaya.
32. Ang bilang o dami ng pangunahing diyalekto sa Pilipinas
33. Ang kabuang dami o bilang ng mga wikain sa Pilipinas.
34. Taglay sa wikang ito ang bokabularyong mula sa iba’t ibang wika—ngunit ito ay panibagong wika.
35. Ang lingua franca sa Pilipinas.
Mga Dapat Mabatid Hinggil sa Wika
Ang wika, PAGPAPAKAHULUGAN
Isang malaking biyaya ang wika para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsasalita. Dahil sa pagsasalita nagkakaroon ng anyo ang wika. Ang bawat makabuluhang tunog at ang bawat simbolong makahulugan ay nagsisilbing anyo nito. Sa kapangyarihan ng pagsasalita, naipakilala ang kakanyahan ng wika at ang kabuluhan nito sa buhay ng tao. Isang malaking bagay na dapat mabatid ng sinuman, upang lalong mahalin at pahalagahan ang sariling angkin na wika bilang biyaya mula sa Poong Maykapal. Ang wika at pagsasalita ay magkatamabal na katawagan dahil unang nagkaanyo ang wika dahil sa pagsasalita, at ayon kay Sauco et al (2003:19) ang wika at pagsasalita at bahagi at gawain ng tao sa pang-araw-araw na buhay…
Dahil malaking bahagi ng buhay ang wika, natuklasan ng tao ang kanyang kapaligiran na siyang bahagi sa paghubog sa kanyang katauhan. Sa kakayahang pangwika pinag-ugnay-ugnay ang mga taong may iba’t ibang kultura sa iba’t ibang panig ang daigdig. Lumaganap ang kulturang popular, tinatangkilik ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan, umunlad ang pamumuhay, tumaas ang antas ng edukasyon, lumawak ang kaalaman sa iba’t ibang disiplina, lalong umaangat ang mga pamantayan sa serbisyo at produkto, lalong napasalimuot ang batas at politika, natuklasang mahalaga ang paglinang sa sariling kultura upang maging estabilisado ang ekonomiya ng bansa; at, hanggang namamalayan ang konseptong pagsagip sa kalikasan at iba pa. Patunay ito na isang makabuluhang kasangkapan ang wika upang makatarungang mapamahalaan ang lipunan, mapalakas ang pundasyon ng bansa, at magkakaroon ng positibong gawi tungo sa kaunlaran ng sanlibutan. At, ginagamit ang wika sa pagkamit ng mga hangarin at layunin, at pagbabalanse ng mga bagay-bagay mula sa sarili hanggang sa buong pangkat, kaya sa kabanatang ito, nais ipapabatid sa mga estudyante ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa wika nang sa ganun ito ay maging isang hakbang upang magawa nila ang mga hangarin at layunin sa buhay bilang isang butihing mamamayan sa bansa. Ang mga kaalamang ito ay isang susi upang ang isang estudyante ay maging maalam sa mga bagay-bagay sa daigdig na nasasalig sa wikang biyaya bilang kasangkapan sa pakikisalamuha sa kapwa. Inaasahang malinang ang estudyante sa mga kabatiran upang mangyari ang akademikong komunikasyon sa kasong Filipino.
Ang katawagang wika ay mula sa katawagang lengguwahe na mula rin sa salitang-ugat na lingua na ang ibig sabihin ay dila. Ang wika at dila ay magka-ugnay na nangangahulugang ang wika ay nalilikha dahil sa kakayahan ng tao na makapagsaltik-saltik ng kanyang dila. Bilang isang wikang may malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino, ang Wikang Filipino karapat-dapat na naisabatas. Itinalaga ang araling tungkol sa wika saklaw na saklaw sa Filipino 1– Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Pakatandaan nating ang wika ay sumasalamin sa kalinangan ng isang bansa at nagpapakilala sa antas ng karunungan ng tao sa kung paano niya magagampanan ang mga kasanayang pangwika. Ayon kay Henry Gleason (sa Santiago, 19 ?-) ang wika ay masistemang balangkas ng tunog isinaayos sa paraang arbitraryo, ginagamamit sa komunikasyon sa mga taong may iisang kultura. Ang tao at wika ay magkasama dahil sa wika magawang maipapahayag ng tao ang kanyang sarili . Kung ano ang wika mailalarawan ito kung ano nga ba lamang ang naabot ng mga tao sa panahon ngayon. Sa The Philippine Star (April 29,2014), nakatala na dala bisyon ng bansang Tsino na ‘”connectivity” binuksan din ang Silk Road na tanda ng kanilang kasaysayan. Ang kalakarang ito ay maglunsad ang kahalagahan sa pagkatuto ng mga wikang dayuhan, kaya ang Tsina ay patuloy din sa pagtataguyod sa mga estudyanteng papaaralin sa ibang bansa.
Mga Teorya ng Wika
Tinatayang humigit-kumulang isang milyon daang taon(100,000,000) nang bahagi ang wika sa sanlibutan at katuwang sa kabihasnan at kalinangan. Hango sa Microsoft Encarta Premium 2009, batay sa mga wikang ginagamit na may pagkakahawig at nagkakaunawaan , may anim na libong pangkat ng wika ang sinasalita ng tao ngayon sa buong daigdig. Naniniwala ang mga dalubhasa na 90% ng mga umiiral na wika sa taong 1990 ang mawawala sa pagsapit sa katapusang bahagi ng 21 siglo. Ang sampung(10) nangungunang wikang sinasalita sa buong daigdig ay ang mga sumusunod batay sa unang wika o native speakers: (1) Chinese, 1.2 billion; (2) Arabic, 422 million; (3) Hindi, 366 million; (4) English, 341 million; (5) Spanish, 322 to 358 million; (6) Bengali, 207 million; (7) Portuguese, 176 million; (8) Russian, 167 million; (9) Japanese, 125 million; at (10) German, 100 million. Kung batay naman sa pangalawang wika ang pagbabasehan, ang nangungunang pangalawang wikang sinasalita sa buong daigdig ay ang English na umabot ng 508 million ang gumagamit. Pinabulaanan ng maraming dalubhasa na ang sining at ang wika ay nagkabalikat dahil kapwa itong nangangailangan ng kakayahan sa pag-unawa ng mga abstrak na mga kaisipan at mga simbolikong konsepto sa pagpapahiwatig ng mga mensahe tungo sa kapwa na may kaugnayan sa sistemang pangkultura. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay hindi nakilala hanggang sumulpot ang kakayahan sa sining sa mga lumipas na 40,000 taon. Sa kasong ito, ang mga sinaunang tao na tinataguriang homo sapiens ay mayroon ding sariling ipinakitang kakayahan sa sining—ang tinatawag na primitive art ( Ullmann, 2007: 62).
Sa pag-aaral ng wika, naging basehan ang pinagmulan nito at ang pagkapare-pareho nito. Sa aklat ni Santiago (1974) ang wika ay tinutukoy ni Henry Gleason na isang lingguwista, na isang masistemang balangkas ng tunog, isinaayos sa paraang artbitraryo at ginagamit sa komunikasyon sa mga taong may iisang kultura, at sa kanyang pag-aaral may labin-tatlong (13), pangunahing pamilya ng wika mayroon ang buong daigdig. Ang pinamalaking pamilya ay ang Indo-European na siyang kinabibilangan ng English. Nasa ikalawang malaking angkan naman napapabilang ang Tagalog at iba pang mga wikain sa Pilipinas (di kabilang ang wikang Muslim) na tinatawag na Malayo-Polynesian o Austronesian. Ang Austronesian ay nahahati sa dalawang pamilya, ang Formosan na sinasalita sa Taiwan, at ang Malayo-Polynesian na may iba’t ibang na wika na pamilya ng wika sa Micronesia. Ang wika ng Melanesian na malapit ding magkahawig sa Polynesian ng Tahitian, Hawaiian, at Maori.
Sa kanluraning Malayo-Polynesian pagsasalita naman ay ang Malay, Javanese, at Balinesse–na kapwa ginagamit ng Malaysia at Indonesia. Kapamilya rin ng Malayo-Polynesian ang Malagasy sa Madagascar, Chamic na sinasalita ng Vietnam at Cambodia; Tagalog sa Pilipinas. (Austronesian Languages, Encarta 2009) .
A. Teorya Batay sa Bibliya
Ang wika ay bigay ng Diyos, ito ang kabuuang kaisipan sa kuwento o salaysay hango sa Bibliya na mababasa sa bahaging Genesis 11:1-9. Ito ay may kinalaman sa bantog at makasaysayang Torre ng Babel (Tower of Babel). Ang salitang babel ay mula sa wikang Hebrew` na Bābhel at bālā. Bābhel ay ngangahulugan “Babylon” at ang bālā ay nangangahulugan namang “to confuse”. Ang babel o bāb-ili (sa wikang Assyro-Babylonian ) ay nangangahulugang ”gate of God.” Ang kabuuang kasaysayang ito ay nagsimula sa paglalayag ng angkan ni Noah sa loob ng 40 araw at 40 gabi sakay sa arka. Nang matuyo ang lupa ay lumapag sila sa Mt. Ararat ng Turkey . Mula sa nasabing lugar ay nagsilikas ang angkan sa patungo sa bansang Babilonia. At doon ay yumabong ang kanilang pamumuhay at lumawig ang kanilang mga kaalaman hanggang sa kapanahunan ni Haring Nimbrod. Si Haring Nimrod na tinaguriang “the first potentate on earth” and “mighty hunter in the eyes of Yahweh (Gen. 10:8-9), na nagtayo ng toreng aabot hanggang langit upang maabot at mapantayan ang Panginoon, ngunit hindi ito naging kasiya-siya sa Panginoon kaya pinabagsak ng Panginoon ang tore sa pamamagitan ng pag-iba-iba ng mga wikang sinasalita ng bawat isa kaya nangyari ang kalituhan at hindi pagkakaintindihan. Sa pangyayaring iyon, nagkawatak-watak sila at naglalakbay sa iba`t ibang bahagi ng Asya at nagpasimula sa pagpalaganap ng wika sa iba`t ibang panig ng daigdig. Ang kuwentong ito ay nagpapahiwatig sa pag-iba-iba ang wika sa buong daigdig bilang kaparusahan.
B. Teorya ng mga Antropologo. Sa larangan ng antropologo ay pinag-aralan kung paano mamuhay, mag-isip, makibaka, makipag-halubilo ang tao sa kapwa at sa kapaligiran. Sa madaling sabi, naging mahalagang bagay ang pag-aaral tungkol sa kalinangan ng sibilisasyon, at mahalagang bagay ang wika sa isang sibilisasyon. Sa mga panulat nina Antonio, et al (2005), Marquez, Jr & Garcia (2010), at Sauco et al(2003) naririto ang mga sumusunod teoryang ng mga antropologo:
1. Teoryang Bow-wow. Sa teoryang ito ay ipinapalagay na nanggagaya ang mga sinaunang tao sa mga tunog na nalilikha mula sa mga hayop. Ang mga tunog kalikasan ay naging dahilan sa pagkakaimbento ng wika ang mga sinaunang tao. Ang mga tunog kalikasan na ito ay ang mga tunog ng iba’t hayop tulad na lamang sa huni ng ibon, kahol ng aso, ngiyaw ng pusa at iba pa.
Ang mga tunog na naririnig ng mga sinaunang tao ay isang mahalagang pahiwatig upang unawain ang kanilang kalagayan at mga dapat gawin. Maaring kapag may panganib ay maaring sumigaw ang mga sinaunang tao gaya ng atungal ng leon. Maaring dahil sa nasaktan ay sumingaw ang tao kagaya ng sa pusang nasasaktan, at kung ginalit ang isang tao ay aasta itong parang aso. Kaya kung tutuusin ang mga sinaunang tao ay may wikang kagaya ng mga hayop. Sa Pilipinas, may mga wikang katutubo rin na sa pandining natin ay parang tunong ng ibon.
