Ang tayutay o patalinghagang pagpapahayag ay katumbas ng ‘language style’ sa English. Ito ay pagsasalita na may estilong paglayo sa paggamit ng karaniwang pagpapakahulugan upang lalong masining at maengganyo ang tinig ng pananalita at lalong hihimok sa kaisipan, saloobin at damdamin. Layuning nitong makabuo ng kaakit-akit, makulay,maharaya, at mabisang mensahe. Ang kaparaanang ito ay ginagamit sa panulaan at pananamlumpati. Ang katawagang tayutay ebolusyon ng sayusay na panumbas ng ‘rhetoric’. Ang mga tayutay pasalin-salin din ng mga mamamayan bilang bahagi ng karunungang-bayan. Ito ay mga nilalaman ng tula na maaring nasa memorya ng mga taong mahilig magbigkas ng tula.

Ang mga natatalang sinauna pang tayutay ay nakilala mula sa mga panulat ng mga makata. Ngunit, ang paglalahad na patayutay ay maaaring ding maisasagwa ng ninuman.

Marami ang uri ng tayutay, sa Filipino, ang mga tayutay ay pinangalanan din hinulma sa English. Naririto ang mga tayutay:

  1. Pagtutulad o Simile, ito ay patalinghaga na naghahambing ng dalawang dalawang paksa na maaring tao, bagay, pangyayari, at iba pa gamit ang mag salita o parirala na: katulad, tulad, mala, kawangis, kapares at iba.
    • Mga Halimbawa:
      • Ang ating kalikasan ay katulad ng isang supling na nangangailang ng kalinga at pag-aaruga.
      • Parang mga paruparong nagliliparan sa kaparangan ang mga magagandang dilag na kasali sa parada ng Sinulog 2025
  2. Pagwawangis o Metapora, kagaya ng pagtutulad, ngunit ito ay pagbanggit ng katangian ng isa para sa tinuturingan na magkatulad.
    • Halimbawa:
      • Ang kuwento ng mga kantahing bayan ay isang hele na nagpapaantig ng damdamin.
      • Ang sinapit sa L.A. California ay isang tsunani din sa Asya.
  3. Pagmamalabis (Hyperbole), ang estilo na ito ay lubhang pagpapalabis o pagpapakulang ng isang kalagayan o sitwasyon.
    • Halimbawa:
      • Hindi mahulugan na karayon ng Colon Steet Cebu City sa tuwing sasapit ang Sinulog.
      • Hindi na nakakain buong araw ang isang estudyante at napupudpod ang mga daliri sa kanyang pagsasagawa ng tesis.
  4. Pagbibigay-katauhan, ito ay personification sa English, sa estilong ito ay mailalarawan ang alinmang bagay na parang tao.
    • Halimbawa:
      • Nang sumimangot ang panahon, naalala ko na magdala ng payong.
      • Sobrang nakatutuwa ang lulundag ang alon sabay sa pagdaan ng hangin.
      • Mahigpit na niyakap ng lamig ang kabundukan kaya nangangamba ang nagtatanim ng gulay na mauuwi sa wala ang kanilang puhunan.
  5. Paglilipat-wika, ito ay tinatawag na transferred epithets, na kung saan ang mga katangian ng tao ay maaring ilarawan din sa mga bagay-bagay.
    • Halimbawa:
      • Ang matampuhing rosas ay hindin na nagbibigay bulaklak nang nakalimutang linisin ang paligid nito.
      • Ang kanyang mapag-silbing sapatos ay nagpaalala sa kanya kung anong hirap ang kanyang nararanasan.
  6. Pagpapalit-Saklaw,ito ay estilong pagtuturing sa tiyak na bahagi upang ipahiwatig ang kabuuan.
    • Halimbawa:
      • Maraming Juan Dela Cruz ngayon ang nakikipagsapalaran bilang OFW.
      • Sana isang Solomon ang maging pangulo ng bansa.
  7. Pagpapalit-tawag, ito ay tiyakang pagpapalit ng katawagan ng isang bagay o anumang katawagan.
    • Halimbawa:
      • Lubhang nangungulila ang mga anak sa paglisan ng kanilang ilaw ng tahanan.
      • Maraming mga Pinoy ang naging reyna ng social media, lalong lalo na sa Facebook.
  8. Pagtawag, ito ay estilong pakikipag-usap sa mga bagay-bagay na may pahiwatig na matinding damdamin o saloobin.
    • Halimbawa:
      • Pagbabago, huwag kang mabibigo sa pagkalinga ng ating bansa.