2. Teoryang Dingdong. Lahat ng bagay sa kapaligiran ay nakalilikha ng sariling tunog kapag hinahangin katulad ng langitngit ng kawayan, ang hagibis ng sanga ng mga kahoy kapag hinahangin nnang malakas, ang lagapak ng punong kahoy sa pagbagsak, pagkabiyak ang anumang bagay o bato kapag tinamaan ng kidlat at iba pa. Ang tunog na nagmumula sa mga iyon ang siyang ginagaya ng mga sinaunang tao na sa kalaunan ay nagbabago hanggang sa malapatan nang iba`t ibang kahulugan.Maituturing nito ang langitngit ng kawayan na nngiiiiiik-nnngiiik, at mga kaluskos ng sanga na sssuuuuuu.. at dahon ng punongkahoy kapag hinihipan ng hangin na ppppssssssss.., at mga bagay-bagay ng nabubuwal at tinangay ng hangin na bboooggss…
3. Teoryang Pooh-pooh. Sa hindi sinasadyang pagkakataon mamumutawi sa bibig ng tao ang anumang mayroon sa kanyang damdamin kapag nasasaktan, natuwa, nagugulat, nalulungkot, natatakot, nabibigla o anumang sanhi mula sa masidhing damdamin. Ang mga sambit na yohooo!…, ayaya-ayayayayay!..aguy!. hahhaha!…hehehhhe!..at huhuhuhu ay mga halimbawa nito.
4. Teoryang Yo-he-ho. Ipinapalagay na ang sinaunang wika ay may kinalaman sa indayog ng mga tao nagsasama-sama o sabay-sabay sumisigaw, nagtatawanan, nagtatrabaho at paggamit ng lakas. O kakayahang pangangatawan; halimbawa nito ang pagbubuhat ng isang mabigat na bagay o kaya kapag sumusuntok. Ang mga tunog sa teoryang ito ay nagmumula sa puwersang pisikal ng tao ay dahilan sa paglitaw ng wika. Hindi maiwasan na kapag ginagamit ang lakas o puwersa tungo sa paggawa ng anumang bagay, pagtakbo, pagtulong-tulungan sa anumang gawain, nakipaghabulan, lumundag, tumalon, umakyat sa mga matataas na puno, naghuhukay at iba pa. Sa anumang puwersang ginagamit ay katumbas ang maimbentong tunog na naging anyo ng wika. Kaya ang ooooops…, arrrgggh……aaaaaahhhh ay mga pahiwatig na ginagamit ang puwersa o lakas ng katawan.
5. Teoryang Yum–Yum. Isinasaad sa teoryang ito na ang wika ay mula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay hindi ring maiwasang masambit ang mga tunog at tuluyang naging ganap na wika. Ito ay nagpapahiwatig na ang daigdig ay naiimpluwensyahan ng ritmo at ang ritmo ay naging umpisa sa mga konsepto. Gaya na lamang sa konsepto na ang daigdig ay umiikot sa araw kaya sa siyensya may mga konseptong minuto, oras, araw, at taon. Likas ng tao ang pagkumpas bilang reaksyon sa mga pangyayaring kinasasangkutan, at mula sa pagkumpas sa kalauna’y nakapagbulalas ng tunog. Mula sa mga nakasanayan ng tunog na maibulalas, naimbento ang mga katawagang sumasagisag sa kaisipan, mga bagay at iba pa. Kaya maaaring ang bawat kumpas ay naging basehan sa anumang konsepto ay naging anyo ng wika.
6. Teoryang Ta-ta. Ang teoryang ito ay nagpapahiwatig na ang tiyak na kumpas o galaw ng kamay na ginagawa upang magpaalam at napagumpisahan ang pagbigkas ng tunog na ta-ta. Sa wikang French, ang salitang Ta-ta ay nangangahulugang paalam o goodbye. Ang salitang ta-ta ay binibigkas ng dila na pataas-pababa katulad sa pagkampay ng kamay.
7. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Ang mga sinaunang ritwal na may kinalaman sa pagsayaw, pagsigaw at pagkilos, pagbulong at iba pa tungo sa mga kalahok ay nakakalikha ng tunog at sa kalaunan ay nagiging ganap na wika.
Sa mga kaisipang inilalahad ng mga antropologo hinggil sa pinagmulan ng wika, malinaw itong nagsasaad na ang wika ay produkto ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Ito’y nangangahulugan kung paano nakikibagay ang tao sa kalikasan at sa anumang mga bagay-bagay sa paligid bilang bahagi sa kanyang buhay hanggang tuluyang nakaimbento ng mga palatandaang tunog na nagpabago-bago at umunlad at sa kalaunan ay naging umpisa sa pagkakaroon ng wika. Sa artikulo naman ni Muller(1996) ang wika ay ang perpektong gasa mula sa Panginoon na natural lamang sa sangkatauhan. Ang kaisipang ito ay nakabatay sa paulit-uli na pagsubok kung paano nakapagsalita ang bata na naisasagawa noong ng isang Haring taga-Ehipto, Emperor na Swaban na si Frederic II, ni James IV sa Scotland, at ng isang Mogul na Emperor sa India.
Ang Pinagmulan ng Wika at Wikain sa Pilipinas
Ang kasalukuyang kabihasnan ngayon ay mismong sasagot sa mga katanungang paano umusbong ang wika sa buong daigdig. Ang migrasyon at pananakop ay isang daan upang ang isang wika ay matutunan at maghihiraman sa iba’t ibang pangkat. Ang anumang bagay na kaugnay sa pamumuhay ay higit ring nagtutulak upang mapayabong ang anumang wika at ito’y matutunan ng ninumang tumatangkilik sa mga bagay-bagay na mahalaga sa pamumuhay. Ang pag-iral sa katalinuhan ng tao, ang nagaganap na pagtuklas ng kaalaman at pag-iimbento ng iba’t ibang bagay ay isang uring pangyayari na siyang dahilan sa ebolusyong ng isang wika.
Sa Pilipinas, kung balikan natin ang kasaysayan, maintindihan rin natin ang pinagmulan ng wikang umiiral sa ating kapuluan. Sa anong uring mga pulo mayroon ang dumudugtong sa Pilipinas sa bandang Tawi-tawi at sa Sabah Malaysia ay maaninaw natin kung ano ang hatid nito sa wikang ginagamit ng mga Pilipinong mula sa lipi ng mga Malayo. Maintindihan natin na ang mga wikang katutubo ay dala sa mga unang naninirahan sa ating kapuluan, at ang mga sinaunang tao na iyon ay may pinanggagalingan kasabay na ang wikang ginagamit na hanggang ngayon ay makilala pa. Ang iba’t ibang wika at wikain sa Pilipinas ay nagmula sa tinatawag na Malayo-Polynesian o Austronesian na siyang pangalawang pangkat ng wika sa buong daigdig. Ang Tagalog, Cebuano, Waray, Ilonggo, Ilocano at iba pa ay isang tatak sa iba’t ibang pinaggagalingan ng mga Pilipino. At dito natin makilala ang iba’t ibang uring likas na salita bukod sa hiram at likhang salita. Tinataya na ang mga salitang Filipino ay nakaugat sa Sanskrit na ginagamit ng mga Arabian at Indian na nadala ng mga Malayo sa ating kapuluan. Kaya ang mga salitang likas sa Pilipinas ay kahawig sa mga salitang Malayo. Halimbawa nito ang salitang Bathala na mula sa Bathara na Sankrit, at ang “ako” ay mula sa Malayo na “Akuh” na may iba’t ibang bersiyon sa ng mga Pilipino. Sa pag-aaral ng mga antropologo, dito sa Pilipinas, ang mga salitang likas na nagtatapos ng tunog “t” ay mula sa Sanskrit, at ang nagtatapos ng patinig ay kadalasan ay hango sa Malayo.
ANG KALIKASAN NG MGA PONEMANG FILIPINO
Ang anumang mga katangian ng isang wika ay ang kabuuang estruktura nito. Isa mga katangian ng wikang Tagalog ay ang kung ano ang bigkas, ay ganoon ang pagbaybay at ganoon din ang pagbasa nito. Sinasabi ng isang misyonerong prayle na si Padre Chirino, na ito ay ang pinakaperpektong wika sa buong mundo. Kung ano man ang pagkaperpekto nito ay sadyang mailalarawan kung paano nagkabuklod-buklod ang mga Pilipino nang naisabatas ang pambansang wika na batay sa Tagalog. Sa usaping pagsasabatas tungkol sa pambansang wika, sabay nitong maipalaganap ang mga kaalaman tungkol sa kalikasan ng wikang Filipino ang ating pambansang wika. Sa kabanatang ito ay layuning mababatid ang mga mahahalagagang katangian ng wikang Filipino bilang usapin sa akademikong Filipino. Isa ito sa mahalagang kaalaman sa komunikasyon ang malalaman ang tungkol sa ponema, morpema, sintaksis at diskurso upang lalong mapabisa ang paggamit ng wikang Filipino.


Inilalarawan naman sa paraan ng artikulasyon kung paanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. May anim na paraan ng artikulasa yon ayon sa kaliksan ng pagsasalita ng mga Pilipino:
1..Pasara-ito ang daanan ng hangin na harang na harang (p,t,k, ?,b,d,g )
2..Pailong-lumalabas sa ilong ang hangin hindi sa bibig dahil ito’y nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala, (m,n,n )
3..Pasutsot– ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig ( s,h )
4.Pagilagid– ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa puno ng gilagid ( l ).
5.Pakatal– ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila (r)
6.Malapatinig– kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon .(w,y) sa (w) ay nagkaroon ng glayd o pagkambyo mula sa puntong panlabi-papasok ; samantala, ang (y) ay ang kabaligtaran nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.

Morpema at Pagbuo ng mga Salita
Pansinin ang mga panlapi at ang mga kahulugan nito:




Ang Pagbabagong Morpoponemiko
Sa bawat pagpapahayag ng kaisipan o damdamin, ang anyo ng mga salita ay maaring mabago-bago dahil inaayon ito sa madaliang pagbigkas, at ito ay isang batayan sa wikang pasulat. Sa pangyayaring ito may tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang pagbabago ng anyo ng isang ponema sa isang salita dahil naiimpluwensiyahan ito sa iba pang mga ponemang nakapaligid nito.
Ang mga morpema magbabago ang anyo ngunit hindi nababago ang kahulugan ay tinatawag na alomorp gaya ng pang- na may anyong pam- at pan-; ang tatlong anyo ay alomorp. Ang mga alomorp ay bahagi rin sa pagbabagong morpoponemiko. Sa aklat na ni Alfonso Santiago at Tiangco(2003) may limang(5) uri ng pagbabagong morpoponemiko na asimilasyon, pagpapalit ng ponema, matatesis, pagkakaltas ng ponema at pagpapalit-diin:
A. Asimilasyon. Ito ay ang pagbabagong anyo ng mga panlaping pailong na naiimpluwensyahan ng malapit na mga ponema. Ang asimilasyon ay may dalawang(2) uri, ang asimilasyong parsyal at asimilasyong ganap.
Ang asimilasyong parsyal ay tumutukoy sa tunog ng /ng/ ay maging /m/ o /n/.
pang+ pagtuturo==> pampagtuturo pang+bayad==> pambayad
Pang+dikit ==> pandikit pang+tanim==> pantanim
Ang asimilasyong ganap naman ay nangangahulugang may nawawalang ponema.
pang+tubos=>pantubos=>panubos
pang+sungkit=>pansungkit==>panungkit
pang+tawid=>pantawid=>panawid
pang+tahi=>pantahi==>panahi
Hindi maaring gamitan ng asimilasyon ang mga salitang nakakalito at maghahatid ng kakaibang kahulugan dahil may katulad itong anyo (gaya ng pang+tanim huwag maging pananim , pang+luto ay panluto lamang, huwag maging panuto) dahil may kakaiba ng kahulugan na.