      • O hangin, bakit ba ikaw ay naging marahas at pinabagsak mo ang mga puno ng kahoy?
  9. Paglumanay, ang estilo na ito ay layuning ayaw makapanakit ng damdamin, magagawa ito sa pamamagitan ng paglalarawang pinagaan kaysa paglalarawan sa tunay na mga pangyayaring hindi kanais-nais.
    • Halimbawa:
      • Maraming binawian ng buhay noong 2019 hindi lamang sa Pilipinas, kailanman ang pangyayaring iyon ay hindi na sana mauulit pa.
      • Lubhang nakatutuwa ang mga cryptocurrency, minsan maraming nasisilawan na mag-invest ngunit may mga hindi pinalad, ang kanilang pinaghihirapan ay nawawala dahil pilyo talaga ang mga hacker at scammmer, at hindi pa rin nila inaral ang laro ng mga digital asset.
  10. Pang-uyam, ito ay ang irony or sarcasm, sa estilong ito ang mensahe ay pangungutya na sa paraang pamumuri.
    • Halimbawa;
      • Ang galing, lahat na mga kalsada sa ay sementado na, ang sa amin lang ang naiwan.
      • Napakaulirang pamangkin si Kesa, lahat na mga pinsan niya panay reklamo sa asal niya.
  11. Pagtatambis, ito ang antithesis sa English, na makilala sa paggamit ng mga salitang magkasalungat.
    • Halimbawa:
      • Ang mga suliranin ng iba’t ibang 3rd world na bansa ay malayo at malapit ding mangyayari sa mga first world na bansa.
      • Lalapit at iiwas din ang magandang kapalaran kung maging masungit at mapagbiro ang tadhana.
  12. Oksimoron/Pasalungat, ito ang tinatawag na epigram sa English. Talagang hahamon sa pag-iisip ang estilong ito dahil piangsama ang magkasalungat na kaisipan upang ipaabot ang kabuuang kaisipan.
    • Halimbawa:
      • Kung gusto mong makahihigit sa lahat dapat masilbi ka sa nakararami.
      • Mapagkumbabang nanalangin ngunit ang sagot ay mahihirap tanggapin.
  13. Pagtanggi o Litosis, ito ay paggamit ng salitang ‘hind’ upang ipahiwatig ang tunay na kahulugan.
    • Halimbawa:
      • Hindi kita gusto dahil mahal kita
      • Maluho siya sa hindi niya pera.
  14. Pagtatanong o tanong retorikal, sa estilong ito ang tunay na kahulugan ng mensahe ay ang sagot sa tanong.
    • Halimbawa:
      • Napapansin mo ba ang kakaibang hubog ng buhay?
      • Ano ang hindi mo matatandaang ikaw ay may pananagutan sa sarili, sa pamilya at sa lipunan?
  15. Paripantig (Alliteration), ang tayutay na ito ay gumagamit ng mga salitang-paulit-ulit ang simulang letra at magkatulad ang kategoriya. Pinipil ang mga salita upang magkakaroon ng kabuluhan at makahulugan ang mensahe.
    • Halimbawa:
      • Masipag, matulungin, matiyaga at mapagmatyag ay mga katangiang kailanganing kung ikaw ay nasa social and health care sector nagtatrabaho.
      • Kupasin, gusgusin, at mahinang tinig ng isang pulubing ang sumisimbolo sa hirap ng buhay at nangangailangan ng pag-asa.
  16. Paghihimig o Pasintunog (Onomatopia). Binibigyang diin dito ang mga tunog o himig ng mga bagay-bagay sa kapaligiran na siyang nagpapaharaya sa kabuuang pahayag.
    • Halimbawa:
      • Bumibirit na tinig ang nagpapasaya ng mga nanonood ng concert ni Ariana Grande.
      • Umaagong na putik ang binuhos ng minahan ng Davao sa pagputok nito.
  17. Pagdaramdam. Tampok ang nasisidhing damdamin sa pahayag na ito. Ang mga pananalita ay pinipili upang makabuo ng pahayag na mula sa pagiging karaniwan tungo sa pagkamasidhi. Nasa kahulugan ng buong pahayag ang kabuluhan sa patalinghagang ito.
    • Halimbawa:
      • Natural lamang sa buhay ng tao ay may kaligayahan at kabiguan na dala lamang sa mabubuti at masasamang bagay, na dulot lamang sa pagpapasya ng sariling kabaitan na minsa’y masisilawan sa mga magagaang bagay kaysa kahirapan. Ito lamang ang tunay na nagbibigay kahulugan sa tinatawag na buhay. Huwag lamang sisihin ang sarili kung ngayon ay nasadlak na ang konsensiya sa pagiging bulag sa katotohanan.
      • Kung ang tao ay wala pang malay sa mga komplikadong mga bagay-bagay, siya ay malayo sa mga pangamba at bagabag sa isipan, at ang mga bagay na nakapaligid sa kanya ay lahat ay maaring wala lang o kaya’y natural lamang. Ngunit sa pagkakataong ang tao ay may maraming natutunan magsimula na ring tumatayog ang pangarap at walang hangganan ang kagustuhang maangkin ang lahat. Sa ganitong pagkakataon ay lalayo na ang kapayaang loob at ang pagiging simple. Ito ang nangangahulugan na ang tao ay lalong mapaghangad sa likod ng anumang mayroon na siya, mahirap ang maging kontento na lamang. Nakakaawa lamang ang kaluluwa dahil mapapagod lamang ito sa sobrang hangaring makaalpas sa tunay na kalagayan sa buhay dito sa daigdig. Sayang… Heto ako ngayon, gusto kong maging bata uli.
      • Sa kuwento ng kanyang kasaysayan, balitang siya’y bantayog sa kakisigan ngunit ang pangalan ay sa karamihan inaayawan dala ito marahil sa kanyang kinalalakihan na daig pa ang daga na walang pinag-aralan. Walang magandang asal ang nakikita mula sa kanya ang mga karaniwang kaibigan. Para sa kanila siya’y walang silbi at hindi dapat kaawaan. Nilait-lait sa mga taong para sa kanila sila ay hindi na sila mahihigitan. Hanggang sa isang araw ang naging baliw ang kanilang kapasyahan, kailangang ang pagtitiis ay mawakasan. Kailangan ang hatol ng kapalaraan. Ang pagpapalibing –buhay ni Eiron ay hahayaan. ” (mula sa isang kuwento na pinamagatang “ Mabuhay ka Eiron!”)
      • Matagal kong hinanap ang bagay na ito, hinahanap ko ito sa mga mamahaling bato hanggang naghahanap ako kahit na sa mga bagay-bagay na ginto. Hindi ko mawari kung paano’y madaling lamang maririning sa mga kuwento. Malaking lamat ang isang kayamanang ito na hindi pala madaling matanto. Ayaw ko na sanang pag-aksayahan ng panahon pa dahil sumuko na ako, ngunit bigla na lamang naiisip kung ano ang hugis at kulay nito. Naku, doon lamang pala sa mga karaniwang tao—sa pamilya, sa mga kaibigan pati hindi mga kilalang naging karamay at kapwa ko. Dito lang pala sa nakaukit sa puso ko—ang kapayapaan na biyaya Mo.
  18. Parabola. Ito ay isang salaysay na walang ibang pinaggalingan kundi ang mga salaysay ni Hesukristo sa panahon ng kanyang publikong buhay. Layunin sa mga salaysay na ito ang maturuan ang sangkatauhan hinggil sa kalinisan ng pamumuhay, pakikipagkapwa, kabanalan, at iba pa. Ang parabola ay mababasa sa Bagong Tipan ng Bibliya gaya ng “Ang Ssmpung Dalaga”, Alibughang Anak, “Ang Samaritano” at iba pa.
  19. Antonomasya. Sa ito ay paggamit ng isang pangngalang pantangi na parang pangngalang pambalana.
    • Halimbawa:
      • Siya ay isang Solomon sa ating panahon.
      • ¨ Ang kanyang mga pilosopiya ay isang Hitler sa ating gunita.
  20. Pag-agapay. Ang pag-agapay ay magkakahawig na kaisipan sa pamamagitan ng pagahahay sa magkahawig na kaanyuan.
    • Halimbawa:
      • ¨ Sama-sama tayong nakaalpas, sama-sama tayong lumalaban.
      • ¨ Likas ng isang bata ang pagtatanong, likas ng isang bata ang pagkakatuto.
  21. Paralipses. Kunwaring pagpipigil sa anumang ayaw banggitin ngunit binabanggit lamang sa kakaibang paraan.
    • Halimbawa: ¨
      • Hindi naman isang uring paghihirap ang tumulong sa nangangailangan ngunit huwag mo lamang kakalimutan na ang iyong pagsakripisyo ay ialay sa mga mahal mo.
      • Walang masama sa panonood palagi ng telebisyong wala sa oras, tumatalino ka nga sa mga walang kabuluhan na bagay.