B. Pagpapalit ng Ponema. Ang pagbabagong ito ay kaugnay lamang sa mga ponemang malayang nagpapalitan na /d/==>/r/, /h/==> /n/, at /o/==> /u/. Nagkaroon ng pagbabago dahil sa paglalapi. May mga salita ring nagkakataong napapalitan ang /l/ sa /g/ at ang /ng/ ay mapapalitan ng /n/. Ngunit hindi lahat na salitang–ugat na may /d/ ay magiging /r/ ganoon din ang iba pa. Sa 2009 Gabay, ang mga salitang hiram sa Kastila ay kabilang sa palitan ng ponema na /o/ at /u/ ay /e/ at /i/.
ka– +damay ==> karamay mag-+diwang==>magdiriwang(sa pag-uulit)
kaya+ –han ==> kakayanan(sa pag-uulit) natuto+ –han==> natutunan
balot+ –tin ==> batutin abot+ -an ==>abutan
halik + -an ==> halikan==> hagkan dating + -an==>datingan==>datnan
C. Metatesis. Nangyayari ang pagbabagong ito sa mga ponemang /l/ & /y/ na magpapalitan ng posisyon ng panlaping /n/. Ang /p/&/t/, /m/&/n/, at /l/&/d/ na magpapalitan ng posisyon ng panlaping /n/. Ang /p/&/t/, /m/&/n/, at /l/&/d/ na nagpapalitan ng posisyon. Kaunti lamang ang mga salitang may uring pagbabagong ito.
lakad+-in- =>linakad==> nilakad ligaw+-in- =linigaw==> niligaw
atip+ -an => atipan ==> aptan tanim+ -an=> taniman ==>tamnan silid+ -an => silidan ==> sidlan
D. Pagkakaltas ng Ponema. Ang pagbabagong ito ay pagkawala sa ponemang patinig na nasa hulig pantig ng salitang-ugat. Maraming mga salitang may bagbabagong ito.
sakay + -an ==sakayan==> sakyan tupad + -in ==tupadin ==>tupdin
Sunod + -in==sunudin==>sundin sakay + -an==sakayan==>sakyan
E. Paglilipat-diin. Ang diin ay isang ponemang suprasegmental, ngunit ito ay mahalaga upang matiyak ang kahulugan ng isang salita. Sa paglipat ng diin ng isang salita maaring magbabago ang kahulugan nito.
sanay + pag- ===>pagsasanay lapag + pa- ===>palapag
hiyas + -an ===> hiyasan alab + -an ===> alaban
KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis”, ang salitang “komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang katawagang pakikipagtalastasan. Ang communis ay nangangahulugang panlahat.
· Ipinahayag naman ni Webster, ang komunikasyon ay ang pagpapahayag ng mga saloobin na siyang ginagawa sa pasulat man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taongahat o para sa lahat.
Ang wika ang siyang tanging sandata o susi upang maisakatuparan ang anumang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.Nagiging kasangkapan ito upang maiparating ang anumang saloobin o ideya sa pamamagitan ng komunikasyon. Upang mabatid ang kahulugan ng komunikasyon, naririto ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga manunulat tungkol sa komunikasyon. Ang mga ito ang magbibigay sa atin ng linaw kung ano nga ba ang papel na ginagampanan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao at ano ang kaugnayan ng wika sa makapangyarihang salitang ito.
· Ayon kina Lorenzo et al. (sa Pagkalinawan, 2004:3), ang komunikasyon ay ang pagbibigayan ng mga ideya na kinapapalooban ng tagapagsalita,tagapakinig at ang pag-unawa.Ang tatlong sangkap ay siyang napakahalaga upang maisakatuparan ang paghahatiran ng mga ideya sa dalawa hindi maaaring mawala ang isa sa kanila sapagkat walang komunikasyong magaganap.
nagkalayo at nagagawang bigkisin ang mga damdaming magkahiwalay.
· Nagpapahayag at nagpapalitan ng ideya, opinyon, o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas ayon sa American College Dictionary ni Barnhart. Naipapalabas ng tao ang anumang maganda at masamang saloobin na maaaring makapagpapagaan ng kanyang loob. Naibababahagi niya sa iba ang anumang karunungan o kaalaman na kanyang napulot mula sa kanyang pagmamasid at pakikipag-uugnayan sa kanyang kapaligiran.
· Halaw sa artikulong Process of Communication(2012), ang komunikasyon ay isang proseso sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe na may layuning makapag-eenganyo ng impormasyon.
Sa kabuuan ang komunikasyon ay kabahagi na sa buhay ng tao, walang araw at walang oras na hindi nakipag-ugnayan ang tao sa kanyang kapwa. Naging maunlad ang kanyang buhay sa larangan ng karunungan dahil sa komunikasyon.Malaking panahon ang ginugugol ng isang tao sa pakikipagtalastasan sa lahat ng sitwasyon siya ay nagpapaliwanag,naglalarawan, nagsasalaysay nagtatanong, nag-uutos, at nagpapahayag ng damdamin at dahil dito,nararapat na matutunan ang mabisang pakikipagkomunikasyon upang ganap na magkakaunawaan ang dalawang panig na nag-uusap ang tagapakinig at tagapagsalita. Ito ang komunikasyong berbal. Subalit hindi naman maiiwasan na ang mensahe ay puwedeng maipapaabot sa paraang di-berbal, kaya sa bawat pagkikisalamuha at pakikipag-interaksyon ay kasabay mangyari ang komunikasyong berbal at di-berbal. Ginagawa sa dalawang paraan ang komunikasyon: berbal at di-Berbal. Madaling makikilala ang pagkakaiba ng dalawang uri ng komunikasyon. Ang Komunikasyon berbal ay tumutukoy sa lahat ng uri ng nasusulat at sinasalita gamit ang wika samantalang ang di-berbal naman ay tumutugon sa lahat ng aspetong hindi ginagamitan ng mga salita.
Napakahalaga nga ng komunikasyon saan mang dako ng ating buhay. Nagiging kasangkapan ang pakikipagkumonikasyon upang mapaunlad ang isang lipunan o pamayanan. Maraming sitwasyon o pangyayari sa ating lipunan kung saan makikita ang kahalagahan ng komunikasyon. Sa bahay, tanggapan, simbahan, palengke,paaralan at iba pa. Sa bahay napakahalaga ng komunikasyon sa mag-anak —-ang mga magulang at ang mga anak ay dapat magkaroon ng malayang komunikasyon upang maiwasan ang hidwaan sa isa’t isa. Sa tanggapan kailangan ang pagkakaroon ng komunikasyon dahil ito lamang ang susi upang maging maganda ang pakikitungo sa bawat isa sa loob paggawaan at matagumpay din ang anumang adhikain na gustong abutin dahil sa komunikasyon. Sa lahat din ng negosyo ay kailangan ang komunikasyon sapagkat walang magaganap na pagbibilihan kung hindi magkakaunawaan ang negosyante ay ang kanyang mamimili. Sa anumang uring layunin sa pakikipagkomunikasyon magaganap din ang iba’t ibang tipong komunikasyon, uring intrapersonal (komunikasyon na isa lamang ang kasangkot), interpersonal(komunikasyong kasangkot ang dalawa o higit pang tao), pang-organisasyon, pangmasa, pangkultura, at iba pa. Sa anumang uring komunikasyon ay mangyari din ang pagiging pormal at impormal na komunikasyon. Ang anumang layunin sa komunikasyon ay batayan din sa anumang uring komunikasyon ang magaganap.
Komunikasyong Berbal

Sa pag-aaral ni Dell Hymes, ang akronim na SPEAKING ay iniugnay niya sa mga component ng komunikasyon na nagbibigay-tuon sa komunikasyong pasalita— speech events at speech acts na nakapaloob sa kontekstong kultural (Resuma et al, 2002) ang component na ito ay nagsasaad na mga dapat isaalang-alan upang maging epektibo ang pakikipagkomunikasyon pasalita-pakikinig.
S – Setting (Saan nag-uusap?)Sa pag-uusap ay dapat isaalang-alang ang lugar o pook kung saan nangyayari ang pag-uusap nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan,uri ng pananalita at paksa na ginagamit depende sa lokasyong ginagamit. Halimbawa: Sa loob ng palengke hindi maiiwasan na maingay ang usapan dahil sa may iba’t ibang layunin ang bawat taong naroon katulad ng mga tendera sumisigaw upang mabinta ang kanyang paninda gayundin ang mamimili na nakipagtawaran sa tendera.
P – Participants ( Sino ang kausap,nag-uusap?) ag-uusap ang tagapagsalita at tagapakinig. Ang kanyang pagkatao ay mahalagang salik sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang kausap. Ang mahalaga rito ay malaman natin ang interaksyon na nangingibabaw sa pagitan ng nag-uusap sa kausap sa dahilang makaapekto ang indibidwal na panlasa ng dalawang pangkat. Halimbawa: usapan ng magkakaibigan o kaya’y usapan ng isang ina sa kanyang anak.
E – Ends (Ano ang layon ng usapan?). Ang layunin ng interaksyon ang siyang binibigyang pansin at nais makamtan ng pakikipagkomunikasyon. Halimbawa: pakikinig ng mga estudyante sa gurong nagtatalakay sa loob ng silid-aralan.
A – Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?) .Sa puntong ito pinag-usapan ang paraan ng paghatid ng usapan. Halimbawa: Isang galit na kaibigan ang sumalubong kay Rhea at pasigaw na sinabi ang narinig niya sa iba pa nilang kaibigan.Maya-maya ay naging mahinahon na ang dalawang panig nang magpaliwanag si Rhea sa narinig ng kanyang kaibigan.
K – Keys ( Istilo o speech register? Pormal ba o Di pormal?). Ito ay inangkop sa sitwasyon, layunin, pook,oras o lokasyon at higit sa lahat ang uri ng participants. Halimbawa: Sa palengke, maaaring magsisigawan ang mga tinder at kostumer ngunit di ito puwede sa loob ng klasrum o sa simbahan.
I – Instrumentalities ( Pasalita ba o Pasulat?). Ang psgpapahayag ng kaisipan sa component na ito, isaalang-alang ang mga sumusunod: kalagayan o sitwasyon, layunin, kagustuhan ng mga taong nakikipagkomunikasyon, ang mga taong tumatanggap ng mensahe. Halimbawa: Kung nasa malayo ang nag-uusap maaaring sulatan o gumamit ng cellphone habang puwede mo naman siyang kausapin kapag kaharap mo ito.
N – Norms ( Ano ang paksa ng pag-uusap?). Ang paksa ay nagdedepende sa layunin, panlasa, interes o kagustuhan ng nag-uusap. Halimbawa: Ang paksa ng mga kabataan ay naayon sa mga pambatang mga bagay kumpara sa mga paksa ng mga matatanda.
G – Genre ( Uri ng pagpapahayag). Tumutukoy ito sa kung anong uri pagpapahayag kanyang ginagamit ito’y naaayon sa kanyang layunin maaari siyang magsalaysay, mangatwiran, maglarawan, manghikayat o kaya maglahad. Halimbawa: Paglalarawan ang gamitin kapag nagsabi sa katangian tungkol sa nakitang bagay, lugar, tao o pangyayari.
Natutukoy naman ni Gordon Wells (1981) ang tungkulin ng pagsasalita sa komunikasyon na katulad din sa mga kaisipan M. A. K. Halliday at Dell Hymes tinatalakay sa nauunang kabanata, ang TUNGKULIN at GAMIT NG WIKA. Sa mga tungkuling ito, ipinahiwatig na ang wika ay natatanging midyum sa komunikasyon at nagkakaroon ito ng halaga na hindi rin makikita sa iba pang paraan. Sa kaisipang ito ang anumang tungkuling at gamit ng wika ay maiimpluwensyahan rin sa ipinapaliwanang na kaisipan sa akronim na SPEAKING.
ANG KOMUNIKASYON Di-BERBAL
Ang di-berbal na komunikasyon naman ay ginagamitan ng mga galaw o kilos ng katawan, ekspresyon ng mukha gaya ng pagngiti, pagsimangot,pagtango,pag-iiling,pagngiwi; ang paggalaw ng mata gaya ng pagkindat,pagtaas ng kilay,pagkulubot ng noo ay siyang ginagamit din upang maihatid natin ang gusto nating iparating. Berbal man o di-berbal na komunikasyon ay kailangan maging malinaw ang paggamit nito upang matugunan ito ng maayos ng kausap.Sa pakikipagkomunikasyon gumagamit tayo ng wika upang maipahayag ang mga ideya na nais ipahatid ng nagsasalita sinasabayan naman ito ng mga kilos at galaw ng katawan upang mas mabigyan diin ang mensahe ng nasabing ideyang ibinigay. Mapapansing hindi sapat ang wika dahil palaging ginagamit ang komunikasyong di-berbal at sinasabi makapangyarihan ito kaysa komunikasyong berbal .Maraming mga bagay at mensahe ang naihahatid sa pamamagitan ng komunikasyon di-berbal at may mga mensahing higit na nauunawaan nang hindi kailangan ang mga salita. Malimit madaling makakaunawaan ang mga tao gamit ang mga cue dahil ang mag taong nasa isang pangkat ay pagkakahawig ng kawilihan na ayon pa man ni Pentland(2012) na ito’y awtomatik na mangyari dahil sa ating pag-iisp.