REPORMA SA WASTONG ANYO NG MGA SALITA

Ang reporma sa wastong gamit ng mga salita ay isang kaalaman mula sa mga panulat ni Virgilio Almario(2009:4-6) na pambansang alagad ng sining sa literatura na kung saan ay isang punong editor sa paghahanda ng UP Diksyonaryo sa 2010 na edisyon. Maraming mga dapat iwawasto sa paggamit ng wikang Filipino na maaring ayon sa kanya ay dala lamang sa mga manunulat na nagsasalin ng mga tekstong English tungo sa Filipino na hindi na nagpakahirap sa paghanap ng mga salitang tumpak magagamit upang ipahayag ang mga ideya sa wikang Filipino o mula sa diyalekto. Inamin niyang siya’y nagkakamali rin ngunit hindi pa huli sa ang lahat para maitama ang lahat. Isang halimbawa niyang inilalahad ang salitang “sari-sari” na inilahok niya sa diksyonaryo na walang gitling dahil walang salitang ‘sari’ ngunit natuklasan niyang may salita pa pala na “sari” na mula sa Sinaunang Tagalog na ang ibig sabihin ay maraming bagay na tinipon o pinaghalo. At, bilang opisyal na reporma, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglunsad ng 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino na naglalaman din sa mga reporma sa wikang Filipino na nakapokus sa palabaybayan at panghihiram. Kaugnay sa usaping ito, nilalayong magkakaroon ng kaalaman ang mga estudyante nang sa ganoon ay maiwasto ang paggamit nito. At, para sa mga estudyanteng pagiging guro isa itong mahalagang kaisipan upang maisakatupan ang makabuluhang gampanin na pagtuturo sa darating na mga araw.

Reporma sa Ortograpiyang Filipino

1. politika hindi pulitika

2. tradisyonal hindi tradisyunal

3. koryente hindi kuryente

4. sari-sari hindi sarisari

5. estruktura hindi istruktura

6. estratehiya hindi istratehiya

7. istasyon hindi estasyon

8. puwede hindi pwede

9. guwapo hindi gwapo

10. lingguwistika

hindi linggwistika

11. kuro-kuro hindi kuru-kuro

12. sino-sino hindi sinu-sino

13. ano-ano hindi anu-ano

14. libo-libo hindi libu-libo

15. komplikado hindi kumplikado

16. kompleto hindi kumpleto

17. estilo hindi istelo

18. kuwento hindi kwento

19. katwiran hindi katuwiran

20. reaksyon hindi reaksiyon

Reporma sa Wastong Anyo ng Salita na Hiram na naisa-Filipino

1. argumento hindi argumentatibo

2. asamblea hindi asemblea

3. aspekto hindi aspeto

4. klasismo hindi klasisismo

5. obhetibo hindi obhektibo

6. subhetibo hindi subhektibo

7. panatismo hindi panatisismo

8. abenturero hindi adbenturero

1. diyalektika hindi dayalektika

2. diyalekto hindi dayalek

3. diyalogo o dialogue hindi dayalogo

4. diyagram o diagram hindi dayagram

5. responsabilidad hindi responsibilidad

6. seryo na may varyant na seryoso

dapat kontemporaneo kaysa kontemporaryo (tanggap na sa karamihan ang kontemporaryo

Reporma sa Paggamit sa Katutubong Katawagan kung Mayroon kaysa Hiram sa Ingles

1. alituntunin kaysa rul

2. kupunan kaysa faction

3. pagppupulong kaysa miting

4. guro o maestro/maestra kaysa titser

5. talata kaysa paragrapo

6. salaysay kaysa naratib

7. nalilinang kaysa nadebelop

8. kakayahan o kakayanan para sa skill

9. tuntunin o patakaran kaysa palisi

10. halagahan kaysa balyus

11. pangungusap kaysa sentens

12. magsasaka kaysa pesante

13. lunggati panumbas sa desire

14. mithi panumbas sa ideal

15. adhika panumbas ambition o goal

16. hangad o hangarin panumbas sa motive

Iba Pang Reporma at Pagbabago

1)Kapag may panandang “mga” anyong isahan ang kasunod.

Halimbawa:

mga figurine (hindi “mga figurines)

mga bata (hindi mga kabataan)

mga dahilan (hindi “mga kadahilanan)

*kadahilanan “at “mga dahilan “ ay pareho ang kahulugan

2) Gamitin ang tunog sa unang pantig sa pag-uulit ng mga salitang hiram na ikinabit sa mga panlapi

Halimbawa:

magdu-duty mag-a-ice cream

magpa-Pal magko-computer

magda-diving magsyu-shooting

3) Pagkabit ng panlaping makadiwa imbes ang salitang nagpapahiwatig ng“gamit”

Halimbawa:

¨ tsitsinelasin ang ipis (puksain ang ipis gamit ang tsinelas)

¨ babaldihin mo ang nilalabahan (isilid sa balde ang nilalabhan)

¨ kukutsilyuhin mo ang lubid (hiwain ng kutsilyo ang lubid)

4.) Ang mga salitang mula sa Kastila na nagtatapos ng /e/ at /o/ ay mananatili kapag hinuhulapian.

korte+han =kortehan

boto+han-botohan ( voting)

onse+han=onsehan

sine+han=sinehan

*Ang mga salitang likas na nagtatapos ng o at e ay magiging u at i kapag hinuhulapian. Ito ay dati nang alituntunin.

buo—buo+ka at –an/han =kabuuan

atake+hin=atakihin

Sagutin ng TAMA o MALI ang bawat pahayag batay sa sinasalungguhitan na salita/parirala bilang pagsunod sa reporma ng Wikang Filipino sang-ayon sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Gumamit ng diksyonaryo.

1. Libu-libo ang naghikakos pagkatapos ng sunod-sunod na mga bagyong dumaan sa Pilipinas, ngunit salamat sa Diyos nakaahon din.

2. Komplikadong usapin ang pakikipaglaban ng Sultanate of Sulu sa kapangyarihan ng Sabah.

3. Ano ba ang network mo, toks and teks kasi ako.

4. Isa sa mga katangian ng pananaliksik ay ang objektibo.

5. Saan ba puwedeng mag-file aplikeysyon tungkol sa timpalak ng Palanca.

6. Sa Android Phone, ang mga applications nito ay kagaya na ng kompyuter.

7. Ang chopstick ay naimbento sa bansang Tsina at patuloy na ginagamit sa loob sa higit na 5000 taon.

8. Ang UNICEF ay nakipagsangguni sa pamahalaan ng iba’t ibang bansa sa paglalaan ng mabisa at abot-kayang mga pamamaraan sa pagsugpo sa mga kasong may kinalaman sa kalusugan at kalagayang sosyal.

9. Natutuklasan ng South Australian researchers na ang pagdudugo ng gilagid ay hindi isang nakakabahalang kalagayan sa mga nagbubuntis ngunit ang konklusyon nila na dapat ang maternity-care providers tumutok sa oral-health problem.

10. Natutuklasan ng Laval University in Quebec na ang mga overweight women ay may kulangan ng calcium sa katawan, at ang may sapat ng Sunshine Vitamin (Vit. D) ay may kinalaman sa pagkakaroon ng katamtaman timbag din.

11. Ang pinya ay nagtataglay ng enzyme na tinatawag na bromelain, na nakatutulong sa pagtutunaw na siyang nagdudulot sa katawan upang mapro-propduce ang substances na panlaban sa pananakit, pamamamaga at pamumula.

12. Mas nakakahigit ang whole grain rice kaysa pasta at tinapay ayon kay Julie Upton na isang nutrionist (Reader’s Digest, 2011).