Kaugnay din dito sa binanggit ni Albert Mebrabian ang kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon ay nahahati sa tatlo(3): 55% -kilos at galaw ng katawan, 33% -tono, at 7% –mga salitang ginagamit.. Maituturing na ang totoong lenggwahe ay ang kilos o gawi dahil sinasabing “action speaks louder than words”, wika nga. Bawat galaw ng tao ay maglalantad o magpapakita ng kanyang totoong ugali at damdamin. Kadalasan sa pakikipagkomunikasyon ay di-verbal. Malimit itong nagpapakitas a totoong nararamdaman ng tao kaysa kanayang sinasabi (Leyson,2008,82). Naririto ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal:
1. Dactytology (sign language). Panghalili na galaw para sa mga salita, bilang at manwal na alpabeto.
2. Kinetik na kilos o gawi. Paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga kilos at galaw ng katawan . Ang galaw ng katawan , kumpas, ekspresyong ipinapahiwatig ng mukha ay sumasalamin sa ugali, disposisyon, pati na ang pandaraya at pagsisinungaling. Ang ekspresyong ipinahiwatig ng mukha ay sinasabing pinakamadaling sukatan ng emosyon at nadarama ng tao (kaligayahan, kabiguan, pangungulila, pagkatakot, pagkainis, pagkagulat, atb.) Ang ayos ng katawan naman ay nagpapahiwatig din ng iba’t ibang kahulugan gaya ng paghukot o pagtikas ng balikat. Ang galaw ng mga kamay, braso at paa ay naghahatid din ng mensahe ng panturo, pagkukuyom, pagbabagsak, pagbubukas ng palad, atb.
3. Paralanguage. Pagpapahiwatig sa mensahe gamit ang tunog na ating naririnig, kalidad ng boses, pagtawa, paghikab, volyum (lakas at hina), tono (taas o baba), bilis na sumasalamin sa personalidad, level ng pinag – aralan, at pag-uugali.
4. Espasyo ( Proxemics). Ito mensahe sa pamamagitan sa distansya at ayos ng espasyo, may kinalaman ito sa espasyo ng mga tao sa pang- araw–araw na interaksyon. Ang espasyo ay nagpakilala sa relasyon ng nagsasalita sa kaharap o kausap. Ang espasyo ay may iba’t ibang pakahulugan: (a) mga tiyak na katangian – estruktura ng mga bayan at lungsod, (b) malatiyak na katangian ng espasyo – patern na naghihiwalay sa mga tao (sociofugal spaces) o naghahati sa mga tao ( sociopetal spaces); at (c) impormal na katangian – masalimuot na pagpapalagayang-loob, istatus at pagkukusang makipag-interaksyon.
5. Haptics. Komumikasyong ginagamit ang paghipo sa pakikipagkomunikasyon na may kahulugang sa pagpapadama ng iba’t ibang damdamin sa tulong ng paghawak, sa kausap at sa pagpapahatid ng mensahe gaya ng paghawak ng kamay, pindot, tapik, pisil, haplos at hipo.
6. Panlabas na kaayuan at kasuotan. Ang kaanyuan at kasuotan ay makapagbigay ng empresyon hinggil sa isang tao. Ang kulay ay nagpapahiwatig din ng damdamin gaya ng damit na itim o puti, bandilang pula, dilaw na tali sa noo, kulat ng traffic lights (berde, dilaw,pula).
7. Simbolo. Ito ay tumutukoy sa mga nakikitang simbolo o icons sa ating paligid na nagpapahiwatig din ng mensahe na makikita natin gaya ng pambabae o panlalaki sa pintuan ng palikuran, bawal manigarilyo, may kapansanan, botelya ng lason, reseta ng doctor, mga tanggapan at iba pa.
Mga sangkap ng komunikasyon
Ang komunikasyon isang proseso at sa prosesong ito ay may mga sangkap. Naririto ang anim (6) na sangkap sa proseso ng komunikasyon at ang kakanyahan nito:
1. Ang Nagpapadala ng Mensahe . Maaring isa o pangkat ng mga tao na pinagmulan ng mensahe o tagapagbukas ng usapan. Sa kanya nagmula ang laman ng usapan maaaring siya’y bumabati, nagpakilala, nagpapaliwanag, naglalarawan, nagkukuwento atbp.
2. Mensahe. Ito ay ang kaisipan o ideya na ibinigay ng dalawang panig na kasangkot sa pag-uusap. Maaari itong berbal o di-berbal na mensahe upang mas mabigyan ng diin ang paghahatid ng mensahe ay sinasamahan ito ng paggamit ng mga kumpas ng kamay ekspresyon ng mukha at ibang senyales bukod sa paggamit ng wika.
3. Tagatanggap ng Mensahe. Tumutukoy ito sa taong binibigyan o pinapadalhan ng nasabing mensahe. Sa madaling salita siya ang magde-decode —ang pagpapakahulugan. Nakasalalay sa pag-unawa ang tugon sa kanyang natanggap na mensahe ayon sa kanyang layunin sa pagtanggap nito at ang kanyang kaalaman sa naturang mensahe.
4. Daluyan ng Mensahe o Tsanel. May dalawang kategoriya ng mga daluyan ng mensahe — ay ang daluyang sensori ito ay ang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, pandama at panlasa bilang paraan sa paghahatid ng mensahe, at daluyang institusyunal ay tumutukoy sa mga bagay gaya ng papel bilang sulatant, telegram, mga kagamitang pang elektroniko katulad ng kompyuter, cellphone, e-mail, fax machine atpb. (Bernales,2009,162)
5. Tugon . Ang ganting mensahe mula sa tagatanggap. Ito rin ay ang panibagong mensahe. Ang tugon ay maaring tuwiran, di-tuwiran at naantala. Ang iba’t ibang tsanel ay basehan kung anong uring tugon ang mangyari. ang tuwirang tugon ito ay nangyayari kung kailan nagaganap ang pag-uusap ginagamitan ito ng mga salita o mga pahayag o ideya patungkol sa paksang pinag-uusapan, dito napapaloob ang berbal na komunikasyon. Ikalawa ay di – tuwirang tugon, ginagamitan naman ito ng kumpas ng kamay,pagtango,pagtaas ng kilay, pag-iling, pagkaway ng kamay at ekspresyon ng mukha. Hindi ito maaaring mabisa kompara sa tuwirang tugon dahil maaaring magkaroon ng iba’t ibang enterpretasyon ang taong hinahatiran nito. Ang ikatlo ay ang naantalang tugon may mga tugon na nangangailangan ng mataas na panahon o sandali upang maibigay ito katulad ng pagpapadala ng sulat, resulta ng isang pasulit o pagsusuri
6. Mga Potensyal na Sagabal. Naiimpluwensyahan ng mga bagay o sitwasyon ang pakikipagkomumnikasyon at ito rin ay magdulto ng mga sagabal. Nauuri sa apat ang mga potensyal na sagabal:
1. Pisikal na Sagabal – kabilang dito ang ingay ng mga sasakyan, mga taong nagsisigawan sa loob ng palengke. Maaaring mga sitwasyon na dulot ng kalikasan gaya ng maalinsangang panahon,masyadong malamig na temperatura, hindi komportable sa kina-uupuan o kinatatayuan, masyadong maliwanag o madilim na lugar.Ang lahat ng ito ay maaaring nakapagdudulot ng sagabal sa komunikasyon.
2. Sikolohikal na Sagabal – ito ay mga bagay na nakakaapekto sa gawi at pag-iisip sa tagapagpapadala at tagatanggap ng mensahe katulad ng kinalakhang lipunan, pinag-aralan, mga nakagawiang paniniwala o kultura na nakapagdudulot ng biases sa pakikipag-usap.
3. Pisyolohikal na Sagabal. Ito’y mga sagabal na matatagpuan sa katauhan ng dalawang panig na kasangkot sa pakikipagkomunikasyon ang tagapagpapadala ng mensahe o sa tagatanggap ng mensahe. Ang kondisyon ng kanyang pangangatawan katulad ng suliranin sa paningin,pandinig o sa pagsasalita at ang mga iniindang sakit ay maaari ding makakasagabal.
4. Semantikang Sagabal. Ito ay matatagpuan sa mga pahayag o pangungusap na ginagawa ang pagpapakahulugan sa mga ito ay maaaring makapagbigay sagabal. Sa pagbuo ng mga pangungusap ay maaaring magtaglay ito ng tuwiran at di-tuwirang kahulugan. Ang hindi pagkakaunawa ng mensahe na dulot sa kakulangan sa bokabularyo ay semantikang sagabal.
Ang katagumpayan ng komunikasyon ay nakasalalay sa daluyan na pinili may angkop na daluyan na maaaring gamitin depende sa pag-uusap katulad na lamang sa isang seminar hindi puweding gamitan lamang ng boses ang nasabing pag-uusap gayong maraming nakikinig kailangan itong gamitan ng mikropono upang maging malinaw ang mensahing darating sa tainga ng tagapakinig kung pagsasabi naman ng isang sekreto kailangan lamang ang gumamit mahinang boses upang mapanatili ang nasabing mensahe.
MGA KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON
1. Pakikinig
Ang pakikinig ay katumbas ng listening, samantala ang pandinig ay katumbas din ng hearing. Likas na kakayahan ang pandinig dahil ang tainga natin bilang bahagi ng ating katawan ay palaging nakabukas hangga’t wala itong problema. Nang binhiin ang sanggol at unti-unti tumutubo ang bawat bahagi ng katawan hanggang nakompleto ang bahaging tainga, umpisa na itong may kakayahang pandinig. Sinasabi ring ang sinumang namamatay ay may kakayahan pang makikinig. Ganoon na lamang ang kabuluhan ng pakinig. Sa ganitong pagkakataon, ang pakikinig ay isang susi sa pagkakatuto at dapat itong linangin. Isang mahalagang kakayahan upang matamo ang pang-akademikong kasanayan sa paggamit ng ng wikang Filipino.
Sa pamamagitan ng ating tainga na may auditory nerves na siyang nagdadala ng mga senyales patungo sa utak ay maipo-proseso ang anumang mga tunog na siyang bigyang kahulugan ng ating pag-iisip gamit ang ating natutunan. Sa ganitong proseso, ang pakikinig ay hindi mangyari kapag walang tainga na siyang dahilan sa kakayahang pandinig. Ang anumang nakasanayan nating gawain araw-araw at kung anumang urang kapaligiran ang ginagalawan, ito ang nagsisilbing humubog sa ating gawi at kakayahan sa pakikinig. Dahil sa hindi lahat na mga sitwasyon ay kaaya-aya sa pakikinig at hindi lahat mapakingkan ay kapaki-pakinabang sa ating katauhan, ang ating pakikinig ay nangangailanga ng disiplina. Ito ay ang sumasaklaw sa disiplinang pisikal at pangkaisipan. At upang matamo ito, kailangan ding pag-ingatan ang ating mga tainga.
Matiyak natin ang isang tao kung talagang nakikinig sa anumang mga impormasyon o mahalagang kaganapan sa paligid sa maraming paraan. Sa pakikipagkomunikasyon, ang isang tao ay nakikinig kung kaya niyang masabi uli ang sinasabi ng kausap, kaya niyang mahulaan ang mga nawawalang mga salita o kaisipan, kaya niyang mabubuo uli ang mga kaisipang nauunawaan at masabi ito uli sa kausap. O kaya naman, kung talagang nakikinig ang tao, kaya niyang magampanan ang kinakailangang tugon.
Sa paaalan, kailangan ang pakikinig ng mga diskusyon at mga tagubilin hinggil sa kalakarang pagtamo sa mga pangangailangag akademiko. Sa ganitong kalagayan, inaasahan na ang bawat estudyante ay may kakayahang makinig at magtanda. Ang pagtanda ay isa sa mga yugto sa proseso ng pakiking. Sa Mangahis et al(2005) ang proseso sa pakikinig ay:

Ang pakikinig ay ang prosesong may malaking impluwensiya sa pag-unawa at pagtugon. Ang pakikinig ay isang dahilan kung bakit kailangan ang komunikasyong pasalita—upang makuha ng tagapagsalita ang atensyon ng mga tagapakinig. Halimbawa nito sa pagpupulong, seminar, forum, argumento, at mga talakayan sa silid-aralan. Ito ang kaganapang prosesong transaksyunal sa pakikinig. Sa ganitong prosesong ay magaganap ang mismong pagtugon sa paraang pasalita o tugong di-berbal. Sa uring prosesong ito, kailangan ang disiplinang pangkaisipan o komprehensyon.