13. Sino-sino ang nakapupunta na sa Underground River sa Palawan?

14. Sa botuhan ng Mayo 2013, wala bang kayang kahindik-hindik na pangyayari?

15. Ang bawat mamamayan ay may responsabilidad na sagipin ang kalikasan.

WASTONG GAMIT NG MGA KATAGA AT MGA SALITA

Ang kuwento na ito ay gawa-gawa lamang ng manunulat ngunit ito ay sumusukat sa kaalaman sa wastong gamit ng mga salita at kataga. Salungguhitan o bilugan lamang ang tamang sagot at ibigay rin ang pamagat .

Isang araw palihim na naglalakad si Unat na isang bulate patungo sa kawalan sa kadahilanang napag-atasan siyang (1.) (sundan, sundin) ang isang kuliglig na si Limboros upang (2.)(subikin, subukan) nito ang ikinikilos dahil napaghinalaan itong isang taksil sa kanilang mapagsilbi na lahi. (3.)(Nang,Ng) natanaw na ni Unat si Limboros, nagtataka siya dahil pumanhik ito sa isang uring nakakamanghang (4.)(hagdan, hagdanan) at biglang bumukas lamang ang (5.)(pinto, pintuan) nito na wala sinumang tumutulak. Palihim na lumalapit si Unat na nag-uunat-unat sa kanyang katawan at napapansin niya ang isa pang nilalang na abalang-abala sa kanyang tungkuling ginagampanan. Nilapitan ito ng isang pawang amo at inutusang (6.)(walisin, walisan) ang mga dahong kumakalat sa bulwagan. Pinagmasdan ito ni Unat habang ang isang nilalang ay nag-uumpisang tumupad sa ipinag-utos nito, at sabay sambit na (7.)“(walisin, walisan) nang malinis ang bulwagan”.Namamangha si Unat sa kanyang natanaw na libo-libong mga kulilig ang nagsidatingan. Ang isa nito ay parang tagapangulo sa lahat. (8.)(Pakiusap, Ipakiusap) nitong bigyan sila ng daan. Dahan-dahang naglalakad na disiplinado ang mga hakbang sa tig-dalawang hanay. Mapapansin na sa kanilang mga hanay ay nagkakaroon din ng pagpapangkat ayon sa kanilang mga okupasyon. Hindi namalayan ni Unat na siya ay naging kabilang na sa isa mga pangkat, at bigla na lamang may napalundag nang natapakan ang dulo ng katawan ni Unat, at lahat ay napalundag din. Imbis hindi pa natapos ang sakit ang nadarama ni Unat ay natapakan na naman siya nang paulit-ulit sa mga nagsisipaglundag na kulilig hanggang siya’y napansin ng huling nakatapak sa kanya—napahinto ito sa akalang isang uring (9.)(tisod, daliri) lamang si Unat nang kumamot siya sa kanyang paanan at ilang saglit ay (10.)(binitawan, binitiwan) ang dala nito at sinaklolohan agad si Unat. Ang nilalang na ito ay isa palang doktor, at nasusuri nitong ang maliit na utak ni Unat ay sa kanyang buntot napalipat, kaya kailangang (11.)(operahan, operahin) siya sa lalong madaling panahon upang pagpapalitin na lamang ang kanyang ng kanyang ulo at buntot! Kahit si Unat ay parang tulog, bigla siyang nagpabaluktot dahil ayaw niyang maputulan ng ulo at buntot. (12.)(Umiikot, Umiikit) si Unat mula sa bawat gilid ng bulwagan hangang siyang siya ay nakarating sa kalagitnaan upang kanyang matiyak kung maibalik ba ang kanyang maliit na utak. (13.)(Humahagikhik, humahalakhak, humahagakgak) ang lahat, at halata nito ang galaw ng bawat balikat dahil sa di-pangkaraniwang nakikita kay Unat. Hanggang ang pangyayring ito ay nakarating sa isang nilalang na nakakahigit sa lahat, at sa kalagitnaan ng pagkabaliw ni Unat ay dumarami at napupuno ang nasa paligid ng bulwagan, hanggang lumapit ang pangkat na mukhang ginagalang sa lahat, at (14.)(sina, sila) ay tikasing lumapit kay Unat at inuusisa ang kalagayan nito. Samantalang ang isa sa kanila ay dumampi ng kanyang palad sa napagkamalang ulo ni Unat at nagwika na “magaling ka na ngayon” at sabay sinyas na(15.)(abutan, abutin) siya ng malinis na (16.)(bimpo, tuwalya) upang mapunasan ang buntot na (17.)(nakabulanglang, nakatiwangwang) ni Unat.