Ang pakikinig ay prosesong interpretasyon. Mula sa tunog na napakinggan, kailangan itong bigyang interpretasyon. Sa kasong tunog ng wika o pagsasalita, ang interpretasyon nito ay may iba’t ibang uri—interpretasyon sa intonasyon ng pagsasalita, interpretasyon ng mensahe, at interpretasyon sa imosyonal na katangian ng tagapagsalita. Bilang proseso, ang pakikinig ay hindi magaganap kung walang tagapagsalita. Ang prosesong ito ay puwedeng matingnan bilang magkakabit na proseso—pagsasalita at pakikinig. Ito ang tinatawag na oracy. Ang prosesong ito ay nagmula sa tagapagsalita patungo sa tagapakinig na pabalik-balik.
Mga Salik sa Pakikinig
Maraming manunulat ang naglalahad na ang , lugar, oras, tsanel, edad, kasarian, kultura, kaalaman, at gawi ng tagapagsalita ay mga salik sa pakikinig. Sa Bernales et al(2002), ang mga ito ay nakaimpluwesiya at mga sagabal sa pakikinig. Ang pag-alam sa mga ito ay nakakatulong upang mapabisa ang pakikipagkumunukasyon at mapanatili ang mga kalakasan sa pagkikinig.
1.Lugar. Ang lugar ay puwedeng tahimik, malalawak at kaaya-aya. Sa sitwasyong ito ang sinuman ay magkakaroong ng positibong kondisyon sa pakikinig.
2. Oras. May mga oras na ganadong-ganado ang isang tao at may kapasidad sa pagkikipag-interaksyon. Kapag nasa tamang oras ang pakikinig tiyak , kapakipakinabang ito at magbunga ng magandang pangyayari.
2.Tsanel. Maaring nakaaapekto ang kaparaanan sa pagpapadala ng mensahe na maaaring may kinalaman sa tagapagsalita o kaya’y mga bagay na ginagamit sa pagsasalita. Kapag aktwal na nagsasalita ang pinakinggan na may katamtaman boses madali itong mauunawaan, at sa parehong kalagayan ang sinumang gumagamit ng mikropono na may mabuting kalidad ay malinaw pakinggan. Ang mikropono ay halimbawang tsanel.
3.Edad. Magkaibang interes ang mga taong may agwat sa edad. Ang bata at ang matanda ay hindi magkakaroon na katulad ang kapasidad sa pag-iisip. Ang bata pa ay hindi masyadong makaunawa sa mga komplikadong kaisipan kaysa matanda na. Nagtataglay din ng mataas na EQ ang nasa katamtamang edad kaysa bata pa.
4.Kasarian. Ang babae at lalaki ay magkaiba ng iteres. Maaring ang tungkol sa larong boxing,, paglalaro ng basketball, at iba pang mapuwersang gawainay mahuhumalingan ng mga lalaki kaysa babae. Ang tungkol naman emosyon, kagandahan, pag-ibig ay maaring lalong kahuhumalingan ng mga babae. Ang tungkol naman sa mga kaguwapuhan at pagtatanghal ay maaring lalong nagbigay kawilihan ng mga bakla. Magkaiba ang hilig ng lalaking-lalaki at ang lalaking bakla.
5.Kultura. Kahit iisang bansa lamang napapabilang ang mga Pilipino, may iba-iba pa rin kulturang kinagisnan. Sa pakikinig, ang kulturang may kinalaman sa wika at intonasyon sa pagsasalita ay may malaking dulot sa komunikasyon. Ang kultura ay dahilan kung bakit magkaiba ang pag-unawa at gawing maipapakita sa pakikinig.
6.Kaalaman. Dito masusukat ang karunungang taglay ng bawat isa dala nito sa iba’t ibang pag-aaral at karanasan. Ang anumang kaalaman ay naghahatid sa madaliang pag-unawa sa mga napakinggan sa mga aspektong pang-impormasyon. Ang nakapag-aral ng pormal ay tiyak maraming napag-alaman, at updated rin sa kaalaman at pagbabago ang taong expose sa iba’t ibang sitwasyon at transaksyon.
7.Gawi ng tagapagsalita. Sa anumang kaganapang nangangailangan ng pakikinig, may malaking kinalaman ang sinumang nagsasalita. Ang may malinaw na boses, ang tuloy-tuloy magsalita, at ang magtatalakay ng mga impormasyon tumutugon sa kapakanan at kawilihan ng nakararami ay siyempre makakuha ng atensyon ng tagapakinig. Isang kapangyarihan ang boses na nakakaenganyo at maganda sa pandinig at nagtataglay ng unique na katangian. Si Jessica Sojo, Kara David, Korina Sanchez at iba pang mga batid sa pamamahayag ay may taglay nito.
At, ano nga ba ang iyong pansariling gawi sa pakikinig?
Layunin ng Pakikinig
Sa Bernales et al(2002:147), at Mangahis et al (2005:179) inilalahad ang antas at uri ng pakikinig na nagpapahiwatig tungkol sa layunin ng pakikinig. Ang uri ng pakikinig na may mga layunin ay itatalakay sa aklat na ito, at ito ang mga sumusunod:
Sa layuning pang-aliw, pinagtuunan dito ang paghanga, at pagdama sa kagandahan ng anumang kaisipan upang magkakaroon ng matugunan ang pangkasiyahang pangangailangan. Halimbawa nito ang pakikinig ng paboritong musika, pakikinig ng drama at iba pa.
At, ang pakikinig ng balita, pakikinig ng mga diskusyon tungkol sa mga kaganapang panlipunan, at pakikinig ng talakayan sa klase at iba pang pang-akademikong pagtitipon ay halimbawa sa layuning pangkaalamang mapakinabangan. Ito ay isang uring kritikal na pakikinig kung saan ang mga kaalamang natutunan ay naglalarawan sa mga penoma sa kapaligiran.
May mga pakikinig na mapanuri naman na naglalayuning ang pangtuklas ng mga kaisipan na maaaring hindi pa lingid sa iba. May mga panahong masusuri ang mga impormasyon—totoo ba o hindi, ano ang impact nito sa mga natatamaan, suriin kung gaano ka balido ang mga argumento at mga katibayan, ano ang mga pinagbabatayan sa paglalahad ng mga kaisipan, o makatuwiran ba ang mga pahayag.
Samantala, ang layuning makabuo ng bagong konsepto ay ang pakikinig na makapagbuo ng implikasyon—-ibig sabihin upang direktang maiaplay ito sa sariling sitwasyon. Isa iton uring paggamit sa mga kaalamang natutunan. Mahalaga ang uring pakikinig na ito dahil makikita palagi ng tagapakinig ang sariling katayuan mula sa mga ideyang napag-alaman, natuklasan, nahahangaan at iba pa.
Ngunit, sa anumang uring pakikinig hindi pa rin maiiwasan ang paggamit nito para sa sariling pag-unawa—-ito ay ang layuning pangsikolohikal. Pinagtuunan nitong pansin ang anumang mga sitwasyon at kaisipang maaring hindi madaling maibahagi sa iba. Maaring sa pakikinig nito ay maunawaan nang mabuti ang sariling ikinikilos, ang sariling pag-unawa, at sariling kakayahan sa pagkikisalamuha at lalong lalo ang pakikipagrelasyon ng tao sa kanyang Tagapaglikha, at isa mga dasal ni St. Francis of Asisi “God, speak to my heart and I will listen”.
Sa kabilang banda, kakaibang layunin ang pampalipas-oras, dahil sa mga pagkakataong nagbibiyahe at hinihintay kung kailan aabot sa destinasyon talagang mangyayari ito. Sa ganitong uring pakikinig binibigyang tuon ang pagkakontento ng sarili upang hindi mababagot lalo sa mga hindi mapakali kung walang gagawin. Sa ganitong paraan ay mapalagay ang sinuman sa mabawas ang pagkakaroon ng axiety. Ito ay pakikinig na impormal.
Mga kaaya-ayang Gawi Bilang Isang Tagapakinig
Isang tatak ng pagka-Pilipino ang pagiging mapipitagan ito ay nakakatulong upang matugunan natin ang likas na kagustuhan ng tao na mapakinggan. May mahiwagang hatid ang mapakinggan ang kaiispan ng bawat isa. Maaring magbibigay ito ng isang malaking kasiyahan at mapanatag ang sarili. Ang pakikinig ay isang susi sa kapayapaan. Hindi lamang ito pang-akademikong kakayahan. Halaw sa Tumangan Sr. (2000: 76), naririto ang mga kaaya-ayang gawi sa bilang tagapakinig sa harap-harapang sitwasyon:
1. Kilalanin ang mga salita upang matiyak ang pagpapakahulugan nito
2. Makipagtulungan sa kausap sa paglilinaw ng mga mensaheng nais ipaabot.
3. Unawain muna ang kabuuang impormasyon bago maghahatol o magpapasya
4. Kontrolin ang sarili tungo sa mga tugong pang-emosyunal
5. Lalong pagtuunan ang mensahe
6. Unawain ang estruktua ng mensahe
7. Hintaying matapos ang tagapagsalita bago magbigay tugon.
Sa tahanan, sa trabaho, sa simbahan at saanmang lugar at sitwasyon mahalaga ang pakikinig. Sa tahanan, ang pakikinig ay susi sa pagkaiintindiha. Sa trabaho naman, ang pakikinig ay iwas sa mga kamalian at gabay sa maayos at epektibong pangkalahatang kakayahan. Sa simbahan, ang pakikinig ay susi sa pag-alam ng mga mabubuting gawi at kaasalan tungo sa tao at pagpapatibay sa pananampalataya, at sa paaralan, ang pakikinig ay isang paraan upang makakuha ng mataas na marka sa class standing at higit sa lahat umaani ng pagkakatuto. At, sa komunikasyong akademikong Filipino, ang pakikinig ay susi upang lumalawak ang kaalaman tungkol sa paggamit ng wikang Filipino upang matamo ang tama at mabisang komunikasyon.