Kumurap-kurap ang mga mata ni Unat at huminga nang mabilis at pinatibok-tibok niya ang kanyang puso at umunat-unat upang matanto kung siya ay buhay pa. Hanggang sinabihan siyang magpasalamat sa isang tagapagligtas, ang kagalang-galang na si Limboros, ang hari ng lahat.Tinitigan nito ang ulo’t buntot ni Unat at (18.)(ngumiti, ngumisi) nang taus-puso, at sa pagkakataong iyon, sumagi sa (19.)(isipan, isip) ni Unat na ang mga masasamang impormasyon tungkol kay Limboros ay pawang gawa-gawa lamang, ang kadahilanan (20.)(kung, kong) bakit napahamak ang kawawang sarili sa (21.)(may, mayroon) di kalayuan ng kawalan. Natutunan niyang hindi lamang ingay ang dulot ni Limboros ngunit siya ay natatangi (21.) (din, rin).

TAMANG PAGPILI NG MGA SALITA

Kung ilarawan mo ang isang tao o anumang bagay ano-anong mga salita ang dapat gamitin? Sa anumang mga paksa at sa anumang mga impormasyon tungkol sa paksa kailangang may mga salitang dapat gamitin. Ang tamang pagpili ng mga salita ay isang mahalagang paraan upang mapabisa ang isang pahayag upang matamo ang tono at damdamin ng anumang diskurso. Pansinin ang mga sumusunod:

¨ matangkad, matayog, at mahaba

¨ kolehiyala, estudyante, iskolar

¨ masarap, malinamnam, malutong

¨ ningning at liwanag

¨ matalino, mapang-isip, at ma-utak

¨ parusa, verdict, at sanction

¨ pilya, pasaway, tuso

¨ malapad at malawak

¨ gantimpala at pabuya

¨ kalinangan, at sibilisasyon

¨ matapang, magiting at mapusok

¨ marikit at maganda

¨ dalubhasa, pantas, maalam

¨ pagsuyo, pagliyag, pagtangi, at pagmamahal

¨ marupok at duwag

¨ kayamanan at karangyaan

¨ hikahos at hirap

Ang mga salitang magkasingkahulugan ay dapat pamilian kung ano ang angkop na gagamitin. Sa kasong may mga salitang magkalapit lamang ang katangian, kailangan mapag-alaman kung ano ang tunay na kahulugan upang magagamit ito ng tama. Isang paraan dito ay ang paggamit ng diksyonaryo upang magabayan kung kailan gamitin ang isang salita.

Bukod pa naman, ang tamang pili ng salita ay may kinalaman sa kaalaman sa pormal at impormal na mga salita, ibig sabihin nito ay ang antas ng wika. Ang antas ng wika ay ang pambansa, pampanitikan, panlalawikan, kolokyal, at pabalbal. Sa epektibong pagpapahayag kailangan magagamit ang mga salitang malapit sa pag-unawa ng tagapakinig at mambabasa batay sa paksa o nilalaman. Ang mga salitang lalawiganin ay masarap sa pandinig at madaling matanggap ng sinumang gumagamit nito. Sa media, madalas binabanggit ang iba’t ibang bersyon ng magandanng umaga upang lalong umaangkop sa pandining ng bawat manonood.

Ang ma-estratehiyang tagapahayag ay madaling makibagay sa kanyang audience at nasa kanya na ang pagpili ng mga salita upang kaigaya-igaya ang kanyang bawat pagpapahayag.

Paggamit ng mga Salita Ayon sa Kahulugan

Ang pangungusap ay kinasasangkapan ng mga salita, parirala, sugnay, at mga pananda at ang mga ito ay may may mga alituntunin din upang mabuo ng mabisa. Sa kasunod na pahina tunghayan ang inilalahad na mga iilang alituntunin upang makabuo ng mabisang pangungusap.Ang pangungusap ay kinasasangkapan ito ng salita, parirala, sugnay, at mga pananda at ang mga ito ay may may mga alituntunin din upang mabuo ng mabisa. Sa kasunod na pahina tunghayan ang inilalahad na mga iilang alituntunin upang makabuo ng mabisang pangungusap.