2. Pagsasalita
Ang pagsasalita ay kilos o paraan ng pagbikas ng salita at pangungusap at pagbigkas ng talumpati (UP Diksyonaryo 2010) at ito ay sa layuning mapakinggan. Sa akademiko, isang matinding layunin ang mahubog ang mga estudyante tungo sa kritikal na tagapagsalita. Ang pag-uulat, ang pagtatanghal at iba pang gawaing pagkakatutuo ay mga paraan upang matamo ng bawat estudyante ang kasanayan upang sa darating na araw maging epektibo sa transaksyonal at interaksyonal na komunikasyong berbal. Ang mga pormal na gawaing pangkomunikasyon ay sukatan sa mabisang pagsasalita gaya ng seminar, forum, panayam at iba pa. Upang hindi malayong makamit ang pagiging mahusay na tagapagsalita ay kailangang magsanay at palakasin ang mga angking kasangkapan sa pagsasalitang transaksyonal at interaskyonal. Pantay-pantay ang lahat na taong walang kapansanan sa kasangkapan ng pagsasalita ang tinig, tindig, galaw, at kumpas ng kamay upang lalong mapabisa ang pagsasalita. Ang tinig ay nakakaenganyo sa mga tagapakinig. Maaring dahil sa tinig lalong mabibigyang diin ang mga mahalagang kaisipan at magtataglay ng kakintalan. Kailangan ding kontrolin ang tinig na naaayon sa dami at katangiang ng tagapakinig. Sa tindig naman ay maipakilala ang kapita-pitagan, at ibang makaagaw pansin tungo sa mga tagapakinig. Magsisilbi itong koneksyon upang ipagpatuloy ang pakikinig—kaya nakasalalay din sa tindig ang tamang postura at angkop na pananamit. Ito ay kailanganin sa pormal na pagsasalita. Magawang makalikha ng imahen sa isipan ang mga tagapakinig kung ang pagsasalita ay sinasabayan ng galaw. Ang anumang damdamin ay puwedeng maisalarawan sa galaw na maaring makikita sa pagpapagalaw ng mata at kabuuang ekspresyon ng mukha. Hanggat kaaya-aya ang anumang paggalaw ay makatutulong sa pagsasalita. May mga konseptong kayang ipahayag sa kumpas. Ang bawat kumpas ay maaring sumasagisag sa mga mensaheng nais ihahatid sa pagsasalita. Sa Marquez, Jr. at Garcia (2010) ang kasangkapan ng mabisang pagsasalita ay ang kaalaman, tiwala sa sarili, at kasanayan. Sa mga bagay na ito, ang bawat isa ay may kanya-kanya nang kakayahan. Ito na ang kadahilan kung bakit ang mga pahayag ni Abraham Licoln noong March 4, 1861 ay walang kamatayan. Dinala rin si Franklin Roosevelt sa tugatog ng politika dahil sa kahusayan at kagalingan sa pagtatalumpati. Sa klasikal na panahon, nasungkit din ni Demosthenes ang korona sa pananalumpati kahit pautal siyang magsalita dahil sa palaging pagsasanay, at ipinamalas din ni John F. Kennedy ang kahusayan sa pagtatalumpati na tumalo kay Nixon. Ang mga kuwentong ito ay totoong naglalarawan na ang bawat isa ay may potensyal sa pagsasalita at mahalaga ang pagsasanay. Ang kaalaman ay susi tungo sa pagiging kritikal na tagapagsalita. Ang sinumang nanalo sa debate, ang sinumang nagsasalita na nakapupukaw sa mga kaisipan ng mga tagapakinig ay ang kritikal na tagapagsalita. Kung paano pinapalakpakan ang sinumang nagsasalita ay iyon ang tatak ng kritikal na tagapagslita. Lalong-lalo na kung ang tagapagsalita ay nagbibigay-diin sa mga kaisipang may kinalaman sa pangkasalukuyang kaganapan at hindi lamang sa mga teorya. Nahahasa ang kakayahan sa pagsasalita ng isang tao kung siya ay nakakaranas ng mga gawaing pagsasalita tulad ng: pagtatalumpati, pagdebate, pakikipag-usap, pakikipag-usap, pakikipanayam , at pangkatang talakayan.
3. Pagbasa
Ang pagbasa ay hagdanan sa pagkatuto sa anumang wika, at ang pag-aaral sa pagbasa sa antas ponolohiya ay lalong nagdudulot sa pagkakaunawa sa kalikasan ng wika. Maaring paiba-iba ang antas sa pagbasa ng unang wika((L1) at sa pangalawang wika (L2). Ngunit sa kaso ng pagkakatuto ng pagbasa sa wikang Filipino, hindi ito malaking suliranin dahil ang wikang Filipino ay madaling matutunan. Upang lalong maunawaan ang kalikasan ng naririto ang iba’t ibang pananaw tungkol sa pagbasa:
1. Ayon kay Frankt Smith, 1973 (sa Buendicho, 2007), ang pagbasa ay prosesong komunikasyon sa paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng isang midyum patungo sa tagatanggap. Ito ay pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng dalawang panig, ang manunulat at ang mambabasa.
2. Ayon naman kay Ken Goodman, 1976 (sa Badayos, 1999), ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saan ang mambabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Ang gawaing ito ay ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, at iba pang pagpapakahulugan.
3. Sa elaborasyon ni Coady (1967, 1971, 1976) sa kahulugan ni Goodman, tinatampok niya ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at kasanayan sa pagbuo sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto . Ang dating kaalaman ay may malaking tulong sa mabilisang pag-unawa sa binasa.
4. Simple at madaling maintindihan ang kaisipan ni Urquhart at Weir (1998), na nagsabing “ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng nilimbag na midyum “ (sa Arrogante et al,2007).
5. Samantala, sa pagpapakahulugan ni Tumangan, Sr.(1997), ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Sa puntong ito, matitiyak na ang pagbasa ay isang gawaing nangangailangan ng talas ng paningin at kaalaman sa mga simbolong pangwika bilang midyum sa komunikasyon.
Kapwa nababanggit ang mga katawagang interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga nilalahad na mga kahulugan sa itaas, ito ay tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay isang prosesong pangkaisipan dahil ginagamit ng mambabasa ang pag-uunawa, at hindi naman nababanggit ang tungkol sa pagbasa ng teksto na nakasulat sa ibang wika bukod sa pagbasa gamit ang unang wika, kaya masasabi dito na ang pagbasa ay dumaan sa prosesong pagsasalin bago mangyayari ang papapakahulugan kung ang teksto ay nailalahad sa ibang wika.
At, mula sa mga kahulugang inilalahad sa itaas, ito’y tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay ang gawaing pagkilala sa mga simbolong pangwika, pagsasalin nito at pagkuha sa mga mensaheng napapaloob sa pahayag na ang pangunahing layunin ay upang maunawaan ang buong teksto. Ito ay nagsasaad ng isang komplikadong gawaing pangkaisipan sapagkat sanga-sangang mga kasanayan ang mga kinakailangan nito gaya na lamang sa kasanayang pangwika at semantikang kaalaman.
Komplikadong gawain ito dahil sangkot dito ang maraming kasanayan sa panig ng mambabasa mula sa pisikal patungong sikolohikal at iba pang mga aspekto. Bilang isang komplikadong gawain, ito ay isang mahalagang kakayahang pang-akademiko na dapat maunawaan at linangin ng mga estudyante, at sa paglilinang nito, dapat munang maunawan ng sinuman ang kanyang sariling kakayahan sa pagbasa.
Sa pag-unawa sa binasa bilang prosesong pangkaisipan, maraming mga paliwanag ang nakakatulong upang lalong mapapamahalaan ng bawat isa ang sarili kung paano unawain ang binasa. Ayon kay William Gray (Arrogante, et al, 2007 at Pangkalinawan et al, 2004), ang pagbasa ay pagkuha ng ideya sa nakalimbag na simbolo, at ito ay isang prosesong pag-iisip na may apat(4) na hakbang sa pag-unawa—-persepsyon, komprehensyon, aplikasyon at integrasyon o asimilasyon. Sumuporta dito ang pahayag ni Thorndike (sa Buendicho, 2010), na “reading is reasoning”. Sa pahayag na ito, malinaw na nagsasaad na ang pagbasa ay sumusukat sa pag-iisip at pag-unawa ng mambabasa gamit ang kanyang iba pang mga kakayahan.
Hindi lamang sa pangkarunungang aspekto makikita ang kahalagahan ng pagbasa, ngunit ito ay makikita sa kabuuang aspekto sa paghubog ng buhay. Sa aklat na Filipino 2-Kalatas ni Garcia et al(2008:3-4) tinatalakay ang halaga ng pagbasa tungo sa isang tao batay sa kaisipan ni Lord Chesterfield, “ na nagsasaad “ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna”. Walang alinlangang ito’y totoo saanmang disiplina ang pag-uusapan. Lagi nang nakakalamang ang mga tao kapag nagsasalita kung may batayan ang kanyang sinasabi sapagkat ang mga ito’y nailimbag na at tinatanggap na ng higit na nakararami. Madaling makapag-isip ang tao kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at para sa mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang. Madaling makapag-isip ang tao kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at pag-iisip na ito, hindi malayong masasala ng tao ang mga mahahalagang kaalaman na magagamit sa praktikal sa buhay, at para sa mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang. Ayon panulat ni Crus, et al(2002) mahalaga ang pagbasa sa buhay ng tao lalong higit sa pagharap natin sa hamon ng globalisasyon.
Mga Uri ng Pagbasa Ayon sa Layunin
Bilang pangangailangan ang pagbasa ay mauuri sa dalawa, ang pagbasang malakas at pagbasang tahimik. Ang pagbasang malakas ay kaugnay sa pasalitang gawain. Mangyari ito sa lipunan gaya ng mga seminar, pagpupulong at iba pa. Layunin ditong mapakinggan ang mga mahalagang impormasyon na sumasagot sa kapakanan sa mga kinasasaklawang indibidwal. Ayon kay Badayos(1999)“kaya nga, kung ang pagklase ay nakapokus sa pagbabasa nang malakas, mananaig sa isipan ng ilang mag-aaral na ang pagbasa ay pasalita.
Ang pagsabang tahimik naman ay mangyari personal. Dito na makilala ang iba’t ibang mga layunin. Sa tunay na buhay, ang sinuman ay nagbasa dahil makalikom ng impormasyon at ang mga impormasyon ay may iba’t ibang paggagamitan.
Sa pangkalahatan, batay sa mga karanasan ng tao, ang pagbasa ay may layuning (a) pang-kaalaman tungo sa karunungan (b) pangkaalaman tungo sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin, at (c) pangkaalaman upang malilibang o maaaliw.
Pangkaalaman tungo sa karunungan. Ang ginagawa ng mga estudyante na pagbasa sa mga batayang aklat, ang pagbasa ng guro ng iba’t iban sanggunian, ang pagbasa ng abogado ng isang batas at kaso, at iba pa ay mga halimbawa nito. Ganundin ang mga pasyente ay magbasa nang magbasa tungkol sa mga uring sakit na maaring ipinapaliwanag ng doktor.
Sa pagkakataong ang sinuman ay nagbabasa ng pahayagan, diksyonaryo, encyclopedia, Bibliya, Koran at iba pang mga banal na kasulatan ay isa ring dagdag kaalaman at nagbibigay karunungan. Kailangan ding magbasa ng mga tagubilin o paalala sa madla, direksyon, panuto at iba pang mga patnubay upang lalong magkakaroon ng kaalaman na kinakailangan bilang isang mamamayan at may karapatan at paninindigan. Dahil sa uring layunin sa pagbasang ito, ang tao ay madaling makikisalamuha sa iba at matatawag siyang maalam.
Gaya na lamang ng isang taong nagtataglay ng isang tanong sa isipan kung ano raw ang madarama ilang minuto pagkatapos mabawian ng buhay—kaya ang taong ito ay naghanap nang naghanap ng aklat tungkol dito hanggang nakabili siya ng aklat na may pamagat na “One Minute After You Die” ni Erwin W. Lutzer. Kaya sa ganitong pagkakataon nasagot na ang kanyang mga katanungan.
Sa uring pagbasa na ito ay mangyari ang pagbasang kritikal, pagbasang paunlad, pagbasangmapanuri, at pagbasang makalikom ng impormasyon o pagbasang pananaliksik.
Pangkaalaman tungo sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin. Naging epekto ang kasabihan ni Kuya Kim sa ABS-CBN na “ang buhay ay weather weather lang”. Maaaring ang kahulugan nito ayon kay Kim Atienza ay tungkol sa panahon—-ngunit ito ay isang uring makahulugan na pahayag na may kinalaman sa mga suliraning maaring kahaharapin ng sinuman. Ang mga suliranin sa buhay ay tiyak may mga solusyon. Maaring hindi ito makikita agad o maririnig agad sa mga payong kaibigan ngunit kung magbasa maaaring maliliwanagan ang sinuman. Maraming nagbabasa upang makakuha na impormasyon na magagamit sa pang-araw-araw na sitwasyon. Ang pagbabasa ng mga kaalamang maiaplay sa pagpapanatili sa kalusugan, paglusot sa batas, paghahanap ng katarungan, pag-aasenso sa buhay, pag-alam sa mga sagot sa katanungan ( kailangan sa pagsali ng mga quiz event), pagpapataas ng moralidad, pagpapatibay sa paniniwala at sa pagkikipagkapwa-tao. Maaring isa sa mga ito ang hinahanap ng mga tao. Isang halimbawa nito ang isang ina na may anak na may leukemia—ang kalagayang ito ay isang matinding suliranin. Kaya siya ay nagbasa nang nagbasa hanggang sa internet at sa wakas nahahanap niya ang tungkol sa Stem Cell at napag-alaman niya na sa pamamagitan ng cord blood ay magagamot na ang kanyang anak—ang ginagawa na lamang niya ay naghihintay kailan manganganak upang magagamit ang stem cell mula sa inunan na i-transplant sa kanyang anak na may leukemia.
Pangkaalaman upang malibang o maaliw. Ang pagbabasa ng comics, kuwento, at iba pang mga lathain o materyales bilang pampalipas oras ay napapabilang nito. Maaring mga nakakaaliw na babasahin na patok sa panlasang pinoy lalong lalo na ang mga katatawanan o hanggang bumusog ito sa interes ng mambabasa, nakapagpaganyak sa paglalakbay-diwa, nakakatupad sa mga ninanais sa buhay at iba pa dahil kung mangyayari ito dito na matamo ang layuning paglilibang o pang-aliw. Minsan may mga babasahin na nangangailangan ng mataas na antas ng pag-unawa upang maunawaan hanggang magdudulot ito ng katatawanan kaya sa pagbasang may layuning maaliw o malilibang ay kailangan pa rin ang pag-unawang malalalim. Ang kaisipang pampolosopiya, mangmatematika at iba pa na magiging paksa sa binasa ay kailangan ng sapat na impormasyon upang magdulot ng katatawanan—sa layunin ding ito mahahanap ang mga materyales na mapanghamon. Kaya dahil walang magawa ang mambabasa ay maghanap ng mga babasahin na dahil walang magawa “at least” nahahasa pa rin ang pag-iisip.
Nasa mataas na antas ng pag-unawa upang maunawaan hanggang magdudulot ito ng katatawanan kaya sa pagbasang may layuning maaliw o malilibang ay kailangan pa rin ang pag-unawang malalalim. Ang kaisipang pampolosopiya, mangmatematika at iba pa na magiging paksa sa binasa ay kailangan ng sapat na impormasyon upang magdulot ng katatawanan—sa layunin ding ito mahahanap ang mga materyales na mapanghamon. Kaya dahil walang magawa ang mambabasa ay maghanap ng mga babasahin na dahil walang magawa “at least” nahahasa pa rin ang pag-iisip bukod sa paglalakbay-isip.
Bilang paglibang sa sarili sa pamamagitan ng pagbabasa, maaring magbabasa ng kuwento, mga balita at iba pang tungkol sa pangkabuhayan, pang-ekonomiya, pangmoralidad, at mga akdang likhang isip.
Mga Estratehiya sa Pagbasa Tungo sa Pagbasang Analitikal
Hindi simpleng gawain ang pagbasa dahil hindi lamang ito hanggang makilala ang mga simbolong pangwika ngunit ang pinakalayunin nito ay makuha ang mensaheng hatid ng manunulat— nangangahulugang mahalaga ang pag-unawa:
Reading is a complex act for humans (Dechant, 1991) outlines, it is very visual process that begins one’s ability to use one vision to interpret graphic symbols. Reading requires a great visual acuity. To read one must be able to visually distinguish each letter, have a visual memory for each letter, and recode those letters so that one can recreate the letters, pronounce the letter, or associate sounds with letters… This is the essence of reading comprehension (Stephanie Macceca, 2007: 4)
At, para maging magaan ang sinumang mambabasa ay may pansariling paraan din upang matamo ang mga layunin sa pagbasa na dagdag pa ni Macceca, 2007: 4):
Good readers are strategic readers who actively construct meaning as they read; they monitor their own comprehension by questioning, reviewing, revising, ang rereading to enhance their overall comprehension.
Kung anumang paraan ng isang mambabasa upang matuklasan ang bawat kahulugan ng mga salita ayon sa paggamit ng manunulat ay ang tinatawag na pagbasang analitikal, at ang bawat estudyante ay inaasahang magtamo sa uring gawi na ito sa pagbasa. At, naririto ang iba’t ibang kaparaanan sa pagbasa na siyang magagamit sa mga estudyante sa pag-aaral sa iba’t ibang asignatura at upang makamit ang hinahangad na matataas na marka nang sa ganun kahimut-an sa mga taong nagsusubaybay sa kanya. Naririto ang mga kaparaanan o teknik na angkop sa pagbasa ng mga tekstong pang-agham na hango sa iminumungkahi ni Wiriyachitra(1982) sa panulat ni Dr. Buendicho (2007:4-5):
1.) ISKIMING. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o materyal ayon sa pangangailangan. Sa kaparaanang ito ay mangyayari ang previewing., ang mambabasa ay magtangkang mag-alam kung ang nilalaman ng aklat o impormasyon ng isang materyal ay nagtataglay ba ng mga impormasyong hinahanap; overviewing., alamin ng mambabasa ang layunin at saklaw ng babasahin kung ito ba ay ayon sa kanyang kawilihan o interest ; at, survey, alamin lamang ng mambabasa ang panlahat na kaisipan ng isang aklat o materyal sa pamamagitan ng mga iilang impormasyon ng aklat na mababasa sa likod na pabalat. Kung sa isang tiyak na materyal naman mababasa ito sa bahaging konklusyon o pangwakas na bahagi.
2.) ISKANING. Mabilis na galaw ng mata, matamo ito sa pamamagitan ng pagsipat sa bawat pahina ayon sa hinahanap na mga tiyak na impormasyon tulad ng pangalan ng tao, petsa, katawagan at iba pa. Kailangan alam ng mambabasa ang mga susing kaisipan at basahin lamang ang mga tiyak na talata o bahagi.
3.) KOMPREHENSIBO. Masaklaw at , mapamigang pag-iisip at nakakapagod dahil maraming hiwalay na gawain ang pwedeng mangyari tulad na lamang ng pagsusuri, pagpupuna, pagpapahalaga, pagbibigay reaksyon o anupamang mga pagtataya sa binabasa. Kailangang isa-isahing basahin ang mga detalye hanggang maintindihan itong mabuti. Sa kaparaanang ito ay masisiguro na lubos na maunawaan ang mga aralin ( Arrogante, et al, 2007: 52-54).
4.) KRITIKAL. Ang ebidensiya at kawastuan ang pinagtuunan sa pagbasang ito. Mangyari ang pagsasanib ang sariling mga kaisipan o konsepto , sa buong pagkatao upang magamit ito sa karunungan, asal, gawi at maisasabuhay nang may pananagutan at naglalayuning makalikha at makatuklas ng mga panibagong konsepto na kakaibang anyo na maisasanib sa kapaligirang sosyal at kultural.
5.) MULING-BASA. May mga babasahing nagtataglay ng maraming kaisipan, kaya nga ang pagbabasang muli ay mangyari, dahil may mga babasahin o teksto na sa unang pagbasa ay hindi agad maintindihan, kapag pauli-ulit ang pagbasa ay lilitaw na ang mga natatagong kaisipan. Kailangang paulit-ulit upang matuklasan ang hindi pa natanto. Isa itong mahalagang kaparaanan sa pagsasagawa ng pananaliksik at sa mga klasikal na materyales. Sa pagbasa ng mga teknikal na teksto at pampanitikan ay kailangan ang muling basa.
3. Pagsulat
Matingnan ang mga maykrong kasanayan sa pagsulat mula sa kabuuan ng pisikal na katauhan. Mula sa mga daliring may kakayahang humawak ng mga kagamitang panulat o maaring pumindot ng keyboard ng computer o sa typewriter hanggang sa paggamit ng paningin upang masuri kung ang mga simbolong inililimbag ay tumpak ba sa daloy ng kaisipan ng manunulat, at hanggang maganap ang iba’t ibang dimension sa pag-iisip tungo sa iba’t ibang aspeto tulad na kaalamang ng kaalamang lingguwistika, Kakayahang sa paggamit ng mga estratehiyal, kasanayan sa pagpapakahulugan ng mga salita, kaalamang sosyo-lingguwistika, kakayahang diskorsal at kaalamang pansemateka. At, sa aklat nina Alcantara, et al(2003:169), inilalahad nila ang sumusunod:
According to Peck and Buckingham(1976) , writing is an extension of language and the experience that the learner already has or that which he acquired through his listening, speaking, and reading activities and experiences .
Malinaw na inilalahad nina Peck at Buckingham na ang pagsulat ay isang produkto ng mga karanasan at mga natutunan, ang maging madaling maglalahad ng mga kaisipan kapag may mga natutunan at nararanasan mula sa napakinggan, pakikisalamuha; at pagbasa at panonood.
Ang pagsulat ay isang prosesong pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita (Alejo , et al (2008: 128). Sa pahayag na ito, nangangahulugang sa pagsulat ay makikita ang anyo ng wika mula sa mga salita tungo sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa mga talata dahil sa pagdaan ng panahon, ang iba’t ibang sibilisasyon ay may iba’t ibang sistema sa pagsulat. Iba’t ibang kakanyahan sa pagbuo ng kaisipan gamit ang simbolong nakasanayan. Pinangimbabaw naman ni Bernales, et al,2001(sa Bernales, 2009:60) ang kaisipang inilipat sa anumang kagamitang pagsulat sa kanyang pahayag na ang pagsulat ay pagsalin sa papel sa anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Samantala, tinutukoy ni Mangahis et al(2005) na ang pagsulat ay isang artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman na ipinapahayag sa paraang pagsulat, limbag, at elektroniko. Ang pagsulat ay binubuo ng dalawang yugto—-ang yugtong pag-iisip at yugtong nahuhulma . Magkakambal ang dalawang yugto na ito.
Ang pagsulat ay nangangailangan ng puspusang disiplinang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales et al 200). Ang tinuturing ditong disiplinang mental ay ang pag-iisip at pag-oorganisa ng mga dalumat upang magkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at paggamit ng mga tiyak na salita upang matamo ang mabisang pagpapahayag. Hindi sapat ang kaalaman sa paggamit ng diksyonaryo at mga alituntuning panggramatika ngunit kailangan pa ang konsiderasyong sosyo-lingguwistika at iba pa. Sa mga estudyante, isang mahalagang gawain ang pagsulat dahil, isa itong paglinang sa kaisipan upang lalong matalos sa darating na panahon. Dito masusukat ang kakayahan ng isang estudyante tungkol sa kaalaman ng mga asignaturang pinag-aralan. Ito’y nangangahulugang isang kailangan, at bukod pa rito, ang anumang napagtagumpayan sa pagsulat ay magdudulot ng kaligayahan.
Sa pangkalahatan, maramingmagangandang bagay ang matatamo gaya na lamang sa mga sumusunod gaya ng nagpapalawak at nagpapalaganap ng mga impormasyon, nagpapalawig sa kultura at kabihasnan, nagpapadali sa mga transaksyong panlipunan, nagpapatibay ng batas at lagda, nagpapalawak sa kalamang agham at teknolohiya; at nagbibigay lunas sa mga suliranin. Napatunayan sa pag-aaral ni Baquial(2012) sa mga komposisyon ng kanyang mga estudyante na maraming kalakasan ng pagsulat kaysa kahinaan, at ang kahinaan ay tumatampok sa mga aspektong mekaniks, at estruktura ang elemento nito.

Paglinang sa Kasanayang Pagsulat
Ang pagsulat ay nangangailangang ng panahon upang matapos, ang kakayahan sa pagsulat din ay nangangailangan ng pagsasanay upang matamo ang tiyak na gawing kailanganin sa gawaing pagsulat. Sa kasong Filipino, kailangang matutunan ang mga iilang alituntunin upang magkakaroon ng mga mabisang pagpapahayag sa pasulat na paraan bilang isang kaparaanan na matuklasan ang sariling kakayahan sa aspektong pakikigpag-ugnayang sosyal at kakayahang pang-akademiko na maisasagawa ang analitikal at kritikal na pagsulat. Sa pagsasagawa nito ay nangangailang makasunod ng mga pamantayan sa pagsulat na may kinalaman sa kakayahang lingguwistika, kakayahang estratehikal, kakayahang sosyo-lingguwistika at kakayahang diskurso.
Batay sa mga karanasang pagtuturo ng mga may-akda ng aklat na ito, ang mga sumusunod ay maaaring gawing tandaan upang matamo ang analitikal at kritikal na pagsulat:
· May kapaki-pakinabang na tema, layunin at paksa
· Lohikal na pagkasunod-sunod ng mga kaisipan
· Malinaw ang mga kaisipan ng bawat pangungusap
· May kaisahan ang bawat talata
· Tamang gamit at pili ng mga salita
· Nagagamit ang tumpak na ortograpiyang Filipino
· Wastong paggamit ng mga bantas
· May kompletong bahagi ang tekstong hinuhulma
· May kakintalang nabuo sa pangwakas na bahagi
Ang paglinang ng isang sulatin ay nangangailangan ng materyales mula sa iba pang mga karanasan at kaalaman ang mga sumusunod ay makakalinang sa kakayahang pagsulat bilang estudyante:
1. Sikaping gumamit ng diksyonaryo upang matiyak ang gamit ng mga salita, lalo na ang mga bagong pamantayan sa ortograpiyang Filipino
2. Gamitin ang mga kaalaman sa nababasa, napapanood, napakinggan, palitang-kuro at mga pahayag sa iba na may katotohanan at sariling karanasan upang bilang pagpapahayag ng mga kaisipan.