Isa sa mga paraan upang magagamit ng wasto ng salita ay ang pag-alam sa kalikasan nito dahil ito ay maghahatid sa tunay na kahulugan ng isang salita. Ang mga salita na siyang kumakatawang sa ating Wikang Pambansa ay may iba’t ibang pinaghanguan, una, mula sa katutubong pinaghanguan at ito ay tinatawag na likas. Ang Pilipinas ay mula sa lahing Malayo at Polynesio kaya ang mga salitang likas mula sa Malayo-Polynesio na may sariling kasaysayan ding nagkaugat sa Sanskrit. Gaya ng bathala na mula sa Sanskrit na battara, ako na mula ‘aku’ sa Malay na naging ako, akoh at akon dito sa Pilipinas. Sinasabing mga salitang nagtatapos ng ‘t’ mula sa Arabic na nakaabot sa kapuluan sa pamamagita ng mga Malaysian na naninirahan sa Pilipinas. Ang likas na salita ay mula sa katutubong wika, at ayon pa kay Alejandro Abadilla (Panganiban,1971:V) na ang katutubong wika ay walang pakunwari, walang bahid kapangyarihang banyaga, lantay na kayumanggi ang kaisipan. At, ang pangalawang uri ng salita ay ang hiram. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Kastila sa higit 300 taon kaya karamihan ng ating mga salita ay hango sa kastila. Sa panghihiram, sang-ayon sa 2009 Gabay sa KWF, ang panghihiram ay mula sa Kastila kay imbis teknoloji na tunog Ingles, mas matimbang ang teknolohiya. Ito ay isang uring pagpakinis ng ating wika na kapag manghiram ng salita na kapwa angkin Kastila at Ingles, ang basehan ay ang Kastila sa layuning consistency (ang salitang consistency ay maaring hiramin na mananatili sa anyong English). Isang dapat pang tandaan sa panghihiram ay kapag may salitang likas na magagamit hindi kailangang humiram pa, ang mga wikang katutubo ay gagamitin upang mapunan ang kakulangan sa wikang Filipino. Ang gawaing ito ay naayon sa pang-intelektuwal na paraan na nangangahulugang lalong alamin pa natin ang sariling atin.

Sa artikulo ni Torres-Yu (Filipino at Pagpaplanong Pangwika Ikalawang Sourcebook, 2005:244) dalawa sa mga kahulugan ng intelektuwalisasyon sa konseptong intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay (1)may sapat na terminong teknikal na maitatapat sa mga wikang Ingles o iba pang wikang dayuhan, at (2)may sapat na bokabularayong magagamit sa pagpapahayag ng abstraktong kasipan, kaya dito pumapasok ang paglikha ng mga salita, at ito ang ikatlong uri ng salita ay ang likha. Ngunit maaring ang mga likhang salita ay hindi matatanggap sa nakararami kaya hindi nabubuhay. Ngunit ang mga salitang telebabad, panitikan, banyuhay, balarila ay mga talasalitaan angkin ng wikang Filipino, tulad pa rin ng “bakaw” o batang magnanakawna inilalahad sa ‘Front Row sa GMA7.

Ang kahulugan ng salita ay may dalawang uri, ang denotasyon at konotasyon. Ang denotasyon ay kahulugang mula sa diksyonaryo o ensyclopedia samantala ang konotasyon namay ay ang mga kahulugang patalinghaga. May mga uri rin ang kahulugangpangkonotasyon tulad ng:

1. sa pamamagitan ng paggamit ng patambis na pananalita tulad ng angel ng tahanan kung ang ipinahiwatig ay sanggol, balat-sibuyas kung maiyakin, nagbibilang ng poste kung walang trabaho at iba pa.

2. sa pamamagit ng salita bilang simbolismo, halimbawa nito ang kulay pula na nangangahulugang pag-ibig, krus nangangahulugang pasakit, bituin ay nangangahulugang tinitingala, dahong laurel nangangahulugang karunungan.

3. sa pamamagitan ng paggamit ng salitang maganda sa pandinig o euphemism tulad ng binawian ng buhay kaysa namatay, pagsubok sa buhay imbis problema at iba pa.

Mga Pagsubok sa Naunawaan