3. Sikaping tumpak ang mga impormasyon mailalahad sa pagsulat
4. Itala ang mga anumang nasa isipan
5. Kailangan limitahin ang paksa na may kinalaman sa kasalukuyan
Para sa dagdag kaalaman pindutin ang link sa kakaibang link sa ibaba:
5. Panonood
Ang panonood ay isang paraan upang malinang ang visual literacy.
Ang panonood ay may malaking ginagampanan sa pagkakatuto lalo na kung pag-usapan ang panonood ng telebisyon sa bawat tahanan at saan man at lalong lalo na ang anumang mga kaisipang inilalahad sa pamamagitan ng multi-media. Ang telebisyon ay siyang naghahatid ng tinatawag na mass education ay nagtataglay ng kapangyarihan upang mahubog ang kaisipan ng isang bata samantala, ang multi-media na nalilikha at pinapagana sa computer na nababahagi nang malaking panahon sa mga nahuhumaling nito ay nagdadala ng malaking epekto sa pagkakatuto. Ang kasalukuyan na binasagang “panahon ng digital images” sa aspektong pangteknolohiya ay nagdadala ng isang makabuluhang kaganapan ng bawat panonood sa buhay ng isang estudyante. Halaw sa website na Viewing Skill Presentation Transcript, ang panonood ay isang proseso nakakatulong sa kasanayang pakikinig-pagsasalita (oracy) at pagbasa-pagsulat( literacy,) at kalakip sa programang integratibong sining ng wika.
Ang panonood ay ang pag-unawa sa biswal na mga imahe (visual images) at pag-uugnay nito kasabay sa pasalita o pasulat na salita. Ito ay gawaing kinasasangkutan sa pag-iinterpret ng mga imahe kung ano ang pakahulugan nito kaugnay sa mga imahe sa video, computer programs, at mga websites.
Nalilinang sa panonood ang kasanayang pakikinig kung pinagtutuunan ang mga komunikasyong di-berbal, mga elementong biswal sa bawat kagawian, video, telebisyon, film, at multimedia na inilalahad. Nalilinang din dito ang kasanayang pagbasa sa pagkatataong pinagtutuunan ang mga simbolong pantulong sa pag-unawa(gaya ng tsart, diagram, at ilustrasyon), tiyak na teknik at presentasyon ng kabuuang teksto(lay-out, kulay, at iba pang mga disenyo), at ang kalidad at baryedad ng isang “media”(larawan, animation, at video).
Sa panonood na may kinalaman sa computer at ibang mga media material, ang sinuman ay matutong umunawa ng mga larawan, mga diyagram, mga talahanayan, at tsart. Ang kasanayang ito ay nangangahulugang dagdag impormasyon tungo sa anumang materyal na natutunghayan. Madaling matutunan ang anumang mga paliwanag at diskusyon dahil mga grapikal na presentasyon. Ito ang tinatawag na formatting information with word processiong program. Kahit hindi kusang itinuturo, ang sinumang nanonood ay may kakayahang matuto, maunawaan, at mabigyang interpretasyon ang bawat biswal na imahe ang mensahe nito, at ang matukoy ang kahulugan mga nito.
Sa panonood inaasahan na ang mga mag-aaral ay matutong magmamasid, magbigay interpretasyon, paghihimay at pagsusuri sa anumang biswal na imahe, makilala ang mensahe at ang mga kahulugan nito. Kung matamo ito, ang panonood ay mag-iwan ng makabuluhang pagkakatuto.
Sa disiplinang pangkaisipan, ang manonood ay palaging gumagamit ng kanyang dating kaalaman upang mabuo ang pagpapakahulugan sa mga biswal na na imahe. Nangangailan ito ng kasanayang pagtanda at sekwensyal na pag-iisip. Batay sa website na nababangit, ang kakayahang maunawaan at mainterpret ang napapanood na biswal na imahe, at kakayahang lumikha ng mga biswal na imahe na nakatatawag pansin ng iba ay tinatawag na visual literacy ayon kina Gorgis(1999), Valmont(2003) at Heinich(1999). Ang visual literacy ay magsimula nang ang bata ay matuto makakakita at magkakaroon ng atensyon sa isang larawan. Kaya mahalagang itanong sa mga bata kung tungkol saan ba ang larawang nakikita.
Ang mga sumusunod ay mga rekomendadong gawi upang magkakaroon ng produktibong panonood:
1.Maging mapagmasid at magbibigay interpretasyon sa pamamagitan ng pagbibigay suportang ebidensyang imahe.
2. Suriin kung ang mga bagong impormasyon kung nagkatugma ba sa sariling interpretasyon.
3. Ibuod ang pagkasunod-sunod ng kaisipan— sa ganitong pagkakataon magagamit ang sariling kakayahang bumuo ng mga mga kaisipang pasalita o pasulat hango sa mga icon o simbolong nakikita—dito rin magagamit ang mga sariling bokabularyo at pag-ugnay nito sa mga dating kaalaman.
4. Magkakaroon ng layunin sa panonood at maghahanda ng mga katanungan nais masagot.
5. Kilalanin ang pangunahing kaisipan sa napapanood. Magsasagawa ng pagtatala upang hindi makaligtaan ang mga mahalagang biswal na imahe, kaisipan, o pangyayari.
6. Kilalanin ang mga makatotohanang kaisipan at ang tinataglay na mensahe nito sa pagitan ng biswal na mensahe tungo sa pagiging totoo o likhang imahe lamang.
7. Alamin at kilalanin ang mga teknik sa pagkalikha ng mga biswal na imahe—bumuo ng sariling pagpapakahulugan at ikumpirma ito sa iba’t ibang sanggunian.
8. Balikan ang kabuuang napapanood at lagumin ang mga mahalagang kaisipan at mga teknik na ginamit at iugnay sa mga sariling karanasan. Kilalanin ang pangkalahatang kakintalan batay sa tiyak na mga pamantayan. Maaring gumawa ng rebyu at maghugot ng kongklusyon.
9. Ilahad ang personal na mga reaksyon at opinyon tungkol sa napanood at kilalanin ang tiyak na estratehiya na nakakaenganyo sa mga tagapanoond.
Ang Kritikal na Panonood
Ito ay panonood na nagbibigay tuon sa mga mahalaga at makatotohanang impormasyon, kaugnayan, hinuha at kritikal na pagsusuri. Ang kritikal na manonood ay matutong umunawa at magsasagawa ng ebalwasyon sa mga impormasyong hango sa telebisyon, video recording, at ano-ano pang visual media. Ang directed seeing-thinking activities (DSTAs) isang paraan upang malilinang ang sinuman sa kritikal na panonood. Ang DSTAs ay ang pagbibigay gabay na katanungan sa panonood, ang gabay na ito ay bilang pagsukat sa pag-unawa at paglalahad nito sa pasalita o pasulat na paraan.
May iba’t ibang mga kaisipang nagbibigay linaw kung paano naging bahagi sa ating buhay ang panonood gaya ng panonood ng telebisyon, sa artikulo ni Stowell (1992)ang sobrang panonood ng telebisyon sa murang edad ay nakapaghahatid ng comprehension apprehension. Ibig sabihin nito na nagdudulot ng mabilisang pag-iisip kung sa murang edad pa ay nakasanayan na ang panonood. Sa mga karaniwang manonood, tinatayang ang kadahilanan sa panonood ng telebisyon ay upang magpapalipas ng oras at sa layuning pangkasiyahan, at upang makakalap ng impormasyon (Rubin, 2009).
Kritikal Panonood at Mga Kasanayan sa Kritikal na Pag-iisip
Salin at halaw sa artikulo ni David Considine
Napatunayan sa pananaliksik na kung tuturuan natin ang mga bata na maging kritikal na manonood(critical viewers) ay higit pang nabibigyan sila ng kakayahang sumuri sa pagkabuo ng isang hindi pa nakilalang biswal na imahe, nabibigyan din sila ng pagkakataong mag-isip sa kritikal na paraan tungkol sa sangkap ng mga larawan—-na lumilinang sa kanilang kakayahang maunawaan ang mga simbolong tekstwal at ang daigdig. Sabay na napakinabangan tungko sa pangkaalaman ang pagpapahalaga sa panonood ng telebisyon, at hanggang tinitingala ang hatid ng video age upang malilinang ang bagong antas ng literasiya habang patuloy ang disiplinang tradisyonal na literasiya. Inulat sa 1990 isyu ng The Harvard Education Letter, na ang video screen ay nakakatulong sa paglinang ng mga bata sa bagong uri ng literasiya—ito ang visual literacy. Ang literasiya ito ay kakailangan nila sa pagharap ng isang uring teknolohikal na daigdig. Sa telebisyon at pelikula, ang manonood ay kailangang matutong umuugnay sa iba’t ibang mga eksenang kuha sa kamera upang makabuo ng pangkalahatang bagong imahe. Ang telebisyon ay magagamit sa paglinang ng mga kasanayang pagbasa at mapalawig ang tradisyonal na literasiya, at kailangan lalong makilala na ang telebisyon ay kakaibang uri ng kagamitan, at upang mapakinabang ito kailangan maging bihasa tayo sa codes, teknik at mga katangian ito. Ito ay nangangahulugang pagtanggap at pagkilala sa kapangyarihan sa imahe at pagtanggap sa katotohanang mapanood na ang mga hindi kapani-panilawala. Ayon kay Jack Solomon, ang telebisyon ay nagdadala sa atin sa mga bagay na maging tunay—hindi lahat ng iconic signs ay totoo. Nang napanood ito, naniniwala tayo, at maaring hindi natin maiisip, na likha lamang ang mga iyon ayon sa kawilihang mayroon dito. Ang pagbabagong paniniwala hinggil sa presentasyon media na ito ay nangangailan isipin na hindi lahat na nakikita ay totoo, ang anumang nakikita ay siyang matutunan. Ang mahalaga nito ay ang anuman ang ating matamo sa panonod. Ang proseso sa panonood ng telebisyon ay may mga sumusunod na mga elemento:
1. Pag-interpret sa Internal na Nilalaman sa Isang Programa. Mahalagang magagamit ang pasalaysay na analisis o kakayahan sa pagbalik-tanaw at pagkilala sa mga pangyayari at bakit ito nangyayari mula sa mga batayan tungo sa pagkilala sa kabuuang uri nito at paglalahad sa kabuuang naunawaan.
2. Pag-interpret sa internal na kayarian ng eksena.Binibigyang tuon dito ang anyo at estilo ng media, kabilang na ang disenyo at ang kalidad ng larawan at imahe at iba pang mga kaparaan sa pagkuha ng shots at paggamit nito.
3. Pagkilala sa Ekstenal na Layunin at Salik sa Pagbuo ng Programa . Ang iba’t iban palabas ay naiimpluwensyahan sa mga isyung panlipunan, kaya tuon dito paglinaw o pagkilala konteksto ng palabas upang matukoy ang kabuluhan sa pinapanood.
4. Paghahambing at Pagkokontrast sa mga Palabas Tungo sa Tunay na Pangyayari. Bilang tagapanood kailangang masuri kung ano ang pinapanood at maihahambing ito sa tunay na buhay. Hindi ito maiiwasan lalong lalo na kung ang palabas ay nagsasalaysay sa sinaunang panahon, ngunit paano na lamang kung ang tauhan ay nakasuot na ng damit na makabago. Mangyari din ang pagsusuri sa mga impormasyon ayon sa tunay na kalagayan, pati sa mga tunay na paniniwala batay sa iba’t relihiyon at iba pang basehan.
5. Pagkilala at Pagtugon sa Potensyal na Epekto sa Uri ng Palabas. Ang kritikal na manonood ay marunong pumili ang mga uring palabas dahil alam niya kung ano ang makukuha niya. Sa kasong ito, magaganyak ang gawi ng manonood upang bigyang puna ang programa. Ang MTRCB ay nasa ganitong tungkulin.